Chapter I - Mysterious Guy

11.8K 196 17
                                    

HAILEY CHASE AT THE MEDIA :)

.............  ...............  ............. ........

HAILEY'S POV

"Haysst!! Naku naman!!" Nasabi ko na lang sa sarili ko habang nakapila sa pagkahaba-habang pila para mag-enrol

Well,mag fi-first year college na ako dito sa Dullsville University at Accountancy ang course ko at excited na ako mag-aral dahil ako yung tipo ng tao na mahilig talagang mag-aral at wala akong pakealam sa iba lalong lalo na sa sinasabi nilang LOVE..
Eh! Ano nga ba ang love? Duhh! hindi ako bitter at hindi pa ako nagkakaroon ng relationship sa kahit na sino at tsaka wala pa namang sumusubok na ligawan ako kasi nga ang weird ko daw ,Yung tipong yung suot ko daw wala sa uso at walang dating tsaka wala daw akong nagiging kaibigan eh pano ba naman sa tuwing lumalapit ako sa mga tao, Nilalayuan ako na parang bang may virus ako at ang mas malala pa eh yung sasabihan ka ng WEIRDO,NEIRD,WITCH at kung ano-ano pang mga pang-iinsulto ang sinasabi nila patungkol sakin..

Well,The hell I care, masaya na ako sa sarili ko ,tanggap ko ang sarili ko at tanggap ko ang itsura ko.

Kung nacucurious kayo sa itsura ko ay idedescribe ko sa inyo bahala na kayong mag-imagine ;)

Uhmmm... Ako? Tumitingin naman ako sa salamin paminsan-minsan at masasabi kong maganda naman ako pag nag-ayos..Makinis,May bangs,Naka Eyeglasses(pero di makapal yung lens) ,Malalim na eyebags dahil sa pagaaral at yung suot ko boring at wala sa style pero hindi ako yung naiimagine nyo na maraming pimples dahil iba ako sa ibang matatalino..MAKINIS NGA EH! HAHAHA

Yan na nadescribe ko na yung sarili ko pero kung di nyo parin ma-imagine wala na akong magagawa dun hahahaha!!

Ang ingay ko noh pero sa isip ko lang yun dahil ang tunay na ako ay tahimik at masasabi kong mahinahon ako kaya nga walang kumakaibigan sakin eh :( Sadlayp..

So ito na nga nakapila parin ako dito at tahimik lang....At sa wakas ako na ang susunod pero bago ako maka-hakbang ay may biglang may babaeng sumingit sa harap ko at masasabi ko na itong babae na to ay bitchesa (sorry for the term ) pero yun talaga ang pumasok sa isip ko nung sumingit sya sa harap ko kasi pano ba naman mag-eenrol lang naka-dress na nga naka high heels pa at malalaman mo talagang mayaman sya at maganda kase likod pa lang,Alam nyo na :)

Pero wala akong pake kanina pa ako dito nakapila kaya hindi na ako nakapagpigil kaya agad kong hinablot ang buhok nya ,pumatong sa kanya at pinagsasampal sya pero imagination ko lang yun hahaha!! Diba nga mahinahon lang ako at tahimik pero funny at maingay ako sa sarili kong isip hahah! Weird ko noh...:))

Ang ginawa ko na lang ay kinalabit sya ng mahinahon pero di sya lumingon kaya kinalabit ko sya ulit ng mahinahon at sa pagkakataong iyon sa wakas lumingon na rin tong bitchesa na toh..

"What?" Tanong ng bitchesa sakin na napakaarte magsalita at nakataas pa ang kilay..

Napansin ko agad ang mukha nya at tama ang hinala ko maganda nga tong bitchesa na toh,makinis at walang bahid ng peklat, at nagising ako sa katotohan ng magtanong sya ulit

"Hey!Do you need anything?"tanong sakin ng bitchesa at mahahalata mong may pag-kairita sa boses nya

"Uhh? Nothing" Nasabi ko nalang sa kanya kasi nga ayoko ng away kaya hinayaan ko na lang syang mauna.

"Good!" Sabi ni bitchesa at tumalikod na sya at nag-enrol na

At nung paalis na si bitchesa ay tumingin sya sakin mula ulo hanggang paa and she scowl at me! Hayyy that bitch! Nasabi ko nalang sa isip ko at nag-enrol na lang.

"Hayyyyyy! Salamaaaattttt! Enrolled na ko" Nasabi ko sa sarili ko kaya nakangiti ako ngayon hahaha BALEWWW

Pauwi na sana ako ng biglang may bumangga saking tatlong lalake na sa tingin ko ay mag eenroll rin.

Sa pagkakabunggo nila sakin ay nalaglag lahat ng papel na hawak ko kaya dun na ako naiinis kasi hindi na nga ako tinulungan ,hindi pa nagsorry kaya kinuha ko lahat ng papel at pumunta sa pila nila.

"What?" Tanong sakin ng lalaki na kaharap ko ngayon

"Hindi ka man lang ba magso-sorry?" Monotonous kong sagot sa kanya

"For what?" Sagot nya

"Sorry ah, Naalog ba yang utak mo sa pagkakabangga nyo sakin kanina kaya hindi mo na agad maalala?" Monotonous ko paring sagot sa kanya. Nagtawanan yung mga taong nasa pila dahil sa sinabi ko and because of that I'm so proud of myself hahaha!!

"Look,Miss hindi namin kasalanan kung nabangga ka namin kase kung hindi ka mukhang tanga na nag-iimagine ng kung ano-ano at naka-ngiti ng magisa habang naglalakad makikita mo sana dinadaanan mo" Sagot nya sakin na nakangiti at dahil don nagtawanan nanaman yung mga tao sa pila at sa tingin ko nabasag nya agad ako kaya nag-isip agad ako ng sasabihin ,Salamat sa utak kong nag process agad kaya meron na akong pambara sa kanya hahaha :))

"Alam mo ba kung ano yung iniimagine ko?" Sagot ko sa kanya habang naka-psycho smile :))

Sa una parang nagtaka sya pero mahahalata mo sa kanya na parang bang kinakabahan sya sa sasabihin ko kasi nga sinabayan ko ng Psycho smile hahaha!!

"A-a-n-no naman yon" Utal pero diretso nyang sagot sakin

"Ini-imagine kasi kita habang naka tali sa upuan at binabalatan ng buhay at habang binabalatan kita sumisigaw ka pero walang nakakarinig sayo :))" sagot ko sa kanya with matching psycho smile nanaman para maihi sya sa salawal nya sa sobrang takot hahaha!!

Akala ko matatakot sya pero tumawa lang sya ng malakas

"Hahahahah!! Akala mo matatakot mo ko sa simpleng kalokohan mo sabi nga ni Einstein "Fear or Stupidity has always been the basis of most human actions "kaya di ako natatakot sa pinagsasasabi mo tsaka alam mo pa yung sinabi nya " sagot nya sakin pero patanong yung huli nyang sinabi kaya sumagot ako na sana hindi na lang ako sumagot pero ayos lang humanda sya sa sagot ko hahaha!! TULOY NA PO SA PAGBABASA..

"Ano?" Monotonous kong sagot

"Sabi nya bakit hindi ka pa daw bumibili ng bagong damit hahaha luma na daw ng damit mo eh !! Hahahah !!" Sagot nya sakin ..Salamat sa utak kong ang bilis magprocess...:))

"Busy kasi siya sa paghahanap ng utak mong nawawala" Monotonous kong sagot

"Ouuuhhhhhhhhh..." Sagot ng mga taong nakapila

Dahil sa pagod na akong makipagtalo ay tumalikod na lang ako at sa huling pagkakataon ay binigyan ko sya ng psycho smile :))

"May araw karin saken" Sigaw ni jerk (jerk na ang tawag ko sa kanya ) habang naglalakad ako palayo pero sapat na yung lakas para marinig ko

"Tss" nasabi ko nalang pagkatapos nyang isigaw yon

At naglalakad na ako papuntang terminal ng bus ...salamat na lang at isa na lang para mapuno yon at sa bintana pa ako nakaupo hahaha!!AYOSSS

Habang nasa bus ako hindi ko maiwasang maalala yung nangyari kanina. Sino kaya yung lalaking yun tanong ko sa isip ko at dahil halo-halo na ang iniisip ko ay hindi ko na namalayang naka-tulog na pala ako sa bus ..buti nalang at nagising ako bago lumagpas...

Pagdating ko sa dorm nagbihis kumain at humiga na ako sa kama ko at sa pagkakahiga kong iyon ay napatingin ako sa kisame at naalala ko nanaman yung jetk na nakaaway ko kanina....Sino kaya yung jerk nayon at sa di malamang dahilan ay tinanong ko nanaman yung sarili ko sa pangalawang pagkakataon pero sa sobrang pagod ko ay nakatulog ako pero bago pumikit yung mata ko nasabi ko nalang sa utak na

Whoever he is ,he's so mysterious for me......:))

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Thank You po sa pagbabasa ng Chapter I hahahaha

~ I dedicate this chapter to my friends :
-Kira
-Sunny(may story rin yan basahin nyo po)
-Mach
-Rome

Salamat sa pagpilit saken na gumawa ng story :))

(PARA PO SA UPDATE NG KADA-CHAPTER NG BOOK NA TO KAHIT ANO PONG ARAW BAKA MAKAPAG-UPDATE AKO PERO  ASAHAN NYO PO NA  TUWING SABADO OR LINGGO MAY BAGONG CHAPTER HAHAHA HINTAY LANG PO)

While You Were Gone (COMPLETED)Where stories live. Discover now