Ipinagbukas pa ako n'ung babae ng pinto at bahagya pang tumango sa akin bago ako tuluyang papasukin. Agad na bumungad sa akin ang expansive na opisina ni Sebastian at ang view ng buong city sa ceiling to floor din na glass walls. Wala ako sa sariling napalunok dahil ang laki noon ay tila isang bahay na. Simple mang maituturing ang mga dekorasyon, pero naghuhumiyaw naman iyon sa pagiging mamahalin.

He is richer than I imagine he would be.

Hindi kalayuan ay agad ko ring nasalubong ang napakagwapo niyang mukha na diretsong nakatitig sa akin. Nakakunot man ang kanyang noo ay walang dudang sobrang gwapo niyang nilalang. Dumiretso siya upo at bahagyang pinasadahan nang kamay ang suot na necktie.

Kulang na lang ay bumagsak ako sa aking kinakatayuan dahil sa sobrang kaba. Ang ginuntuang kulay ng clover leaf sa kanyang likuran at ang nakasulat na letra ng GEI ay talagang intimidating masyado.

"Sebastian..." Kabadong bigkas ko pa sa kanyang pangalan.

Nang makita ko siya kahapon ay wala akong masabi sa laki nang iginandang lalaki niya. Malayung-malayo siya sa simpleng lalaki na minahal ko noon. Ang lalaking nakaharap sa akin ngayon ay naghuhumiyaw sa awtoridad at yaman.

"What are you doing here?" kunot-noo pang tanong niya at bakas ang galit sa tono pa lang nang pananalita. Alam ko naman kung gaano ang galit niya sa akin at nasaktan rin ako sa nangyari.

"Puwede ba tayong mag-usap?"

"What is there to talk about?" wala pang interest na sabi lang niya at nananatiling madilim ang kanyang mukha.

"Pwede bang maupo muna ako?"

Sarkastiko lang siyang ngumiti at umiling-iling.

"Fine..." masungit niyang sabi at naglahad ng kamay sa upuang katapat lang niya.

Kinagat ko ang aking labi at pinigilan ang maging emsosyonal. Halos mangatog ang aking buong katawan sa klase nang pagtrato niya. Pero matagal ko nang pinaghandaan ang pagkakataong ito. Hindi ko dapat sayangin. Kaya naman nang makaupo na ako ay gumalaw ulit siya sa kanyang upuan at bahagyang inayos ang vest niyang suot.

God, he's so handsome.

Hindi ko masisisi si Adison kung ma-inlove siya kay Sebastian dahil siya pa lang ang nakita kong ganoong kagwapo.

"Anything can I offer you?" pormal pang tanong niya. Intimidating ang kanyang tono at hindi ko maiwasan ang makaramdam nang panliliit.

"No. T-thanks. I'm f-fine," sagot ko pa na may kasamang marahang pag-iling. Ramdam ko ang malamig niyang pagtrato at malayung-malayo sa malambing na pakikitungo niya kay Adison. I even heard him call Ady, Baby. He used to call me Angel, but I guess I am no Angel to him anymore.

"Well, then... What is it that you want from me, Brianna?"

"I just want to talk... about us."

Mas lalong kumunot ang kanyang noo at tila wala siya sa sariling pinaglaruan ng mga daliri ang gintong cufflinks habang nakatitig sa akin.

"As far as I can remember there is no us seven years ago," sarkastiko pang aniya na naging dahilan nang pagtayo ng aking balahibo.

"I just wanted to explain..."

"Explain?" Padarag na napasandig ang dalawang kamay niya sa table at pinagsalikop ang mga iyon. Mataman pa rin siyang nakatitig sa akin at halos tumahip pa rin ang dibdib ko sa sobrang kaba. "You're too late for that, don't you think?"

"Please, hear me out, Sebastian..." sumamo ko pa. "Gusto ko lang maintindihan mo ang nagawa ko..."

"I don't need your explanations, Brianna. Those things doesn't matter to me anymore," matigas pang aniya at nakaguhit ang pagkadismaya sa mukha.

LOVING SEBASTIAN GREENE (Published under Sizzle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon