"I'll tell you later, Ady," iwas din naman niya sa tanong. Obviously, she's not in the mood too.

"How did you and Sebastian met?" tanong pa niya na nakapukaw ulit nang atensyon ko.

Wow. She got the guts to ask, huh?

At kahit pa matagal na panahon kaming hindi nagkita ay hindi maikakaila ang kanyang ganda. She's still very pretty kahit na nga parang mas namayat siya at nagmature nang kaunti. Pero wala silang resemblance ni Adison. Magkaiba sila nang ganda.

"Intern ako sa company na pag-aari niya, Ate. We got trapped on the same elevator on my last day and 'yun..." makahulugan pa siyang sumulyap sa akin. Namumula ang kanyang mga pisngi. "High profile din kasi itong si Sebastian. Siguro naman narinig mo na ang name niya, 'di ba?"

"I-I am not fond of reading or watching..." alanganin pang sagot niya.

"Ah, gan'un ba?" Sumulyap sa akin si Adison. Inaalala siguro niya kung na-offend ako sa sagot ng kanyang Ate. But I really don't mind and I really don't fucking care. Pero alam ko ring curious siya sa kung ano ako ngayon dahil wala lang akong sinabing tao sa kanya noong mga panahong iniwan niya ako.

Hindi ko alam kung may nararamdamang awkwardness si Adison sa pagitan namin ng Ate niya dahil parang natahimik na rin siya matapos noon at hindi na nagsalita pa.

At dahil halos wala namang traffic ay narating namin kaagad ang apartment ni Adison. Kanina ko pa gustong umalis. Matapos na maibaba lahat ni Spencer ang mga gamit ni Brianna ay nagpaalam na rin ako kaagad sa kanila.

"I really need to go." Pinisil ko ang pisngi ni Adison.

At ngayong alam kong magkapatid sila ni Brianna ay hindi ko na rin alam kung tama pa bang maging kami ni Adison. This is so confusing. My mind was so haunted with the hurtful memory of my past.

"Tawagan mo ako mamaya, huh," malambing pang sabi ni Ady. Parang pinipiga ang puso ko sa pagtitig palang sa kanya.

"I-I will..." Tumango ako and gave her a chaste kiss on her lips. "Brianna, it was nice meeting you," baling ko na rin sa kapatid niya na noon pala ay nakamata sa aming dalawa. Kahit pa pagbigkas sa pangalan niya ay sobrang hirap.

"N-nice to meet you too, Sebastian," nag-aalangang sabi rin naman niya.

I could sense fear on her voice.

"I'm going."

Agad na rin akong pumasok sa sasakyan.

I needed to get out of here now!


Adison

This is weird... Parang may something sa pagitan nina Ate at ni Sebastian. They don't seem to like each other. Naku, 'wag naman sana akong kontrahin nitong si Ate! Haist!

"Gaano mo na katagal na boyfriend si Sebastian, Beh?" tanong pa ni Ate noong kasalukuyan kaming kumakain ng brunch sa apartment.

"W-well, mga 6 months na rin kami, Ate," nag-aalangan pa ring sagot ko na lang. Nang maalalang may magazine akong featured si Sebastian bilang isa sa youngest and wealthiest business tycoon in Asia ay agad ko rin iyong ipinakita sa kanya.

Agad na namilog ang kanyang mga mata pagkakita pa lang sa gwapong mukha ni Sebastian sa magazine.

"Oh my Gad..." nasambit pa niya. "Mas mayaman pa siya kay Otoki," bulalas pa niya.

Si Otoki ay ang Japanese na asawa niya. Once ko lang nakita ang hapon na 'yun. Sabi ni Nanay, mayaman daw si Otoki. Iyon daw ang tumulong sa akin noong madala ako sa hospital dahil sa dengue. Pero ewan ko ba, ang weird lang kasi dahil matapos na mapakasalan n'ung hapon si Ate at dinala sa Japan ay hindi na kami nakabalita pa sa kanya. Madalang rin sa patak ng ulan tumawag at palagi ring nagmamadali. Wala na rin kaming natanggap na tulong galing sa kanya. Ako nga lang din ang nagtiyagang tumustos sa aking pag-aaral.

"Sinabi mo pa, Ate..." Ang katotohanang sobrang yaman ni Sebastian ay nagpapaisip din sa akin kung seseryosohin ba talaga niya ako. Pero ramdam ko namang mahal niya ako. Sana nga totoo.

"He's a good man, Beh..." tila wala pa sa sariling sagot ni Ate.

"Yes, he is Ate," sagot ko naman." K-kilala mo ba siya?" Hindi ko na rin mapigil ang magtanong.

"Huh?" Saglit siyang natulala, pero agad ding umiling-iling. "Nabasa ko lang dito." Itinuro pa niya ang article sa magazine sabay lapag na rin sa mesa. "Paano siya yumaman nang ganito? May naikuwento ba siya sa'yo?"

Umiling lang ako sa kanyang tanong. Sa tuwing susubukan ko kasing magtanong ng mga personal na bagay kay Sebastian ay parang palagi na lang siyang iwas na iwas.

"Wala rin naman akong idea tungkol sa yaman niya. Nakakailang nga kasi sino ba naman ang mag-aakalang magkakagusto sa akin 'yung tao? Hindi naman ako mayaman at mas maganda ka pa nga sa akin." Mapait pa akong ngumiti.

Madalas kasing maikumpara noon ang beauty namin ni Ate. Though sa totoo lang, half-siblings lang naman kami. Kaya nga magkaiba rin ang surname na ginagamit namin.

"You're so beautiful, Ady. Tigilan mo na ang pangmamaliit mo sa sarili mo," may himig panermon pa niyang sabi sabay pisil sa aking pisngi. Pero ewan ko ba, parang malungkot ang aura ni Ate.

"May problema ba kayo ni Kuya Otoki, Ate? Bigla-bigla ka kasing umuwi? Kahit ang mga Nanay nagulat."

Umiling lang siya at tipid na ngumiti. Hindi na rin kasi siya nagkuwento nang tungkol sa kanila ni Otoki. Wala kaming kaalam-alam sa kung ano ba talaga ang kalagayan ng relasyon nilang dalawa. Seven years na rin ang nakakalipas, pero wala pa silang anak.

"Gusto ko nang magpahinga, Beh. Puwede ka pang humabol sa klase mo. Okay lang ako rito."

"Are you sure, Ate?" alanganin ko pang tanong sabay sulyap sa aking relo. Puwede pa nga akong humabol sa susunod na subject ko.

"Yes... Don't worry. Sige na, ako na bahalang magligpit niyan," pagtataboy pa niya sa akin.

"Okay, Ate... Sige..." Agad na rin akong tumayo para mag-toothbrush.

Ang dami ko rin kasing gagawin sa school. And lately, hindi talaga ako makapag-concentrate dahil sa distraction ni Sebastian. Pero kahit papaano ay nakahinga naman ako nang maluwag dahil wala naman akong naramdamang rejection mula kay Ate. Medyo awkward lang sila, pero baka naman umpisa lang 'yun. Magiging maayos din ang lahat. 

LOVING SEBASTIAN GREENE (Published under Sizzle)Where stories live. Discover now