"Saan ka pupunta? Mag-uumpisa na sila Wendy." pinigil siya ni Darren.
"M-May kakausapin lang ako saglit. Babalik din ako." aniya at nagmadaling umalis sa kinauupuan niya.
Tumakbo siya palabas ng teatro at hinabol ang taong nakita niya kaya nang mag-umpisa ang play nila Wendy ay wala siya roon. Nilibot niya ang labas at mga katabing building ng teatro ngunit wala siyang nakita. Gumuhit ang galit sa mukha niya at hindi na nag-dalawang-isip pang tawagan ang taong 'yon. Noong una ay hindi nito sinagot ang tawag niya pero nang subukan niya ulit itong tawagan ay tinugon siya nito.
"What are you doing here, Yvette?!" bulyaw niya nang magsimula ang usapan nila sa magkabilang linya.
"What are you talking about?" natatawa nitong sagot.
"Hindi ako pwedeng magkamali, Yve, ikaw yung nakita ko! Nasaan ka? Magpakita ka sa akin ngayon." inis na sabi niya.
"Masama bang dalawin ko ang future husband ko? I miss you so much, Babe." paglalambing nito.
"Yvette, ano ba! Hindi mo ako boyfriend o kahit ano. Wala tayong koneksyon, okay? Kaya tigilan mo na lahat ng kabaliwan mo! Masaya na ako dito, tantanan mo na ako, please lang. Pabayaan mo na ako." sa huli ay bumaba ang tono ng boses niya, tipong nakikiusap na siya rito.
"No! Hindi ako papayag! I'm not raising the child alone! Buntis ako!" galit na sambit nito na parang maiiyak. "Nagkamali lang ang doktor na 'yon! Alam kong buntis ako!"
"Hindi ko matatanggap 'yan. Hindi ka buntis. Sinasabi mo lang 'yan para mapikot ako. Tigilan mo na ako." pagkasabi niya noon ay pinatay na niya ang cellphone niya saka siya naupo sa kalapit niyang hagdan. Napayuko na lamang siya dahil sa problemang dinudulot sa kanya ni Yvette.
Nagtagal siya doon ng ilang minuto, nag-isip at sinubukang kumalma dahil sa galit na nararamdaman niya. Nang maalala niya ang kasalukuyang pagtatanghal ng nobya ay nagmadali siyang bumalik sa loob ng teatro, inaasahan niyang simula na ang play pero iba ang nadatnan niya sa loob. Lahat ng tao ay nakatayo at kanya-kanya sila ng komento. Nilapitan niya ang nagkakagulong mga kapatid ni Wendy para alamin ang nangyari.
"Anong nangyayari dito? Bakit wala sila Wendy? Akala ko ba umpisa na?" sunod-sunod niyang tanong.
"Ken! May dumating na mga lalaki, kinuha nila si Wendy pati yung dalawa pa niyang kasama! Sinubukan naming habulin pero tinutukan kami ng baril kaya hindi kami nakasunod." natatarantang sabi ni Darren habang sina Dylan at Liam ay may kausap sa phone.
"What?! How is this possible? Namukhaan niyo ba yung mga kumuha sa kanila?" bakas sa mukha ni Ken ang pag-aalala at pagkagulat dahil sa nabalitaan.
"Hindi namin namukhaan dahil may mga suot silang mask. Pero nasa anim o limang lalaki yung mga dumukot kina Wendy. Ken, tulungan mo kaming hanapin sila. Baka kung mapa'no si Wendy." pakiusap ni Darren.
"'Wag kang mag-alala, Darren, hahanapin natin sila. Sisiguraduhin ko sa'yong ligtas na makakabalik si Wendy." pagkasabi niya noon ay tumakbo siya palabas ng teatro, umaasang madadatnan pa niya si Yvette pero wala siyang nakita gaya ng una niyang paghahanap.
Nagtungo siya papunta sa paradahan kung saan nando'n ang kotse niya pero bago pa man siya makasakay sa loob no'n ay bigla nalang din siyang isinakay ng dalawang lalaki sa isang itim na van. Nagpupumiglas si Ken at sinubukan niyang manlaban sa dalawang lalaki pero hindi siya nagtagumpay. Tinalian ng mga ito ang mga kamay at bibig niya. Tumalim ang tingin niya sa babaeng nakasakay sa unahan ng van, 'yon ay walang iba kundi ang hinahanap niyang si Yvette. Gusto man niya itong murahin ay hindi niya nagawa.
"Ano, Ken? Sa tingin mo ba papayag ako na maging masaya kayo ng low-class mong girlfriend habang nagsa-suffer ako? You really don't know what more I can do. Kung sana naging mabait ka sa akin, this would've never happen... but you got into my nerves!" sinampal siya nito. "I hate you!"
Nagpumiglas ulit si Ken at sinubukang saktan ang dalawang lalaking nasa magkabilang gilid niya kaya napilitan ang mga ito na bigyan siya ng pampatulog.
*
Sa bukod na van ay nakasakay ang anim na hindi kilalang mga lalaking nagtatawanan habang pinagpa-parte-parte ang naka-sobreng pera habang panay ang ingit ng mga nakagapos na sina Wendy, Sam at Ethan. Patuloy sa pag-iyak si Wendy habang sinusubukang alisin ang mga kamay niya sa pagkakatali sa likuran niya. Si Ethan at Sam ay sinusubukang sumigaw na parang namumura kahit may mga tapal na tape ang mga bibig nila.
"Hoy, manahimik nga kayong tatlo diyan! Ang iingay niyo ah!" sigaw ng isa sa mga goons.
"Hintayin mo na lang si Ma'am. Siya na bahalang magpatahimik sa mga 'yan. Basta tayo, may pera na." sabat nung isa kaya nagtawanan ulit silang anim.
Ilang minuto lang ay narating nila ang isang abandonadong building. Liblib at madilim sa lugar na 'yon kaya maliit ang posibilidad na matunton o may makakita sa kanila. Sa pagkakataong 'yon ay pinanghinaan ng loob si Wendy. Ang tanging nasa isip lang niya ay kung sino man ang may kagagawan no'n ay dapat na managot.
YOU ARE READING
You Don't Mess With The Bad Nerd
Romance"Lahat ba ng nerd tahimik at harmless?" HIGHEST RANK ACHIEVED #1
#27: Ending Lang, Walang Happy
Start from the beginning
