*
Nagsimula ang final rehearsal namin at naging maganda ang kinalabasan ng tatlong magkakaibang istorya na hinanda namin. Sa pangatlong dula pa ako kasali, sa una at pangalawang dula ay tumutulong lang ako sa mga props. Nang dumating ang ikatlong dula ay sumama na si Wendy sa mga gaganap. Ako ang bida bilang isang drug addict na nawala sa katinuan dahil sa pag-abuso sa paggamit ng bawal na gamot, gaganap namang asawa ko si Sam at si Wendy ang gaganap bilang testigo na gumagamit ako ng droga. Kalagitnaan ng play namin ng bigla nalang dumating sa teatro ang may-ari ng university, mukhang kasama nito ang asawa niya. Naudlot ang tumitindi na sana naming eksena nang tawagin nito si Wendy pababa ng stage.
"Sige, guys, pahinga na kayo. You're all doing great. Good luck sa atin mamaya, 'wag kayong kakabahan." ngumiti si Wendy bago siya bumaba ng stage.
Nagsialisan na kami para maghanda na sa play. Ilang minuto lang ang lumipas ay dumami na rin ang tao sa teatro. Hindi maitago ang excitement ng mga blockmates ko pero ako ay walang tigil sa paglinga. Hinahanap ko si Yvette, baka naman kasi nasa tabi-tabi lang siya at baka totohanin niya ang sinabi niya sa akin na makikipagkita siya kay Wendy.
Sumilip ako sa kurtina mula sa backstage at isa-isa kong tinignan ang mga nasa audience area. Mas kinakabahan ako para kay Wendy kaysa sa play namin. Natauhan lang ako nang kalbitin ako ni Sam.
"Kanina ka pa diyan ah, sino bang sinisilip mo ha? Girlfriend mo?", biro nito habang natatawa.
"Wala... mag-uumpisa na ba?", tanong ko sa kanya.
Tumango siya matapos niyang sulyapan ang wall clock sa 'di kalayuan, "Five minutes."
Huminga ako ng malalim at umiwas na lang sa lahat. Nag-focus ako sa pagmememorize ng dialogues ko habang may oras pa.
Pagdating ng 4PM, nag-umpisa na ang pagtatanghal namin.
***
Third Person's POV
"Akala ko hindi na kayo dadating eh. Mag-uumpisa na 'yong play, tara na sa loob." aya ni Wendy sa mga kuya niyang naghihikahos pa dahil sa pagtakbo.
"Huh? Wendy? Ano nangyari sa'yo? Bakit ang ikli ng suot mo? Saka bakit ka naka-makeup? Sasagala ka ba?" takang tanong ng panganay na kapatid nitong si Dylan.
"Oo nga, saka nasaan ang salamin mo?" dagdag ni Liam.
"Eh mamaya ko na ie-explain, kailangan na ako doon, tara na sa loob. Bakante na yung upuan sa tabi ni Ken. Ni-reserve niya na kayo ng upuan.", pagkasabi niya noon ay nagmadali na siyang pumasok sa loob.
Pumasok na sila sa teatro at naupo na sa kanilang respective seats. Ilang minuto lang ay sinimulan na nila ang pagtatanghal sa hudyat ng host na senior student at theater artist.
Tahimik ang lahat dahil sa mala-pelikulang play na nagaganap. Kada kwento ay may time range na 20 minutes kaya kung susumahin ay isang buong oras ang pagtatanghal.
Natapos ang una at pangalawang kwento, lumakas ang palakpakan at hiyawan nang magsilabasan ang gaganap sa ikatlo at panghuling istorya, kabilang na sila Wendy, Sam at Ethan.
"Ang galing ni Wendy." bulong ni Darren kay Ken.
Tumango si Ken, "No wonder she's a top student."
"Siya rin ba sumulat ng script?" dagdag nito.
"Alam ko siya pero nagpatulong din yata sa iba." sagot ni Ken at nagkibit-balikat.
Iginala niya ang tingin niya sa loob ng teatro at nang makakita ng isang pamilyar na mukha ay bigla siyang tumayo. Umawang ang mga labi niya at agad na pumormang aalis sa pwesto niya.
YOU ARE READING
You Don't Mess With The Bad Nerd
Romance"Lahat ba ng nerd tahimik at harmless?" HIGHEST RANK ACHIEVED #1
#27: Ending Lang, Walang Happy
Start from the beginning
