Nanlaki ang mata ko kaya tinanggal ko agad ang kamay ko. Nararamdaman ko ang titig niya. Hindi ko naman sinasadya at napatingin ako sa kamay ko na nakahawak ng 'thing' niya. Did I just do that?

"Don't reminiscing what you did because it turns me on, Sandra. I felt it came alive again and if you don't want me to do something to ease your curiosity."

Naglakad na ito kaya lumapit ako sa kanya para alalayan. Nakapasok na kami sa elevator at nakatingin lang sa harapan ko. Ayokong tumingin sa kanya dahil hindi pa rin ako makapaniwala na nahawakan ko iyon.

"Pasaway talaga." Bulong nito.

Natigilan naman ako sa sinabi niya. Masyado na ba akong halata na inaalala pa rin yung kanina. Bumukas ang elevator at dumeretso na kami sa kwarto namin. Pinahiga ko siya sa kama. Hinubad ko muna ang sandals ko bago siya asikasuhin. Kumuha ako ng bimpo para punasan siya.

"Clyde, pupunasan muna kita."

"You can touch my body in anyway you would like or it is better to do what you did a while ago, Sandra?" Mabuti na lang at nakapikit ito kung hindi nakita niya ang pamumula ng pisngi ko.

Sa bawat pagtanggal ko ng butones ng polo niya ay kinakabahan ako. Ngayon ko palang ginawang hubaran ang isang lalaki. Natanggal ko na ang lahat at inaalis na ang damit sa katawan niya kaso biglang umupo ito at siya na ang nagtanggal.

Nakita ko ang katawan niya na pinagpapawisan at napalunok ako sa nakita ko.

"You have my body now." Pinunasan ko muna ang mukha niya para mahimasmasan tapos sinunod ang braso niya at hinuli ang katawan nito. Nakadilat na ito ng magsimula kong punasan ang dibdib niya pababa sa tiyan niya. Nanginginig ang kamay ko habang ginagawa ito.

Lumapit ito sa akin at bumulong, "Did my body made you nervous? You should more aware to what my 'thing' will going to do with your delicious body."

Mabilis akong lumayo sa kanya at napansin na nakangisi ito. Ganito ba siya kapag nalalasing, iba na ang lumalabas sa bibig niya.

"M-Magpahinga ka na, Clyde, lasing ka na."

Umalis ako at pumunta sa kitchen para uminom ng tubig. Parang ang init sa loob kanina. Lahat ng mga sinasabi ni Clyde ay ang lakas ng epekto sa akin. Kung ang iba sigurong magsasabi ng mga sinabi niya ay tatakbo ako palayo pero iba ang dating ng sinabi niya, hindi man lang ako nandidiri? May tiwala ako sa kanya baka lasing lang talaga kaya kakalimutan ko na.

Nagtagal pa ako sa kitchen para siguradong tulog na siya kapag pumasok ako sa kwarto. Uminom ako ng gatas para makatulog.

Pagkapasok ko sa kwarto ay nakipikit na ito at nakadapa habang natutulog kaya kumuha ako ng damit para makapaglinis ng katawan. Lumabas na ako ng banyo at ganoon pa rin ang posisyon ni Clyde. Tinanggal ko ang tali sa buhok at dahan-dahan ang pag-akyat sa kama para hindi siya magising.

Nakatalikod ako sa kanya at pumikit. Hindi pa ako tuluyang nakakatulog na may maramdaman ako kamay sa katawan ko. Ang mainit na hininga niya na dumadampi sa tenga ko kaya napadilat ako.

"Why you took so long to join me here,baby..."

"A-Akala ko natutulog ka na!"

"Kanina pa kita hinihintay..." Lumapit pa siya at ang kalahati ng katawan niya ay nakadagan na sa akin. Dumampi ang labi niya sa tenga ko papunta sa pisngi ko at ang kamay naman niya ay nasa tiyan ko.

"Ang bango naman ng baby ko. Mas lalo nag-iinit ang pakiramdam ko ngayon"

Unti-unti niya akong pinaharap sa kanya at siniil ng halik ang labi ko. Tuluyan na siyang dumagan sa katawan ko at hindi ko ito pinansin at patuloy lang sa pagtugon sa maiinit niyang paghalik. Nalalasahan ko ang alak na ininom niya.

Hinawakan niya ang mga kamay ko ito at itinaas sa ulo ko. Hindi pa rin siya tumitigil at lalo pa niyang idiniin ang katawan niya sa akin. Kinakapos na ako ng hininga sa ginagawa namin. Humiwalay siya at pinagpatuloy ang paghalik sa leeg ko habang ako'y hinahabol pa rin ang paghinga.

I felt his hand move and lift my shirt slightly to touch my body. His lips stayed on my neck but continue kissing it. I can't help myself to moan his name.

"Clyde..."

Umakyat pa ang kamay nito at hinawakan ko ang buhok niya. Ibinalik niya ang labi niya sa labi ko kaya napahawak pa ako sa buhok niya. Naramdaman ko na nahawakan niya hook ng bra ko at natigilan ako. Natigil rin siya at tumingin sa akin.

"What's wrong?"

Kaya ko na bang gawin ito? Hindi pa ako sigurado kung dapat bang gawin namin ito at lasing pa siya.

"I'm sorry, Clyde. I can't... I am not ready."

Lumayo siya kaya bumigat ang pakiramdam ko. Nagalit siya sa sinabi ko. Hindi na siya tumingin sa akin at umupo. Ginulo ang buhok at huminga ng malalim. Tumalikod ako sa kanya at humiga ng maayos. Ayokong makita siyang galit ngayon. Bukas ko na lang iisipin kung ano ang dapat kong gawin. Pumikit ako para makatulog.

Naalimpungatan ako ng may tumabi sa akin.

"I'm sorry, Sandra. Hindi ko lang napigilan ang sarili ko ngayon na sobrang lapit mo lang. I love you, baby."

*~💞~*

Nagising ako na mag-isa sa kwarto. Nasaan kaya si Clyde. Tumayo na ako at lumabas para hanapin siya. Naabutan ko siya sa kusina na may suot ng apron ko.

"What are you doing?" Napatingin siya at muntik na akong matawa ng makita kong may hawak siyang sandok.

"Bakit gising ka na? Hindi ko pa tapos itong niluluto ko."

Lumapit ako sa kanya at tiningnan iyong sinasabi niyamg niluluto niya. Hindi ko na mapigilan ang tawa ko ng makita ang niluluto niya. Sunog na itlog at hotdog.

Kinuha ko ang sandok sa kanya, "Ako na lang ang maluluto at umupo ka na. Baka maubos mo na ang itlog at wala na tayong makain."

Sinuot niya sa akin ang apron na suot niya. Hindi ito lumayo. Pumunta siya sa likod at niyakap ako.

"Gusto kong ipagluto ka kaso walang matino sa mga niluto ko. Breakfast in bed dapat ang plano ko, nagising ka naman."

Pinagpatuloy ko ang ginagawa ko habang nakikinig sa kanya.

"Baby, sorry kagabi. Hindi ko dapat ginawa iyon sayo."

"Akala ko galit ka sa akin."

"Hindi ako magagalit sayo. Lasing ako kaya hindi ko napigilan ang sarili ko at tumugon ka kaya lalo kong gustong makalapit sayo. Too much alcohol makes any man do something he can not control when their girlfriend is around."

Natapos na ako at hinarap siya, "Meron din pala akong kasalanan kung bakit nangyari iyon kagabi dahil tumugon ako sa mga halik mo. Dapat pala umiwas na ako sayo, baby, kapag gusto mo akong halikan?"

Napasimangot siya at hinalikan ako. Smack lang sa labi ko.

"Akala ko ba bawal na ang kiss? Ayaw na natin maulit kaya lalayo na ako sayo."

Hinapit niya ang katawan ko papunta sa kanya, "Sabi ko kapag lasing ako. Kaya kapag hinalikan kita katulad nito..." Hinalikan niya ako at tumugon ako dahil alam kong ito ang gusto niya.

"Tama na. Nakakarami ka na kagabi kaya wala kang kiss ng ilang araw."

Hinanda ko na ang pagkain namin at nagrereklamo pa rin siya.

"Baby, hindi ka seryoso sa sinabi mo di ba?"

"Seryoso ako, Clyde."

Umupo na kami at nakakunot ang noo nito.

"Hindi na ako iinom ng marami. Ano ng gagawin ko nito kung hindi ko na siya mahahalikan?! Ilang araw kaya ang parusa ni Sandra sa akin. Pinapahirapan niya ako." bulong nito pero naririnig ko.

Hindi niya marahil napapansin. Sa tingin ko hindi ko rin matitiis si Clyde kaya hahayaan ko munang isipin niya ang sinabi ko.

My So Strict Boss (Bachelor Series)Where stories live. Discover now