Chapter 28

11.2K 184 1
                                    




UNEXPECTED TURNS
C H A P T E R - 28
Civil.















"I bought toys for you, wanna see them?"











Napairap na lang ako ng marinig ang engles na pananalita ni Nixon. Sabay silang pumasok sa isang kwarto habang nakaupo ako sa sofa ng kanyang condo. Sigurado akong nagkakahalaga ito ng malaki, isa itong penthouse kasama ang mga mamahaling gamit.















Lumabas siya ng kwarto at nagaalangang lumapit sa akin. Umupo siya sa aking tabi ngunit may distansiya sa pagitan namin. Naaamoy ko ang pabango niya, naalala ko, ganitong ganito ang amoy niya dati. Napailing ako ng maisip kong kung ano ano na lang ang iniisip ko.











"Uhm, sinabi mo na sa bata?"













Napabuntong hininga ako. "Simula nang ipinanganak ko siya, wala siyang kinilalang ama. Alam kong gusto niya akong tanungin, alam kong gusto niyang magkaroon ng tatay kagaya ng mga kaklase niya o ng karaniwang bata kapag namamasyal kami." Ngumiti ako pagkuwan habang nakatingin sa kawalan. "Pero isa siyang matalinong bata, marunong siyang makiramdam, kahit hindi mo na sabihin sa kanya, alam niya ang sitwasyon. Na dahil ka namin kasama, dahil wala siyang tatay dahil wala naman talaga." Tumawa ako ng bahagya. "Yun lang." Nagkibit balikat ako. "Pero bigla kang dumating." Nagkarugtong ang aming mata. "Nang makita kong magkasama kayo, nang magkalapit kayo. Walang duda, dugo mo nga ang nananalaytay sa kanya. Nakikita kong masaya siya sa iyo. Kaya siguro, kailangan ko namang pagbigyan ang anak ko at isawalang bahala ang... " Nagbaba ako ng tingin. "... ang nakaraan dati. Besides, anak mo naman talaga siya. Kailangan lang nating maging civil sa isa't-"













"Gusto kong humingi ng tawad sa nang-"













Itinaas ko ang aking kamay dahilan para tumigil siya sa pagsasalita. "Wag na nating pagusapan 'yon. Ginagawa ko lang ito para sa anak ko, Nixon."











Mukhang may gusto pa siyang sabihin ngunit tumango na lamang siya. "Okay."










"Y-Yung reporter kanina? Paano 'yon? Nakuhanan niya ng litrato si Ixion."










"May tinanong ba siya sayo?"









"Tinanong niya ako ng mga bagay ukol sayo, kung ano ba ang kaugnayan ko sayo."














Napailing siya. "Ako na ang bahala doon." Seryoso niya akong tinitigan. "Pero alam mo namang hindi natin kayang kontrolin ang media, hindi ba? I mean, malalaman at malalaman din nila ang tungkol kay Ixion."
















Tumango ako. "Alam ko, Nixon. Pero sana, hindi maapektuhan ang bata sa mga ganitong bagay. Bata pa siya para sa mga ganoon."










"Alam ko."
















Pagkatapos naming magusap, napagpasyahan na naming umuwi na. Binilinan niya kaming hiwag masyadong maglalalabas at tawagan siya kung may reporter mang umaaligid sa labas ng bahay namin pagkatapos niya kaming ihatid.
















Siguro wala namang masama sa naging desisyon ko, hindi ba? Hindi ko naman habol ang pamilyang kasama si Nixon. Hindi pa rin panatag ang loob ko sa bagay na ito, hindi ko pa rin lubos na pinagkakatiwalaan si Nixon, at higit sa lahat, kung inaakala niyang nakalimutan ko na nakaraan, pwes hindi. Hindi ko naman talaga iyon makakalimutan. Nakaukit na iyon sa isip at puso ko, at para bang muli kong nararamdaman ang sakit na dinulot niya noon kapag nakikita ko siya.
















Pero kaunting sakripisyo lang ito, kung ipinagkait man sa anak ko ang hindi buong pamilya, siguro kahit na makasama at makilala niya man lang ang ama niya ay maibigay ko.














Dahil alam ko, hindi ko maibibigay ang pamilyang pinapangarap niya.











***


ImperfectPiece

Unexpected Turns (BOOK1): His Return (COMPLETED)Where stories live. Discover now