Chapter 74

547K 13.4K 1.7K
                                    


Thanks @graceyhamz :)

Chapter 74


Hindi na namin napilit ang kahit sino sa mga Ferell para sumali sa Mr. Mahabang Labac. Ano nga naman daw ang mapapala nila? Matagal na nga naman daw nilang alam na magagandang lalaki sila, wala na daw silang dapat patunayan pa. Mas pipiliin na lang daw nilang ibigay sa ibang tao ang pwesto dahil nagsasawa na daw sila sa mga papuri. Nanatili na lang kaming limang babae na walang salita sa pinagsasabi ng mga Ferell. At para hindi na rin humaba pa ang pagyayabang ng magpipinsan ay tumango na lang kaming lima dahil alam namin na kapag sinalungat pa namin ang kanilang paniniwala sa buhay ay hindi na matatapos ang kanilang pagyayabang hanggang sa lumubog ang araw.


Ferells and their overflowing confidence. Hanggang ngayon ay napakalaking misteryo pa rin sa akin kung saan nila kinukuha ito. Bakit parang hindi man lang ito nanghihina o nauubos sa haba ng panahon? Sa katunayan ay mas lalo pa itong lumalakas.



Kasalukuyan kaming nakatitig sa unti unting lumalaking liwanag mula sa apoy na patuloy na nilalagyan na ng mga tao ng mga kahoy para mas palakihin at pagliyabin. Bahagyang sumasayaw sa aking mga mata ang lumalaking apoy dahil sa banayad na ihip ng hangin.

How I love the sight of dancing fire..


Kakatapos lang ng iba't ibang mga palaro at programa ng isla at ang panghuli ay ang pagpapaliyab ng apoy na siyang sumisimbolo ng panibagong masaya at mainit na pagsasamahan ng mga taong naninirahan sa islang ito.



"Ang ganda" nasabi ko na lang habang nanunuod sa lumalaking apoy. Nasa tabing dagat kaming lahat pero kami lang ni Nero ang magkatabi ngayon, hindi ko na alam kung nasaan ang iba.

Naramdaman ko ang paghawak ni Nero sa kamay ko. Ngumiti lang kaming dalawa sa isa't isa. Kailan ba kami huling nag holding hands ni Nero?

Nagsisimula nang maglapitan ang ilang mga kadalagahan na may nakakatuwang koronang bulaklak sa lumalaking apoy habang may kani kanilang maliliit na basket na may lamang iba't ibang kulay na petals ng mga bulaklak.



"Anong ginagawa nila Nero?" natutuwang tanong ko kay Nero habang pinapanuod ang mga kababaihang umiikot na sa palibot ng apoy habang nagsasabog ng bulaklak sa paligid nito. Hindi ko mapigilang hindi humanga sa nakikita ko, napakagandang panuorin at pagmasdan ang mga naggagandahang babae sa kanilang puting damit habang nagsasabog ng makukulay na bulaklak, samahan pa ng magandang presensiya ng liwanag ng apoy sa gabi.

This place is so magical. Wala na akong lakas para alisin ang mga ngiti ko sa labi.

Muli kong naramdaman ang yakap ni Nero mula sa aking likuran.



"Alam mo ba kung bakit kita dinala sa islang ito?" malambing na tanong niya sa akin. Umiling lang ako bilang sagot sa kanya, hindi ba at mahilig lang talaga siya sa tabing dagat?

Mabilis niya akong hinalikan sa aking leeg bago muling bumulong sa akin.



"Dahil alam kong magugustuhan mo ang fiesta nila Florence. You will love the whole setting, from the fire who witnessed our first night, the moon and the stars who witnessed our countless kisses, the sea who witnessed our heartaches. And even this mellow music around us just like your piano piece Florence. Gusto kong nandito ang lahat ng mga bagay na naging parte ng pagmamahalan natin. Gusto kong maging parte muli sila sa gabing ito, mahal na mahal kita Florence Celestina Almero. Mahal na mahal"

Back In His Arms Again (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon