Epilogue (The Finale)

12K 210 16
                                    

Chapter 50
"Final chapter"

Someone's POV

Ito na ang tamang oras at panahon upang matuloy na sa wakas ang mga plano ko. Gusto ko gumanti sa lahat-lahat na ginawa nila sakin. Kasama man o bahagi man sa kanila ang babaeng mahal ko noon, handa kong wakasan ang lahat kahit na kasama pa siya.  Si Ellaine ang tanging kailangan ko upang matuloy ang matagal ko ng ibinabalak.

Ilang taon din ang lumipas Simula nung nangyari ang unang digmaan sa pagitan ng Good Vampires at Bad Vampires. Nabigo man kaming mga bav vampires noon, pero ngayon ay sisiguraduhin ko ng kami ang magwawagi.

Matagal ko na kinalimutan ang lahat na mga ala-ala ko habang kasama ko pa noon ang mga Good Vampires. Sila ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito ngayon.  Sila ang dapat sisihin sa lahat. 

Si Ellaine lang ang makakagawa ng lahat ng nanaisin ko.

The Light Power..

Isa itong kapangyarihan na matagal ko ng gustong kunin. Noon pa man ay matagal na itong hinahanap.  At habang patuloy na umaandar ang panahon, napaisip kong mas maganda kung si Ellaine mismo ang tatapos sa kanilang lahat. Ano kaya mararamdaman nila? Sana bumalik din sa kanila yung mga dinanas ko noon. At alam ko naman na hindi nila agad mapapatay si Ellaine, dahil si Paul lang ang may kakayahang pumatay sa kanya. Pero kung, Mapapatay niya si Ellaine.  Kaya niya kayang patayin ang babaeng mahal niya?

"Master..." Napatingin ako sa pintuan kung saan may tumawag sakin.

"Rey, Dalhin mo si Ellaine sa dati nating kaharian. Dapat walang makakaalam nito o makaka- sunod sayo. Maliwanag ba?" Utos ko. Agad naman siya tumango.

"Masusunod po Master."

Akala ba ni Paul maililigtas niya o makukuha niya pa sakin si Ellaine? Nagkakamali siya, Hindi niya masisira ang plano ko at hindi na niya kailanman makukuha ang babaeng minamahal niya.

Humanda sila sa magiging ganti ko.

Eliza's POV

Bumalik ako sa silid kung nasaan si Ellaine. Hindi pa siya kumakain kaya dadalhan ko siya ng makakain.  Pero hindi pa ako nakakarating sa tapat ng pinto nang makita ko si Rey na buhat-buhat ang kapatid ko. Anong gagawin niya?

Nagpalinga linga siya sa paligid kaya agad ako napatago sa Pader.

Mga ilang minuto ang lumipas,  muli akong tumingin ulit sa gawi niya kanina at nakitang wala na siya.  Shit.  Saan niya dadalhin si Ellaine?

Agad kong pinuntahan si Master.

"Master.." Tawag ko dito. 

"Ano iyon,  Eliza?  May kailangan ka ba?" Napahinga muna ako ng malalim bago muli nagsalita.

"San niyo dadalhin ang kapatid ko?" Matapang kong sabi.

"Bakit ko naman sasabihin sayo? Bakit?  Sasabihin mo ba sa mga good vampires kung nasaan ang kapatid mo?" Aniya.  Naiyukom ko ang kamao ko. 

"May karapatan akong malaman iy-" pinutol niya ang sasabihin ko.

"Bakit Eliza? Dahil ba unti-unti na lumalambot ang puso mo sa kapatid mo?" Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.

Vamps Academy: World of Vampires Where stories live. Discover now