Chapter 49

7K 166 6
                                    

Third Person' s POV

Kailan kaya matatapos ang puro kapootan at kasakiman na nangyayari ngayon?Pakiramdam ko parang wala ng pag-asa na maayos ang mga gulong nangyayari ngayon. 

King Leo..

Alam naman natin na siya ang Hari at makapangyarihan sa lahat ng mga bampira.

Hawak na ng mga kalaban ang natatanging pag-asa nila na magkaroon ng kapayapaan at kaayusan ang lahat. 

Sina Paul at Ellaine lang ang pag-asa ng lahat.  Sila ang nagmamay-ari ng dalawang pinakamalakas na kapangyarihan.  Sila ang itinakda para tapusin ang lahat ng kasamaan.

Ellaine's POV

"Mama, sa akin po ba ito?" Sabi ko kay mama habang pinapakita ang isang kwintas na ang disenyo na puso.  Bahagyang nagulat si Mama dahil sa nakita niya pero agad din na nagbalik ang dating emosyon.

"Anak, saan mo iyan nakuha?" Takang tanong niya sakin.

"Ah, bigay po ito ng babae sakin kanina." nakangiti kong sabi.

"Kilala mo ba yung babaeng yun, anak?"

Umiling ako. " Hindi po pero mama, ang ganda ganda niya. Para siya yung si Snow White." nakangiti kong sabi. Muli kong naalala ang mukha ng babae kanina. Kamukha niya talaga si snow white. Nakakahanga ang kagandahan na meron siya.

Muli kong naalala ang sinabi ng babae sakin. “Ang kwintas na iyan ay magsisilbing direksyon niyo para makilala at makita niyo ang isa't isa. ”

___

Napabangon ako at napahawak sa dibdib.  Napahinga ako ng maluwag. Hayy Panaginip lang pala.

Napanaginipan ko na naman ang tungkol sa kwintas ko na ibinigay ng babaeng iyon.  Ano bang meron sa kwintas na iyon?  Palagi ko na lamang napapanaginipan iyon.

Napabalik ako sa realidad nang mapansin ko ang kadiliman na bumabalot sa silid na ito.  Muli kong naalala ang nangyari.  Shit. 

Tumayo ako at nagtungo sa pinto.  Nakasarado ang mga iyon. 

"Palabasin niyo ko dito!" Sigaw ko habang kinakalampag ang pinto. 

Nanghihina ang mga tuhod ko.
Pumasok sa aking isipan ang kanyang pangalan.

Paul,  iligtas mo ako.

Eliza's POV

Nakasandal ako sa pintuan ng silid kung saan nandun ang kapatid ko. Pasensya na Ellaine pero kailangan ko tong gawin. Alam kong Hindi ito makakabuti sayo pero sana mapatawad mo ko. Napakasama ko bang kapatid?  Hindi mo alam,  dahil sayo ay nagkaganito ako. Pero pakiramdam ko,  sobra-sobra na ang lahat. 

Bukas na magkakaroon ng Eclipse at bukas na din gagawin  ang mga plano ni Master sa kapatid ko. Gusto ko siyang pigilan pero, ano pa bang kaya kong gawin bukod sa umiyak at manahimik? Napakaduwag ko! Bakit ganun? Ang sakit ng mga ginawa nila sakin pero bakit ngayon, lumalambot bigla ang puso ko sa kapatid ko.

Napailing ako. Hindi dapat maging malambot ang puso ko sa kanya. Hindi maaari! Ayoko na! Hindi nila alam ang dinanas ko. 

"Ang tibay mo rin pala,Eliza. Nakakakaya mong pigilan ang sarili mo. Natabunan na talaga ng galit ang puso mo." Halos magulat ako sa biglang pagdating ni Rey.

Inirapan ko siya.

"Huwag mo ako pakelaman. Wala kang alam sa nangyayari dito."

"Wala man akong alam pero nababasa ko ang laman ng isip at puso mo Eliza. Hindi ko man alam ang naging sanhi ng pagkagalit mo pero nakatitiyak ako na Hindi mo hahayaan na mapalagay sa panganib ang kapatid mo." Pagkatapos niya sabihin ang mga iyon,  para na lamang ako binuhusan ng malamig na tubig at biglang natauhan.

Natakpan nga lang ba ng galit ang puso ko kaya ko nagagawa ang lahat ng ito? 
Follow your hearts..

Francine's POV

"Hayop ka talaga! Bakit pati si Ellaine dinadamay mo dito?" Galit na isinigaw ko sa kanya.  Tumawa naman siya ng malakas.  Mapapatay ko ang lalaking ito! 
Hindi kaya..  Alam niya na si Ellaine ang light power?  No! Hindi pwede!  Anong binabalak niya?

" Nasa kanya ang kailangan ko upang matuloy ang binabalak ko." sabi niya.  Sinasabi ko na nga ba.  Shit.  Paano nila hinayaan na makuha si Ellaine?

"Alam ko ang iyong iniisip Francine at Oo, Alam ko ang lahat." Nanginig ang tuhod ko sa kanyang sinabi.

"Sige na, dalhin niyo na si Ellaine." Utos niya sa tatlong tauhan.  Lumapit naman agad ang mga ito kay Ellaine at binuhat papalabas. 

"Bukas ko na gagawin ang mga plano at balak ko kay Ellaine. Bukas ay darating na ang Eclipse at sa oras--" Hindi na naituloy ang sasabihin niya nang..

"MASTER, SI PAUL PO.. NAPAG-ALAMAN KO PONG SUSUGOD SIYA MAG-ISA DITO!" Malakas na sigaw ng tauhan niya.

Si Paul, susugod na mag-isa?

Ngumisi siya. "Kung ganun,  Maghanda ang lahat"

Itutuloy.

Next, Last Chapter.  (EPILOGUE)


Vamps Academy: World of Vampires Where stories live. Discover now