Chapter 21

7.7K 252 16
                                    

#Edited

Ellaine's POV

Ilang araw na ang lumipas nang makabalik si Celline at hanggang ngayon ay nasasaktan parin ako sa mga naging decision nito. Si Celline ang pinakamatalik kong kaibigan,  ngunit hindi ko aakalain na ito mismo ang tatapos sa aming samahan. Parang kapatid na ang Turing ko dito kaya nga,  labis labis parin ang kalungkutan na nadarama ko sa tuwing nakikita ko si Celline na may kasamang ibang kaibigan at masaya ito sa mga piling ng bagong kaibigan.  Pero wala na kong magagawa pa kundi ang tanggapin ang lahat.  Sa tuwing nakikita ko ito,  pinipilit ko na maging matatag sa mga Mata nito. Respetuhin ko na lang ang maging decision nito.  Alam kong may dahilan ang lahat ng ito.  Kilala ko si Celline.  Hindi niya basta basta isusuko ang pagkakaibigan namin kung wala siyang dahilan.  Pero kung ang dahilan niya para sa ikabubuti naming dalawa,  mas mabuti na din na tanggapin ko ang lahat. Para din sa amin iyon.

Madalas ko na lamang makita si Celline.  Siguro ay may mahahalaga at may importante siyang ginagawa.  Maski din ako ay naging abala na din.  Palagi ako tinuturuan ni Andrew na humawak ng mga matatalim na bagay,  tulad ng kutsilyo at espada. Hindi nga ako makapaniwala dahil kasama ba itong mga ito sa mga pag-aaralan ko?

"Ang sakit ng katawan ko! " Reklamo ko.  Umupo ako sa sahig at nagpahinga.

"Mas mabuti siguro na ipagbukas na lang ulit natin ito." Sabi ni Andrew.  Tiningnan ko siya.  Bakas sa mukha ko ang pagrereklamo. Nakakapagod talaga. 

Tumawa siya.  "Seriously laine? Halos hindi mo pa nga ako nagagalusan.  Hindi tayo titigil hangga't hindi ka natututo pa. "

"Bakit kailangan pa kasi ng ganito? Sa pagkakaalam ko, walang ganitong klaseng lessons." Singhal ko.

"Pwes ngayon meron na.  Magpasalamat ka na lang dahil tinuturuan ka ng ganito. Paano na lang kung may mangyaring masama sayo? Edi nganga ka. " tinarayan ko siya.

Tumayo na ako. "Mauuna na ako.  Gusto ko ng magpahinga. " Aniya at lumabas na ng practice room. Aminado na ako na totoo ang sinasabi ng mga ibang Tao sa school na ito.  Talaga ngang kakaiba dito. 

Papasok na sana ako ng dorm nang matigilan ako ng may biglang tumawag sa pangalan ko.  Ang mga boses na iyon. 

"Ellaine! Pwede ba tayo mag-usap?" Sabi ni Celline sa akin.  Ano naman ang pag-uusapan namin? 

Imbes na tumanggi, tumango na lang ako.  Pinapasok ko siya sa loob ng dorm..  Ko.  Yes,  dorm ko.  Ako na lang naman kasi ang nakatira dito.

"Kain ka muna. " Naglapag ako ng isang tinapay na nasa platito at isang basong juice sa harapan niya.

Umiling siya. "Busog pa. " aniya sabay hawak sa kanyang tiyan. Palihim akong napangiwi.

Umupo ako sa harapan niya.

"Ano ang pag-uusapan natin?"

Huminga siya ng malalim bago nagsalita.  "Tungkol sana kay Anne."

Automatikong napaayos ako ng upo.  "Ano ang tungkol sa kanya?" Bakas ang pag-alala ko.  Ilang araw ang lumipas,  hindi nagpaparamdam sa 'min ni Andrew si Anne.  Nangangamba na nga ako dahil baka may galit siya sa amin ni Andrew.  Palagi na lang kasi kami magkasama. Baka may konting pagtatampo at pagseselos siya.  Minsan nga,  tinatanong ko kay Andrew kung madalas niya bang nakikita si Anne pero ang lagi niyang sinasabi 'hayaan mo yung pangit na yon. Bahala siya sa buhay niya.' Kaya nga,  nakakailang batok ang natatanggap ni Andrew dahil sa 'kin. Hindi na lang niya kasi ako sagutin ng matino.

"I'm here para sabihin sayo ang gustong ipasabi ni Anne.  Humihingi siya ng tawad kung hindi man na siya nagpapakita ng madalas sa inyo." Panimula niya.  Nakakunot ang mga noo ko.  "May pinagawa lang daw sa kanya si Ms. Francine. Magkasama kami ni Anne palagi.  Napansin ko din kasi na medyo lumalayo siya sainyo.  I mean,  hindi na siya lagi ang kasama niyo.  Tinanong ko siya pero tanging itong impormasyon lang ang sinabi niya, Abala siya sa ginagawa niya at wala siyang oras para samahan kayo." Dagdag niya.  Labis ang pagtataka ko.

Vamps Academy: World of Vampires Where stories live. Discover now