Chapter 24

7K 255 17
                                    

Jake's POV

Umalis na si Andrew upang tawagin si Pareng Paul. Kinakailangan na kasi namin siya dito.  Maski ako ay hindi ko alam kung paano tatalunin itong si Terror.  Ano ba kasi ang kailangan niya kay Ellaine?

Patuloy lang ang pag atake namin.  Natanggal ko na din ang bisa ng spell na ginagamit niya sakin. Hindi ko aakalain iyon.  Syempre,  matalino ka Jake.  Natural lang na magagawa mo iyan.

Sa gitna ng labanan.  Bigla na lang dumating si Paul kaya naging mas panatag na kami. Lumapit agad kami sa kanya. Nakakapagtaka nga dahil sa lumakas si Terror.  Hindi na siya tulad noon ang hina-hina niya.

"Si Ellaine?" Tanong ni Ms. Francine. 

"Kasama niya na si Andrew ngayon." Aniya ni Paul.

"Mabuti naman.  Nakakahalata na ba siya?"

"Hindi ako sigurado pero sa tingin ko,  oo."

Tumingin silang lahat kay Terror.

"Paul masyado siyang malakas, Hindi natin siya kaya." sabi ni Daniel.

"Naka-isip na ako ng paraan..." Mahinang usal niya.  Medyo nakahinga naman ako ng maluwag.  Kanina pa kasi kami sugod ng sugod at paubos na ng paubos ang lakas namin.

"Ano naman yun?" Sabi ni Ms.Francine.

"Tapos na ba kayo mag-usap dyan.." Biglaang sabi ni Teror kaya napahinto kaming lahat. Tumingin ako sa kanya at binigyan ko siya ng matalim na tingin.

"Ganito. ikaw Jake gamitin mo yung spell na alam mong Hindi siya makakagalaw tapos kapag Hindi na siya makagalaw ---"

"Teka, Pano yun? mabilis niya lang napapawalang bisa yung mga spell ko. " sabat ko.

"Pwede ba patapusin mo muna ako." Pagalit na sabi niya kaya napatikom na lang ako.

"Kapag hindi na siya nakagalaw,  doon na tayo susugod at isasaksak natin ang kutsilyong ito." Aniya sabay pakita ng kutsilyo na pamatay sa mga bampira.

"Saan mo nakuha ang bagay na iyan?" Kunot noong sabi ni Ms. Francine.

"Wala ng oras para magpaliwanag.  Kailangan na agad natin matapos ito bago pa tuluyang makahalata si Ellaine."
Anito. Tumango naman na kaming lahat.

Umayos na kami.  Napahinga ako ng malalim. Kaya mo ito, Jake. 

"Gawin mo na Jake!" Sigaw niya. Dali dali ko ng ginamitan ng spell na magpapatigil sa kanya.

Nakita kong napagulat si Terror dahil sa hindi siya makagalaw.
"A-ano i--" Hindi pa niya natatapos ang sasabihin nang biglang sumulpot sa harapan niya si Paul at akmang sasaksakin siya nang bigla na lamang ito natigilan dahil nahawakan ni Terror ang kanyang kanang kamay kung nasaan ang kutsilyo.

Ngumisi ito.  "Kahit anong gawin niyo hindi niyo ko matatalo!" sigaw ni Terror. Nagulat kami dahil narinig namin ang pagbali niya sa kanang kamay ni Paul. Nanlaki ang mga Mata namin lahat.

Napadaing si Paul.

"Paul!" Sabay namin sigaw nina daniel.  Hinawakan ni Terror ang leeg nito at sinakal.

Anong gagawin namin?!

Third Person's POV

Wala silang magawa kundi ang panoorin na lamang ang pagsakal ni Terror kay Paul. Kapag nangialam sila,  alam nilang tatapusin na agad nito ang buhay ni Paul.

"Masakit ba? Nakakatawa nga isipin, ang isang pureblood prince ay napakahina." Pangangasar ni Terror kay Paul.

"Ang hina mo. Katulad ka lang ng mahina mong Ama!" Diin na sabi ni terror na nagpagalit kay paul. Mabilis na naging kulay pula ang kanang Mata nito,  habang ang kabila ay unti-unti na naghahalo ang kulay pula at itim sa kaliwang Mata nito. Lumalabas na ang mga nagbabagang pangil nito. Nawawalan na siya ng kontrol sa sarili.

Hinawakan niya ang kanang kamay ni Terror na nakasakal sa kanya at sa isang iglap, natanggal niya ito sa kanyang leeg. Nagulat si Terror dahil dito.

"Paul.. " Gulat na gulat na sabi ni Ms. Francine.  Halos lahat ay nakaramdam ng takot.  Hindi si Paul ang lalaking nasa harapan nila.

"Hindi kita mapapalagpas. " madilim na wika ni Paul.  Nagdilim ang paligid at umalog ang lupa. Humangin ng malakas. Lumapit sa kanya si paul, pilit niya ito ginagamitan ng spell pero walang epekto kay Paul ang mga yun.  Katapusan niya na ba? Yun ang nasa isip ni Terror.

"PAPATAYIN KITA!" galit na sabi ni Paul at agad na sinakal ng mahigpit si Terror gamit ang kaliwang kamay nito. Ang kanang kamay naman niya ay tila may lumabas na itim na kapangyarihan.  Hindi lang basta bampira si Paul.  Meron siyang itim na kapangyarihan.  Kapangyarihan na magbibigay ng kapayapaan sa kanilang lahat.

Binaon niya ang matatalas na kuko sa leeg ni Terror.

---

Sa kabilang dako naman ay pinapanood lang ng mga badvampires ang nangyayari kay Terror. Sa mukha palang ng kanilang Master, halatang galit na galit ito.

"Lumalabas na ang itim na kapangyarihan sa kanyang katawan... " bulong nito.

"Master baka mapatay niya si Terror." Nag-aalalang sabi sa kanya ni Eliza.

"Pabayaan mo siya." Nagulat ang lahat sa sinabi ng kanilang Master. Kahit kailan talaga, walang itong awa sa puso. Wala itong pakelam kahit unti-unti ng napapatay ang tauhan nito. Nagagalit ito sapagkat sigurado siya na hindi na naman nila makukuha si Ellaine. Malakas si Paul kaya kahit sino walang makakatalo sa kanya.

"Master tutulungan ko si Terror, baka mapatay siya." Sabi ni Eliza

"Walang tutulong sa kanya. Hayaan niyo siya." Mahinahon na sabi nito na nagpainit sa ulo ni Eliza. 

"Hindi niyo siya basta pwedeng hayaan doon!" Galit na sigaw sa kanya ni Eliza. Matagal na niyang kaibigan si Terror at sobra ang pag-aalala niya para dito. 

"Sino ka ba para sigawan ako?!" Galit din na sigaw sa kanya ng master niya. Natigilan siya.  Sino nga ba siya para sigawan ang hari ng mga bad vampires?  Isa lamang siyang dehamak na tauhan nito. 

May lumapit na dalawang tauhan sa kaniya at agad siya nitong hinawakan sa magkabilang braso.

"A-anong gagawin niyo?!" Sigaw niya.

"Ikulong niyo muna siya.  Hindi ko gusto ang inasal niya." Aniya ng kanilang Master.  Hinila na siya ng dalawang tauhan papalabas.

"T-terror.  Patawad."

__

Hindi na Alam ni Teror ang gagawin niya. Napakahigpit ng pagkakahawak ni Paul sa leeg niya. Lalo pa at binabaon pa nito ang matatalas niyang kuko.

"Paul!" Sigaw ni Francine kailangan niyang pigilan si Paul dahil wala na ito sa tamang pag-iisip ngayon. Ang Dark power ay isang kapangyarihan na walang makakatalo o makakaangat dito. Bata palang si Paul nang malaman nila ang tungkol sa kapangyarihan nito. Mapanganib ang dark power kaya ginawa nila ang lahat ng paraan para tanggalin ito sa katawan ni Paul ngunit nabigo sila. Hindi nila pinaalam kay Paul ang tungkol sa kapangyarihan nito hangga't hindi pa nila natatagpuan ang kapareha nitong kapangyarihan.  Ang Light Power. 

"Paul, itigil mo yan!" Pero bindi siya naririnig nito dahil sarado na ang utak nito at ang nasa isip lang nito ay ang patayin ang lalaking hawak hawak niya.

Hindi na kinakaya ni Terror.  Nawawalan na siya ng hininga. Bigla na lamang siya binitawan ni Paul na ikinagulat niya. Bumakat sa kanyang leeg ang mga kuko nito.  Dali dali siyang tumakbo papalayo kay Paul.  Bigla na lang nawalan ng malay si Paul dahilan ng dark power.  Lumapit si Francine dito.

"Muntikan na.. "

Itutuloy.

Vamps Academy: World of Vampires Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ