Chapter 43

6.4K 208 23
                                    


Ellaine's POV

Ellaine Scarlet Faxon.  Iyan pala ang totoo kong pangalan.  Isa pala akong Faxon.  Pero hanggang ngayon ay hindi ko parin tanggap ang lahat. Hindi ko magawang tanggapin ang tunay kong pagkatao.  Marami na kong nalalaman.  Una,  hindi ako tunay na anak ni Mama.  Masakit iyon para sa'kin. Akala ko siya ang tunay kong Ina at masakit dahil akala lang pala.  Pangalawa, Isa din pala ako. Isa din pala akong bampira tulad nila.  Nakakatawa isipin dahil kinatatakutan ko ang mga bampira.  Kinatatakutan ko ang sarili ko.  Pangatlo,  Ako ang itinakda.  Hindi ko labis maintindihan kung ano ang ibig sabihin ni Mama.  Anong itinakda?  Itinakda saan? Tinanong ko siya pero ang tanging sagot niya lamang ay malalaman mo rin balang araw. Kailan naman ang araw na iyon?  Gusto ko na malaman ang lahat tungkol sakin. Mahirap man pero kailangan ko parin malaman ang lahat.

"Ellaine, Kailangan ko ng umalis.  Hindi ako dapat nandito. Hindi dapat nandito ang ordinaryong katulad ko." sabi ni mama.

Umiling ako.  "Paano ako? Sasama ako sayo,  Mama.  Ayoko sa lugar na ito. Ayoko sa mundo nila." Pakiramdam ko ay maiiyak na naman ako.

"Anak, kailangan ka nila lalo na nasa ganitong sitwasyon. Dito ka nababagay.  Ito ang tunay mong mundo."

"Pero Ma-" Hindi ko na naituloy ang sasabihin nang may marinig kami ng mga ilang hakbang na papalapit.  Parehas nangunot ang noo namin. 

"Dyan ka lang,  ako na titingin." Seryosong sabi ni Mama.  Lumabas siya ng aking silid upang tingnan kung ano ang nangyayari sa labas.  Ilang minuto, hindi parin siya bumabalik.  Ano kaya ang nangyayari? 

Napatayo na lang ako nang biglang bumukas ang pinto ng aking silid.  Nung una ay akala ko si Mama ang bubungad sa'kin pero ang iniluwa nun ay si.. Paul?

Hingal na hingal siya. 
"Si mama?" Tanong ko sa kanya. Lumapit siya sa'kin at hinawakan ang kaliwang kamay ko. Parang may kung anong kuryente akong naramdaman nang magdikit ang aming mga palad. Ang init ng kamay niya.
Lumakas ang tibok ng puso ko.

"Halika na, malapit na sila dito." Sabi niya. Nagtaka naman ako sa kanyang sinabi.

"Teka, Hindi kita maintindihan. " sabi ko.  Hinila niya ko palabas.

"Kailangan kita ilayo sa kanila.."




Third Person's POV

"Ipadala ang mga ilang tauhan ngayon sa Vamps Academy." Sabi ng kanilang Master.ahat ay nagulat.

"Bakit master?" Tanong ni Eliza.

"Kailangan natin makuha si Ellaine ngayon. Sumugod kayo don at manggulo. Huwag kayong babalik dito hangga't hindi niyo nakukuha si Ellaine. Naiintindihan niyo ba iyon?" Sabi nito.  Bakas sa mga boses nito ang pagkasabik na makuha si Ellaine. 

"Masusunod po, Master. " sabi ng lahat. 

___

Maraming mga bad vampires ang nagtungo ng vamps academy upang kuhanin si Ellaine. Hindi sila dapat mabigo sa pagkuha kay Ellaine lalo na sabik na sabik ang kanilang Master na makuha ito.

Nagulat nalang ang ilan ng humangin ng malakas. Ang mga ulap ay biglang nagdilim at tinatakpan nito bilog na buwan.

"Anong nangyayari?" Tanong ni Terror. Napatingin ang lahat sa kalangitan. Bumuhos ang napakalalas na ulan. Nanlaki ang mga Mata nila nang biglang may sumulpot na babaeng nakaputi sa harapan nila. 

"Selena?" Gulat na gulat na sabi ni Terror. Buhay ito at bumabalik?  Iyon ang mga nasa isip ng ilan.

"Wag niyo na ituloy ang mga binabalak niyo. Nasisiguro akong Hindi kayo magwawagi." May pagbabantang sabi nito.

"At sino ka naman para sundin namin?" Natatawang sabi ni Terror.

"Ako lang naman si SELENA MARTHA WOVOUS. Ang natitirang pure vampire sa mundo." Tila lalong lumakas ang ulan ng banggitin niya ang kanyang pangalan. Nakaramdam ang ilan ng takot samantala si Terror ay hindi man lang natakot.  Wala siyang kinatatakutan maliban sa kanyang Master.  Ito lang susundin nito at wala ng iba.

"Terror, Tara na masyado nang malakas ang ulan baka hindi na natin--" 

"MANAHIMIK KA!" Sigaw ni Terror kay Rey. Halos mapatikom si Rey dahil sa pagtaas ng boses ni terror.

"Ano? Itutuloy niyo pa ba? Hindi niyo magagamit ang Light power sa kasamaan." Sabi ni selena.

"Itutuloy namin dahil iyon ang pinaguutos sa'min." Simpleng sagot ni Terror pero may pangangasar sa kanyang Boses. Nginisian naman siya ni Selena.

"Kung ganon,  May labanan palang mangyayari ngayon."


Andrew's POV

Pagkagising ko, agad na bumungad sakin ang mukha ni Daniel na duguan.  Nanlaki ang Mata ko. Hindi naman ganito kalala ang mga sugat niya kanina?  Bakit biglang nadagdagan?  Anong nangyari sa kanya?

Kinalabit ko siya, unti-unti naman niyang binuksan ang mga mata pero laki na lamang ang gulat ko na may tumulong luha galing sa kanyang mga mata.

"Anong nangyari sayo? Bakit punong-puno ka ng mga sugat? Hindi naman ganyan kadami ang sugat mo kanina." Nag-aalala kong sabi. Ngumiti naman siya ng mapait.

"Nakakabaliw pala yung iwan mo at saktan mo ang sarili mong kapatid."  Tila naguluhan naman ako sa kanyang sinabi. Anong pinagsasasabi niya?  Teka, May kapatid siya?

"Teka nga,  Hindi kita maintindihan. Anong ibig mong sabihin?"

"Kung Mamatay man ako dito, ibig sabihin lang nun ay Hindi ko na makikita man lang ang kapatid ko at makakahingi ng tawad sa kanya. Halos ilang taon na pala at hanggang ngayon ay hindi ko parin siya nahahanap." Malungkot na sabi nito.

"Hindi tayo mamamatay dito. Maniwala ka lang at makikita mo na muli ang kapatid mo kaya kayanin mo."

Umiling naman siya.

"Daniel... "

"Ipangako mo saakin na maliligtas mo si Ms. Francine at makakauwi kayo ng academy." sabi nito. May tumulo na ding luha sa aking mga mata.

"Ano bang sinasabi mo. Daniel,  sabay-sabay tayong makakaalis dito. Paano mo makikita ang kapatid mo kung susuko ka na agad?  Makikita mo ulit siya. Maniwala ka lang at magpakatatag.  Wag kang susuko,daniel." Humihikbi na ako.  Hindi siya pwede basta sumuko na lang.  Hindi siya pwede basta mamatay na lang.  Sabay sabay kami makakaalis sa lugar na ito. 

"Malabo na iyon, Andrew. "
Bulong niya.

"Ano ba kasi nangyari? Bakit duguan ka na lang at maraming sugat?"

Tumawa siya ng mahina.

"Hindi ko pala sila kaya.. Masyado silang malakas."

"Wag mong sabihin--"

"Ikaw na bahala..pagod..na..ako." Pagkatapos ng mga katagang iyon ay unti-unti pumikit ang mga mata niya at tuluyan na niya kaming iniwan.

Daniel..

Itutuloy.

Vamps Academy: World of Vampires Where stories live. Discover now