Chapter 46

6K 190 7
                                    

Selena's POV

Hindi namin inaasahan ang pagdating ni Paul. Bigla na lamang ito sumulpot. Kinabahan ako bigla.  Nilibot ko ang paningin ko sa paligid.  Wala parin sina Harvy at Jake.  Hindi kaya...

"Paul anong ginagawa mo dito?"
Sabi ko.

"Ano pa nga ba?" Malamig na wika ni Paul.

"Pero--" Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko nang muli nagsalita si Paul.

"Bitawan mo siya." May pagbabanta sa boses nito. 

Napatawa si Terror.  "Ano ako tanga? 'Saka ko lang siya bibitawan kung ibibigay niyo sakin ang hinihingi ko."

"Paano kung Hindi ko ibigay sayo si Ellaine?"

"Edi magpaalam na kayo dito sa lalaking ito," pagkatapos nun,  tumawa siya ng malakas.

"Talaga?" Agad na napatikom ng bibig si Terror. Shit.  Paul,  hindi mo alam ang ginagawa mo.

"Paul, wag na wag mo ibibigay si Ellaine sa kanya. Mas mabuti na mamatay ako." sabi ni wanston.

"Tito, Wala naman ako sinabing ibibigay ko sa kanya si Ellaine." Ani paul. Napangisi si Terror.

"Kung ganun, magpaalam na kayo sa--"

"Gusto mo ba na maulit ang nangyari sayo dati, Terror?" Napangisi si Paul. Nagulat si Wanston sa sinabi niya . Ako naman ay biglang naguluhan. 

"Alam mo ang lahat, Paul?" Gulat na gulat na wika ni Wanston.

"Oo, Tito. Noon ko pa alam ang lahat." Wika ni Paul.  Nanlaki ang Mata ni wanston sa sinabi nito.  Ano ba ang tinutukoy nila?  Ang dark power ba?

"Kailan pa?"

"Simula noong sumugod si Terror dito upang kunin din si Ellaine. Ang buong akala ng lahat ay nakalimutan ko ang nangyari.  Nagpanggap ako na kunwari ay walang alam.  Pero ang totoo, matagal ko ng alam na may ganon akong kalakas na kapangyarihan. Kaya nga minsan, madalas ako nagwawala dahil pilit kong kinikontrol ang dark power. Hindi ko pa alam kung ano ang nagagawa ng dark power. Hindi ko alam kung paano gamitin ito. Basta na lamang ito lumalabas ng kusa." Paliwanag ni Paul.

"Teka, wala tayong oras para magsabihan ng kung anu-ano!  Ibibigay niyo ba sakin si Ellaine o tutuluyan ko na ang lalaking ito?!" Singit ni Terror.  Maski siguro siya ay naguguluhan sa mga sinasabi ni Wanston at Paul. Ibig sabihin,  matagal ng alam ni Paul na may ganun siyang kapangyarihan?  Pero hindi niya lang kontrolado ang mga ito?

"Bitawan mo si Tito,  Terror." Napabalik ako sa realidad nang marinig ko ang nakakakabang boses ni Paul.  Nagpipigil na ito ng galit.

"Hindi ko siya bibitawan hangga't hindi ko nakukuha si Ellaine sa inyo!" Matigas na sabi ni Terror.

Kitang kita ko kung paano nagdilim ang kapaligiran.  Patuloy parin ang pagbagsak ng mga ulan.  Teka..

"Paul! Wag mo gamitin ang dark power! Hindi mo pa alam kung paano iyan gamitin.  Mapapahamak ka lamang!" Sigaw ni Wanston.  Bakas ang pag-aalala sa boses nito.

Kumabog ng malakas ang puso ko dahil sa nararamdaman ko kung gaano kalakas ang dark power na pinapakawalan ni Paul mula sa loob ng kanyang katawan. 

Mapanganib ito.


Terror's POV

Agad ako nakaramdam ng pagkatakot. Nanginginig na ang buong katawan ko. Ito ba ang sinasabi nilang dark power? Napakalakas nito at sa tingin ko wala akong laban dito. Pero kailangan ko makuha sa kanila si Ellaine kundi, baka kung ano ang magawa ni Master sa'kin kapag nabigo na naman muli ako.  Hindi ko siya pwede basta biguin na lamang. 

'Terror,  umalis ka na sa lugar na iyan.  Kami na ang bahala sa pagkuha kay Ellaine.' May isang boses ang biglang pumasok sa aking isipan. Boses iyon ni Eliza.
Napangisi ako. Kailangan ko ng makaalis dito.

Binitawan ko ang lalaking hawak ko na ikinagulat nila.

Tiningnan ko si Paul.  Lumalabas na ang dark power sa katawan niya.  Nakakatakot at nakakapangnginig siya. 

"Hindi ito ang tamang oras o panahon para maglaban tayo muli, paul. Hintayin mo ang araw ng pagbabalik namin. " sabi ko sa kanya. Tinalikuran ko na sila at akmang paalis na nang maramdaman ko ang mahigpit niyang hawak sa aking braso. 

"Paano kung ngayon ang araw na iyon?" Malamig na wika ni Paul.

Napalunok ako at muli nakaramdam ng takot.  Wala na kong kawala.  Shit.

Ellaine's POV

Hindi ko maintindihan ang nangyayari ngayon pero pakiramdam ko ay may masamang mangyayari ngayon. Agad ako nakaramdam ng takot.

Binalot ng katahimikan ang lahat.  Hindi ko alam ang aking sasabihin.  Ang gusto ko lang ay makaalis sa lugar na ito. 

"Halika na, Ellaine." Pambabasag ng katahimikan ni Jake. Lumapit siya sakin at hinawakan sa bandang pulso. 

"Teka, Saan ba tayo pupunta? Si mama, nasa loob pa." Sabi ko.  Hindi sila sumagot at hinila na lang ako ni Jake. 

Pero agad din kami napatigil nang may mga humarang sa dadaanan namin.

Rinig kong nagmura si Jake. Napatingin ako sa babaeng nasa harapan namin. Nakangisi siyang nakatingin sa'kin. 

"Long time no see, My little sister."


Itutuloy.

Vamps Academy: World of Vampires Where stories live. Discover now