"Dwight, yoohoo! Nasaan ka ba?" tanong ko pero wala pa ring sumasagot. Because of that, I decided to go back to my room na lang. Baka kasi wala naman pala talaga siya sa kwarto niya. Masyado lang akong nag-feeling na roon ko siya makikita. Napahiya pa tuloy ako.

Papalabas na sana ako mula sa kwarto ni Dwight nang bigla siyang nagsalita.

"Bakit mo ba ako hinahanap ha? Sinabi nang hindi kita gagapangin. Hindi mo na kailangang ipagpilitan sa akin 'yon. Pero teka, baka naman ikaw ang may pagnanasa sa akin ha?" sabi niya kaya nanlaki bigla ang mga mata ko.

Nag-init agad ang ulo ko dahil sa sobrang frustration kaya humarap na ako sa kanya para sapakin sana siya. Kaso anak lang ng pating! Bakit naka-towel lang siya?! Agad akong tumalikod mula sa kanya tapos nagsimula na akong mag-panic mode.

"B-bakit naka-towel ka lang? S-saka wala akong pagnanasa sa 'yo, ah!" nauutal kong sagot sa kanya. Takte. Ano ba talaga 'tong napasok ko?

"E bakit ka nag-sa-stammer?" bulong niya sa tainga ko.

Pakiramdam ko, biglang nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan dahil sa bulong niyang iyon. And to make things worse, sobrang nakadikit pa 'yong katawan niya sa may likuran ko.

Langya. Bakit biglang nagkakaganito si Dwight?

"Aaaah!" nagsisigaw ako at nagsimula na akong tumakbo pabalik sa kwarto ko. Isinara ko na agad 'yong pinto at nagharang na ako ng isang upuan. Sobra-sobra na ang frustration at pagkahiya na nararamdaman ko ngayon pero ang mas nakakainis pa roon, naririnig ko ang pagtawa ni Dwight mula sa kabilang kwarto. Lalo lang tuloy akong nanggalaiti dahil sa inis.

Nakakainis lang talaga! Bakit ba kasi ako nag-react nang ganoon? Pakiramdam ko tuloy, iniisip na ni Dwight na may pagnanasa talaga ako sa kanya. Dakilang feelingero pa naman siya. Kaya niya nga ako nilapitan at kinausap dati kasi feeling niya, may gusto ako sa kanya kahit wala talaga. Kasalanan ko bang mas trip kong tumingin sa may bintana kung saan siya nakaupo kapag may class? Hindi naman 'di ba? Sa sobrang kakulitan niya lang naman kaya ako nagkagusto sa kanya, e. Okay fine. Gwapo na rin siya kahit noon pa pero the heck. Ang epal niya lang talaga!

***

Flashback

Isang beses lang namin kami naging magkaklase ni Dwight. Never kaming naging seatmates, partner, groupmates o kung ano pa mang mate but he always sat down at the spot where I wanted to be seated. Nandoon siya palagi sa may bintana. I know marami namang seats na katabi ng bintana pero I can't help but envy him kasi 'yong pwesto niya ang perfect spot para makalimutan mo ang lahat ng nangyayari sa paligid mo. 'Yong tipong sumilip ka lang sa labas, parang ang peaceful na ng lahat. Pero wala naman akong magawa noong panahon na iyon. He was the good-looking guy that every girl would want to have and I'm just G. The plain and boring G.

Paano nga ba nagsimula ang istorya naming dalawa? No, it wasn't the cliché moments that happened in other TV shows, movies, Wattpad stories and such. Walang banggaang naganap o kaya naman ay may nagtanong ng oras, nanghingi ng papel, nanghiram ng ballpen, iniligtas mula sa bully, etcera, etcera. He went straight to the point and that made me go ballistic.

"Excuse me lang. Napansin ko kasi na kanina ka pa nakatingin sa akin. May gusto ka ba sa akin ha?" he asked right on the dot. Noong mga panahon na iyon, ang tanging nagawa ko na lang ay panlakihan siya ng mga mata kahit na sobrang trying hard at sobrang fail naman dahil singkit talaga ako. Pero ewan ko ba. Words can't explain how I felt at that time. Naghalo-halo na ang pagkagulat, pagka-inis at pagka-amuse ko sa kanya. Doon lang kasi ako nakakita ng taong bilib na bilib at gwapong-gwapo sa sarili.

"So, should I take that as a yes? Alam mo, miss, kung may gusto ka sa akin, okay lang naman na umamin ka. Marami naman na ang mga umamin sa akin dati. Hindi na ako nagugulat kapag may biglang lumalapit sa akin para amining gusto nila ako," pagpapatuloy niya na sinundan niya ng isang kindat.

Moving Into My Ex's HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon