Chapter 30 [Janahmae Salcedo]

17.5K 529 146
                                    

SURPRISE! SURPRISE! SURPRISE!

S/N

Sinong nami-miss ako rito? Comment kayo ng kahit anong emoji. XD

✏---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

JANAHMAE's POV†

"Janahmae Salcedo po." Mahina ngunit magalang na sagot ko. Naku naman! Sana mabait tong bago kong boss. Pero mukhang malabo 'e kung makabusangot eh daig pa ang ipinanganak na may galit sa mundo. Parang laging PMS. Yong tipong isang pagkakamali mo lang e ipapatapon ka na nito sa Bermuda Triangle.

Naisip ko tuloy na mag-back out. Si Auntie ko kasi ay isang manager said kompanyang ito. Kaya ayon. Nang magback out daw ang na-hire ng boss nilang sekretarya ay agad-agad ako nitong tinawagan. Kaya bilang mabait na tao sa sanlibutan ay pinagbigyan ko nalang ang auntie ko.  Pero hindi ko alam na nakakamatay pala ang kagwapuhan ng boss ni auntie. Gwapo nga eh nakakatakot naman ang aura.

"Your voice sounds familiar." Ngayon ay naka pangalumbabang saad nito.

Familiar? Hmm... impossible naman dahil hindi naman ako reporter sa TV news. O di kaya'y DJ sa radyo kaya paanong magiging pamilyar ang boses ko? At kung nakita ko na siya noon ay sigurado akong hindi ko makakalimutan ang kagwapuhan at nakakatakot na aura nito.

Kumbaga 'e yong taong galit na galit sa mundo at kahit na sinong taong hahara-hara rito ay mamamatay na sa isang tingin lang nito. Ganern na ganern ang aura niya. Susmarya naman!

Hindi ko alam kung makaka-survive ba ako ng isang araw na kasama ang bago kong boss na ito.

"Sir? Paano niyo naman nasabi?" Nahihiyang tanong ko sabay kagat ko ng pangibaba kong labi. Nakakaintimidate kasi ang kagwapuhan nito. Lintek lang.

Hmm... May girlfriend na kaya ito? Naku! Malamang mayron. Sa gwapo ba naman nito. Mayaman, gwapo, gentleman..? Aba 'e malay ko naman. Pero mukha namang zero balance ito pagdating sa attitudes.

Nakita ko pa ang pagiling nito bago tumikhim.

"You have the same voice with my mom." Baliwalang sabi nito at tinuon na ang atensiyon nito sa screen ng laptop nito.

Napanganga ako nang mag-sink in sa akin ang lahat. Ramdam ko ang init na dumadaloy sa katawan ko patungong ulo. Letche! Leche lang! Gago ba siya?! Among tingin niya sa akin? May anak na?! Tunguno lang! Pak na pak ang mukha niya pero kung makatrato ng babae eh ganern ganern lang! Leche niya! Leche! Sarap niya tirisin at ilagay sa museum ang mukha niya. Tapos lalagyan ng card na may nakalagay na "First Homohabilis."


Ang pakiramdam ko ngayon ay parang anytime ang magsusuper sayan na ako sa pagkainsulto. Sa ganda kong to? Tch! Ma's gusto ko pang marinig mula rito na kaboses ko si Sarah o di kaya'y si Lea. Okay na rin kung kaboses ko  ang ex niya. Ma's may hustisya yon. Baka pagkaboses ko ang ex niya ay baka sakaling maakit at ma inlove ito sa boses ko tuwing nagsasalita ako.

"Ah ganon ba? Okay." Hilaw na sabi ko at binigyan ito ng peke na ngisi.

"Don't try to smile when you're not actually happy. Anyway I guess you already know what's your job. Am I right Miss Salcedo?" Kunot noong tanong nito.

HNIH 2: The Bloody Revenge Where stories live. Discover now