"Wait lang, talaga bang pinaguusapan natin to?!" Bianca said. "Rhi, ang babaw lang nito. Gusto kong matuto and para to sa grupo namin, willing si Glaiza na turuan ako kaya bakit dinidiscuss pa natin to ngayon?"

"I'm just worried." Rhian said.

"Worried? Na ano? Na mapagod si Glaiza na turuan ako? Tuturuan niya lang ako, Rhi. Wag ka naman munang masyadong possessive."





Napatingin ang lahat ng housemates kay Bianca dahil sa sinabi nito.




Nabigla din si Rhian. "Did you just say na possessive ako?"

"Yes." Walang alinlangang sabi ni Bianca. "Baka nga nasasakal na sayo si Glaiza e."




Lalong nagulat ang mga housemates na nakikinig sa obviously sagutan ng mag-bestfriend.

Napatingin bigla si Rhian kay Glaiza dahil sa sinabi ni Bianca. Tapos tumingin ulit siya kay Bianca. "Then what? Business mo ba yun?"


"No. Pero nagiging business ko because of you."


"Ah! So kailangan ko magsorry kasi nag-oopen up ako sayo?" Halatang sarcastic na si Rhian.

"Ang sakin lang, wag kang mag-share kung ayaw mong maging business ko yung business mo. Kung ayaw mong mangeelam ako, then keep it to yourself."

"Wow. Akala ko bestfriend kita." Rhian said.

"Akala ko din." Hindi inaalis ni Bianca ang tingin kay Rhian. Ganun din si Rhian sa kanya. "Akala ko din bestfriend kita."










Napalunok si Chyns. Ang intense na ng ganap between Rhian and Bianca. Napatingin siya kay Glaiza. Naramdaman ni Glaiza na nakatingin si Chyns sa kanya so parang nag-usap ang mga mata nila. Sabay silang lumapit at pumagitna doon sa dalawa.



"Mga tsong. Ano ba kayo." Tiningnan ni Chyns si Rhian at Bianca. "Nagbibiruan lang kayo, tama?"






"No. I'm serious here." Bianca said nang hindi man lang tiningnan si Chynna at nakatingin pa rin siya kay Rhian. "Rhian, you are being possessive. Tuturuan lang ako ni Glaiza, hindi niya ko jojowain. Please cooperate. We are in the middle of the task here and it's because of that. Hindi lang to dahil gusto ko lang. We are in the same group, may magagawa ba ko dun? Umakto kang professional, Rhi. Bilang housemate dito sa bahay ni Kuya kahit hindi na bilang bestfriend ko." And there, nag-walk out si Bianca. Pumasok siya sa loob ng bahay at pinagmasdan lang siya ng mga housemates.








Napatingin si Glaiza kay Rhian. Hinawakan niya ang braso nito. "Rhi... It's okay."

Napapikit sandali si Rhian para alisin yung tension na nararamdaman niya. Tiningnan niya si Glaiza tapos nagbuntong hininga. "Nasasakal ka na ba?"

Napalunok si Glaiza habang nakatingin kay Rhian. Medyo nabigla siya sa tanong.






Napansin naman ni Chyns na kailangang mag-usap nung dalawa kaya sumensyas siya sa mga housemates na pumasok muna sila sa loob para bigyan ng time yung mag-jowa na magusap muna.







Naiwan sina Rhian at Glaiza sa may pool area. Hawak hawak ni Glaiza ang braso ni Rhian para kumalma ito kahit papaano. Nakatingin lang sila sa isa't isa.


Kumurap ng ilang beses si Rhian habang nakatingin kay Glaiza dahil naiiyak na siya. "G... Nasasakal ka na ba?"

Unti unting umiling si Glaiza. Hindi niya rin inaalis ang tingin kay Rhian. "Hindi."

RASTRO on PBBKde žijí příběhy. Začni objevovat