19

602 10 1
                                    

Nagbless ako kay Mamang at Tatang. Nakaabang kasi sila sa pinto palang. Sinundo ako ng mga pinsan ko sa Airport. Si Kuya Patrick pa iyong nagdrive. Kinukulit nga nila ako dahil daw simula ng nagbakasyon ako sa mga Ackerman ay hindi na daw ako ngumingiti. Napagkakamalan na daw akong suplada. Kaya naman ginawa ko talagang hindi mag-isip ng kung ano-ano para hindi kumunot iyong noo ko. Dati naman nga nong highschool pa ako wala namang nakakahalata kong galit ako kasi daw mukha pa akong natutuwa pero ngayon daw nagbago na daw ako talaga.


Halata na nga daw nilang naka move-on ako. Grabing impact daw talaga ang nagawa ni Shield sa akin. Pero para sakin parang wala naman? Parang wala namang nagbago sa akin? Ah..


"Kamusta apo? Masaya ba doon?" Tumango ako sa tanong ni Mamang. "Opo Mang. Doon ako tumutuloy kina Ate Sam pero minsan kina Kuya Zeus rin. Hinihiram ako ni Tita Mitch at Tito Zasper. Solo nga kasing anak si Kuya Zeus. Si Ate Sam naman ay may kapatid pala. Mas matanda lang ng dalawang taon sa akin. Galing pa nga ng abroad Mang eh, umuwi lang kasi pinakilala ako. Tapos andon rin si Kuya Helldrix. Okay naman yata sila ni Tita Nics. Ewan ko lang"


Ginulo lang ni Mamang iyong buhok ko. Ang haba pala ng sinabi ko. Natawa na rin ako.
Pero sumeryoso naman iyon ng may naalala ako. "Mang, anak pala kame sa labas ni Papa eh" nagulat naman ito sa sinabi ko. "Totoo Mang no? Kasi di naman kasal sina Mama at Papa. Si Papa kasal sa kay Tita Artimis. Si Athena iyong legitimate child. Kahit panganay kame ni Leah ay kame naman iyong illegitimate"


Di ko na pansin na andon na pala iyong mga pinsan ko. Nakikinig lang naman sila. Akala ko talaga kasi legitimate children kame ni Leah eh. Di man lang sinabi sa amin ni Mamang na kame isang anak sa labas. Dysfunctional na nga ang pamilya ko, anak pa ako sa labas.


Nakakaiyak. Pashnea!


Lumapit naman sa akin si Ate Andrey at Gospel.


"Kahit naman illegitimate child ka di naman magbabago ang pagtingin namin sayo Leigh. Pinsan ka namin at mahal na mahal. Diba Mang? Mas mahal pa natin si Leigh kay Athena nayon? Kasi di naman siya lumaki dito. Sa abroad naman siya" pag-aalo nila. Hinihigod pa iyong balikat ko. "Tyaka Leigh, di ka naman aanohin ni Athena kasi 2 years old palang yata siya. Kaya kung may sasabihin man siya sayo matanda ka na non at wala na siyang laban sayo. Di ka nga nagpatianog sa mga nagbully sayo noon eh. Wala ka ngang pakialam kong dysfunctional iyong family mo, ngayon ka pa ba susuko at iiyak? Strong ka diba Leigh?"


Tumango nalang ako at ngumiti.


"Ang drama ko talaga. Lika na nga kain tayo ng icecream" natatawa kong sabi.


Hindi ko na inintindi iyong nalaman ko. Mga Ackerman lang naman kasi nagsabing di kasal si Mama at Papa kaya di napalitan iyong chain. Buong araw na nasa bahay kameng magpipinsan. Namiss daw nila ako kaya di sila umalis sa akin. Nasa carpet lang ako nakadapa tapos tumabi sa akin si Gospel.


"Di naman totoo na sa UST nag-aaral si Shield ah. Nakita ko kaya siya. Tapos be sa kabilang bayan lang iyong bahay nila haha gusto mo gala tayo doon?"


"Ano?! Nakita mo ba?"


"Kaso di ko alam haha"


Napa sighed nalang kame. Nakita nga iyong lugar ng bahay di naman alam kong san. At dahil support na support talaga iyong mga pinsan ko nagjoyride kame sa lugar kung saan ang bahay ni Shield. Tig-isahan pa talaga kame ng motor akala mo parang may drag race na sasalihan.


Well, si Ate Yhanna lang naman ang nakiki-angkas di naman kasi marunong magmotor si Ate, maraming bawal si Tita Yva. Ikot ikot lang iyong ginawa namin sa plaza nagbabakasakaling naglalaro si Shield ng basketball kaso volleyball player nga pala siya so it's a no no talaga.


I Met A Volleyball Player Number SevenWhere stories live. Discover now