16

2.1K 28 19
                                    


After naming magbreakfast sa Seminary ay napagdecision-an ng mga pinsan ko pati mga kaibigan kong sa bahay nalang tumambay. Wala naman daw kasi silang gagawin. Tinatamad pa sila umuwi. Alas siete palang naman ng umaga. Mag mo-movie marathon na lang daw sila. Di na nga ako masyado nanood kasi inaantok ako.


Nakatulog na ako sa sofa. Nagising nalang nga ako ay mag-aalas-tres na. Ginawa ko pang unan iyong mga hita ni Kuya Zeus. Nakaupo siya sa sofa tapos may patong naunan iyong ulo ko. Tulog rin si Kuya. Tulog rin iyong triplets at si Migs. Nakalatag pala iyong foam sa sahig. Sa kabilang side ay sina Gospel, Sydney at Rock iyong tulog. Nakita ko naman sa may balcony sina Ate Andrey at Kuya Cronos na masayang nag-uusap.


"Leigh gising ka na pala" nakita ko si Kuya Patrick may dalang uling. "Nakatulog po pala ako Kuya. Anong ginagawa niyo?" Tumayo ako at inayos ang pwesto ni Kuya Zeus, ang laki niyang tao kaya di siya magkasya sa sofa namin. "Ah bumili akong uling. Mag-ihaw tayo tapos nagpaalam ako kina Mamang na mag-inom tayo"


"Di naman kame pwede" sabi ko at sumama kay Kuya Patrick palabas ng bahay. "Pumayag na si Mamang basta daw wag magpasobra kasi may simbang gabi pa bukas tyaka kayo yong iinomin niyo lang yong cocktail drinks"


Lumapit ako kay Ate Yhanna na gumagawa ng barbeque. Tumulong ako kay Ate Yhanna. Si Kuya Gibrian naman ay nagpapa-baga ng uling. "Oy Leigh akala ko ba si Shield iyong gusto mo?" Lumapit si Kuya Gibrian sa akin. "Amoy usok ka Kuya."


"Malamang magbabarbeque tayo eh. Pero seryoso nga diba M.U kayo ni Shield?" Kastigo nito sa akin. Ngumuso ako at tumango. "Oo nga Kuya, bakit? Masama ba?" Tinaasan nito ako ng kilay."Kung may something kayo ni Shield.. bakit mukhang close kayo ni Zeus?"


"Ay malisyoso Kuya ha. Purket close may something na?" Siniko ko ito. "Mukhang may gusto sayo eh... Aray!!!" Hinampas ko pa kasi. Ang Judgmental eh. Nagkibit balikat lang ako. "Kung may gusto si Kuya Zeus sakin wala na akong problema doon. Ano bang magagawa ko? Ganda ko lang"


Tumawa naman si Kuya Gibrian. "Ayan tayo Leigh eh. Tara luto na iyong hotdog ni Yhanna. Kain na tayo. Kulang ka lang sa kain" Sabay akbay at gulo ng buhok ko. "Kuya naman eh"


Alas-otso ng gabi ay kakatapos na namin mag dinner. Sina Migs, Sydney at Triplets ay dito sa bahay matutulog kasi nga niyaya sila ni Kuya Patrick na mag inuman daw kame. So ayon. Emperador iyong iinomin namin habang naglalaro ng King's cup. Pumayag naman si Mamang na mag-inom kaso hindi naman siya pumayag na emperador iyong iinomin pero tulog na rin iyon kaya okay lang daw sabi ni Kuya Patrick.


"Oy tap na Sydney" nagtap naman ito sa phone. Si Kuya Junior. Iyong promotor namin tapos si Kuya Patrick iyong taga lagay ng alak. "Forehead master si Sydney. Kung sino ang huli mag lagay ng kamay sa forehead iinom ha?" Sabi naman ni Kuya Junior. "Next, Zeus ikaw na mag tap"


"Nabunot ni Zeus ay 21. Start ka na Zeus" yong rule kasi is kung sino iyong last na magsabi ng 21 siya iyong iinom ng shot. "Si Circle ang 21. Shot na"


"Ikaw na Migs" nagtap naman si Migs. Buti ay Migs tawag namin. Same kasi sila ng name ni Papa Miguel. "Bust a Rhyme ang kay Migs na nabunot"



"Hmm start tayo sa... Light"


"Flight"

"Might"

"Kite"

"Night"

"Tight"

"Sight"

I Met A Volleyball Player Number SevenWhere stories live. Discover now