18

625 12 0
                                    

"Leigh lunch mo oh kainin mo na" pinatay ko naman iyong phone ko. At kinuha iyong binigay na pagkain ni Ate Sam. "Ate kailan nga iyong flight ko pauwi ng Aklan?" Nasa Cebu kasi ako ngayon nagbabakasyon.


Summer kasi. "Sa April 19 yata be. Bakit? Miss mo na sa inyo?" Tumango ako. Tumawa naman si Ate Sam. "Mamimiss ka rin namin kung uuwi ka na, sayang kasi ayaw ni Leah sumama" Ako lang naman kasi ang pumuntang Cebu. Sinundo ako nina Kuya Zeus at Ate Sam.


Small world kasi first cousin ko pala si Ate Sam at Kuya Zeus. Last December 2013 noong nagyaya ang pamilya nina Kuya Cronos Miguel na sa Cebu nalang kame mag celebrate ng New Year's eve, doon sa mansion nina Kuya Cronos nagkita si Tito Philip at iyong daddy ni Kuya Zeus. Magkakilala pala sila at doon rin pinakilala ni Tito Philip sa akin na kapatid daw iyon ng mama ko. Kaso nakakalungkot lang at kahit sina Tito Zasper at Tito Zach ay di alam kong saan ang Mama ko.


But anyway, happy ako kasi nakita ko rin iyong mga pinsan ko sa Ackerman na side. Tuwang-tuwa nga ang mga Tito ko kasi kagaya daw ako ng mama ko. Bibang bata rin.


"Leigh? Halika may ipapakilala ako sayo" tinawag ako ni Tito Zach. Kina Ate Sam kasi ako nagstay. Lumapit naman ako kay Tito Zach. May kasama itong lalaki. Nasa palagay ko ay kaedaran ko lang or mas matanda pa sa akin? Hindi ko alam.


"Leigh, meet Duke Alas my son, kababatang kapatid ni Samantha Nicole" nagsmile naman ako. "Hi" bati ko pa pero tiningnan lang nito ako.


Sa Ackerman na side, ang napapansin ko ay pawang mga suplado sila. Hindi marunong makipag kaibagan, ako kasi iyong taong kahit saglit lang nagkakikalala ay close na agad.


"Duke Alas, Leigh is your cousin so be nice" nagpaalam naman si Tito Zach. Pagdating ko lang dito sa Cebu ko nalaman na meron pa palang kapatid si Ate Sam. Akala ko solo lang siyang anak sa pangalawang asawa kasi may half brother siya si Kuya Helldrix.


Nalaman ko ring isang british iyong lolo ko sa maternal side. Si Lolo Zian Marquis Ackerman at ang naasawa nitong half chinese-half british na si Xao Li or kilala sa english name nitong Eileithyia or shorter version na Iliah. Kwento ni Tito Zach ay kamukha ko daw iyong lola ko. Kuhang-kuha iyong ilong ko. Di daw matangos kagaya ng mga pinsan kong pointed talaga. 

Pero sabi naman ni Mamang ay sa Bueno daw? Gulo. 

Nalaman ko rin nga na kaya di nagkatuluyan sina Mama at Papa ay dahil sa tradition ng family namin. May first-born policy ang angkan namin at dahil si Mama ang first born ng pamilya, siya iyong magmamana ng namana ng lola kong si Iliah. First born rin kasi si Iliah ng mga Li. Sabi ni Tito ay ipapakasal daw si Mama sa mga Eliseo pero di iyon nangyari kasi naglayas nga si Mama at umuwing pilipinas. Sa Britain kasi sila namamalagi.


"Hey Leigh, how old are you?" Nabalik ako sa katinoan ng nagsalita si Duke Alas. "16, bakit?" Kumunot naman iyong noo nito. Don't tell me di siya marunong mag tagalog? "You don't understand filipino? Tagalog ganon?" Alinlangan kong tanong. Aba hindi ako laking abroad kaya hindi pa ako confident sa english. Math naman kasi ako magaling. "I can actually" nagsmirk pa ito.


Feeling naman ng isang to. Sus. Mas gwapo naman ng di hamak si Kuya Helldrix, siya iyong half brother ni Ate Sam. "Eh ganon naman pala eh. Magtagalog ka!" Inismeran ko ito. "Well I grew up in Britain so you don't expect me to speak tagalog at its finest"

I Met A Volleyball Player Number SevenUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum