First ❣

123 7 1
                                    

Spread the love. <3

***

Aian's Dream

"Aian. Dalian mo!" Sigaw ni ate. Hay nako bakit kasi hindi kami nasanay mag stock ng mga pagkain lalo na ang mga condiments. Psh.

Lumabas na ako ng apartment namin at binuksan ang payong ko.

Hay umuulan na naman tapos ang dilim dilim pa. Bakit kasi naisipan pa ni ate magluto eh gabing gabi na? Itinali ko ang mahaba kong buhok dahil kahit naulan ay medyo mainit pa rin.

Ini-extend ko ang mga kamay ko at naramdaman ang pagpatak ng ulan sa mga palad ko. Nakaka ginhawa talaga sa pakiramdam. Kung hindi nga lang magagalit si ate, baka kanina pa ako naliligo sa ulan. Ay, oo nga pala bibili pa ako ng toyo at suka.

Naglakad na ako palayo.

Ano ba yan! Dalawang taon na ako dito pero hindi ko pa rin kabisado ang mga pasikot-sikot dito. Saan nga ba ang talipapa? Ay, baka doon. Bahala na!

Naglakad lang ako ng naglakad hanggang sa makarating ako dito sa Fantasyland. Ang arte ko noh? Park lang naman itong napuntahan ko, pero gusto ko talagang Fantasyland ang tawag ko dito. Hays sabi na eh, mali na naman ang nadaanan ko. Makabalik na nga.

Nang mapatingin ako sa may puno na malapit sa swing, may natanaw akong kakaiba.

Mataas ito at malaki. Teka, kapre ata... oo nga, may kapre. Hala! Bakit may kapre dito? Hindi naman mukhang forest to? Medyo mapuno at madamo lang. Lagot na, anong gagawin ko? Dahan dahan nalang ako aalis. Ugh bakit ngayon pa mas lumakas ang ulan?

It's been a long and winding journey

But I'm finally here tonight ♪ ♪

Sinagot ko na yung tawag sa phone ko.

"Hello ate.. Opo, pauwi na. Sige!" Sabi ko at ini-end ko na yung call. Hay pauwi na ba talaga ako? Di pa nga ako nakakabili eh.

Pagtingin ko naman sa daan..

"Ay kapre!" Oo nasabi ko yun, at shet lang talaga. Lumapit sa akin yung kapre.

Pero nung papalapit na siya. Ay! Tao pala, sadyang matangkad lang at malaki ang katawan. Dapat talaga di na ako naniniwala sa mga ganun.

Hala nababasa siya ng ulan. Tinaas ko yung kamay ko at pinayungan siya, nakakangawit. Ang tangkad niya kasi talaga! Akala ko tuloy kapre. Imagination ko na naman.

"Ano?" Sabi niya sa akin with husky voice. Galit? Ang poging kapre naman nito. Lord, patawarin nyo po ako dahil pinagtataksilan po ng aking mga mata ang boyfriend ko.

"Um ano.. So-sorry kasi-um." Di ko natuloy yung sasabihin ko kasi... hinalikan niya ako.

Di ko naman first kiss to, pero siyempre parang nagtaksil na rin ako sa syota ko. Tinulak ko siya at yun ang naging dahilan upang mabasa uli siya ng ulan.

"Ano ba! Ibalik mo yun. Ibalik mooo-um." Mali ata yung sinabi ko. At siguro alam nyo naman yung ginawa niya diba? Oo, binalik nga niya.

Tinulak ko ulit siya.

"Manyak!!!!" Sabi ko at nagkunwari pa akong umiiyak. Masisisi nyo ba ako? He just kissed me. A stranger kissed me. A fucking stranger!

"Hahaha!" Hala. May amats kaya to? Bakit biglang tumawa ng tumawa? Naramdaman naman siguro niyang nakatingin na ako sa kanya na para bang sinasabi ko na 'bakit-tumatawa-ang-loko'

"You know, you're funny. Ginawa ko lang naman yung gusto mo eh. Gusto mo bang ibalik ko pa ulit?" Sabi pa niya tapos nag smirk.

"Pervert!!! Dyan ka na nga." Sabi ko sa kanya sabay alis naman nung payong ko sa kanya at umalis. Kaso, bigla naman niyang hinila yung braso ko.

"Pasukob naman oh."

Hmm at dahil mabait ako ay pinayungan ko na rin siya kahit na basang basa naman na siya. Pero maya maya pa ay kinuha niya sa akin yung payong at siya ang may hawak nung payong. Napansin niya sigurong nangangawit na ako.

Ay, gentleman naman pala. Pero, bastos pa rin talaga siya.

Nakarating naman na ako ng tindahan na nasa kabilang kanto lang naman pala ng apartment namin. Sarado na pala ang talipapa pag ganitong oras kaya dito nalang ako sa sari sari store bibili.

Hay nako kahit kelan ang bobo mo talaga Aian.

"Um dito nalang ako. Sige, iyo nalang iyang payong ko. Malapit lang naman yung appy namin dito." Sabi ko naman sa kanya.

"Appy?" Nagtatakang tanong naman niya habang nakakunot ang noo. May posteng may ilaw kasi dito kaya mas nakita ko ang kagwapuhan-ay este yung mukha pala niya. Aian, may boyfie ka na okay?

"Apartment. Sige alis ka na." Sabi ko naman sa kanya. At tumango naman siya at umalis na.

So, di uso sa kanya ang salitang thank you? Hmp, mga tao talaga ngayon. Tsk tsk. Binili ko nalang yung kailangan kong bilhin at umuwi na.

"Ate!! Nandito na ako."

***

First part done. Yung nakalagay nga po pala sa una if napansin nyo ay "AIAN'S DREAM" ang ibig pong sabihin nun ay "AIAN'S POV" Sige po. Thanks sa pag read. -Niks

Girl Of Your DreamsWhere stories live. Discover now