Nakikita ko mula sa posisyon ko ang bawat paghikbi ni Maggy..

Gusto kong lapitan ngayon si Chris at ibaon ngayon sa lupa..

Paalis na sana si Maggy pero bigla siyang huminto.. napahawak siya sa puno.. shit.. anong nagyayari sa kanya? napahawak siya sa tiyan niya... and she's about to fall..

Pero bago man yun nangyari nasalo ko siya.. nakita ko ang mukha niya.. sobrang putla niya at hinang hina sa kakaiyak..

Unti unti niya pinikit yung mata niya..

BInuhat ko siya.. sht! wala akong kotse.. nagtawag ako ng taxi.. buti na lang nasa bungad lang kami ng sementeryo, kahit papaano nadadaanan ng mga sasakyan..

"Kuya pakibilisan lang po please"..

"Sht, Maggy wake up... please.. " hindi ako mapakali dahil walang malay si maggy, baka kung ano na ang nagyari sa kanya at sa baby..

Nakarating kami sa hospital, at nagsitakbuhan papalapit sa amin yung mga nurse at nilagay si Maggy dun sa bed atska dinala sa emergency room..

"Hanggang dito na lang kayo sir"

"Please, gawin niyo lahat to wake her up please" nagnod yung doctor atsaka pumasok sa ER..

Tinawagan ko ang mga kaibigan ni Maggy para pumunta sila dito at para malaman ang nangyari sa kanya.. tinawagan ko na din sila Tito at Tita, mga magulang ni Maggy..

Wala pang isang oras dumating na sila Leila..

..

Sobrang nag aalala ako kay Maggy.. baka napaano na yun.. Nagpatawag sila Tito ng mga tauhan para hanapin si Maggy at para makasiguro na ayos lang siya..

Ilang oras kaming naghihintay ng balita tungkol sa kanya..

*kriiiing*

Hindi nakaregister yung number, pero sinagot ko pa din ito.

"Hello.. si Leila ba ito?" halata sa boses nung kausap ko na kinakabahan siya

"Oo, bakit sino ba ito?"

"Ian to, andito ako ngayon sa hospital.. si Maggy nasa ER ngayon"

Nanginig ang mga kamay ko sa sinabi niya at nagsimulang tumibok ng mabilis ang puso ko

"A..anong nanyari? A.anong hospital yan?" naramdaman ko na nasa likod ko sila Grin at alam ko na nag aalala din sila

"Nawalan siya ng malay, until now nasa loob pa din siya ng ER" sabi niya.. sinabi niya kung na saang hospital sila.. Dali dali nagdrive si Jerome papunta sa hospital na sinabi ni Ian.

 "argh! Bwisit talaga yan si Chris, kapag may nangayari sa kaibigan natin papasakan ko ng malaking bote yung lalamunan nung walang hiyang lalaking yun!" sabi ni Eman

Pagkadating namin sa hospital, agad kaming lumapit kay Ian. Hindi din nagtagal ay dumating yung parents ni Maggy. Inilipat na din siya sa private room ng hospital.

"She's fine and thank god okay naman yung baby sa sinapupunan niya.. Maybe ang maiiadvice ko lang sa inyo na wag niyo siyang iexpose sa bagay na makakastress sa kanya.. kaya siya nawalan ng malay is because of stress at depression, kung maaari lang po sana gawin niyo po yung sinabi ko for the sake of your daughter and her child"

Tumango si Tita kay doc atsaka hinawakan ang kamay ni Maggy, bakas sa mga mukha namin ang kalungkutan.. hindi namin iniexpect na mangyayari ito "salamat po doc" umalis na yung doctor at kami din lumabas na.. hinayaan na muna namin sila Tita at Tito sa loob ng kwarto ni Mag.

"Saan ka pupunta Ian?" tanong ni Grin kay ian na papaalis..

"May gagawin lang akong importante.. babalik din ako kaagad" then umalis na siya..

Purposed MarriageWhere stories live. Discover now