Chapter 17

13.5K 257 9
                                    

AN:

5 more chaps! Enjoy! =)

ANYA

“WAAAHHH!!! KYAAAAAAA!!!”, napatakip na lang ako ng tenga dahil sa tili ni Mabel. Grabe! Pinaglihi nga yata to sa sirena ng bumbero.

“Utang na loob, Mabel! Mababasag ang ear drums ko sayo!”, sayo ko habang nakatakip pa rin ang dalawang kamay ko sa magkabilang tenga.

“Eehh… Can’t help it, Anya. Kayo na ba talaga? WAAAAHH!!!”, I just rolled my eyes. Grabe! Mas kinilig pa sya kesa sakin nung ikwento ko sa kanya ang lahat.

Maging ako, hindi rin makapaniwala sa bilis ng pangyayari. Pero wala naman akong maramdamang pagsisisi sa ginawa kong desisyon. Matagal ko nang gusto si Chris. I was just too dumb and denial to admit it. Isa pa, hindi ko rin naman gusting umasa sa kanya no? Imagine, he is Chris Lovesto and a certified jetsetter. At ang hirap magtiwala sa tulad nya. Pero ayoko rin naman magsisi sa huli kapag hindi ko sinunod ang puso ko.

Tinanggal ko na ang pagkakatakip ng kamay ko sa tenga ng makita kong nag-die down na si Mabel. Tiningnan nya lang ako ng masama.

“Makatakip naman ng tenga to…”

“Ang sakit kaya sa pandinig ng boses mo no? Mamaya ipa-barangay ka ng kapitbahay natin.”, natatawa ako sa mukha nya at nanghahaba yung nguso.

“Subukan lang nilang gawin yun. Nakakalimutan yata nilang tatay ko ang kapitan ditto.”, hehehe. Oo nga pala. Actually, ako ang nakalimot nun. “Anyway, Anya, nabalitaan ko nasa party kagabi si Bianca a. Hindi ka ba nag-aalala?”

“Hindi ko rin maiwasang hindi mag-alala. Pero malaki ang tiwala k okay Chris. Alam kong hindi na nya babalikan ang babaeng yun na nakabalot sa magandang wrapper para itago ang sungay nya.”, napasimangot ako ng maalala ko na naman ang nagging usapan naming kagabi sa restroom.

“So totoo pala talaga ang rumors na masama ang ugali nya. Hay, mabuti na lang hindi natuloy ang kasal nila ni Chris. Wala sana kayo ngayon…”

“Tama ka dyan…”, kukuha sana ako ng kape ng makita ko ang bouquet ng rose sa may coffee table. “O, saan galing ang bulaklak na yun? May bago kang suitor? Ayiee!”, tudyo ko kay Mabel.

“Galing kay Kline yan…”, napakunot ang noo ko. Pero bago pa ako makapagsalita ulit, nagsalita na sya. “O, sandal… H’wag kang mag-alala. Hindi sayo pinapabigay ang bulaklak. Sa akin.”, mas lalo akong napakunot ng noo.

“Seriously?”

“O, bakit? Nanghihinayang ka sa kanya?”, natatawang tanong nya.

“What? No! Nagtataka lang ako. After nya akong kulitin, ikaw naman ngayon. Adik ba sya?”, pero parang hindi naman nya narinig ang patutsada ko sa kanya. Feeling ko nga naghuhugis puso ang mata nya habang nakatingin sa kin.

“Oy, Mabel!”, binato ko sya ng isang hiwa ng carrots mula sa plato ko.

“Kailangan talaga mambato?”

“Mukha ka kasing namatanda dyan. Hindi mo sinasagot ang tanong ko.”

“E sabi nya, ako daw naman kasi talaga ang gusto nya. Technique nya lang daw yung mga ginawa nya noon…”, napataas ako ng kilay. Ganon? So nang-istorbo lang pala sya?

“Ok fine. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Pero magpakipot ka naman ng konti, Mabel. Alam naman natin na gusto mo sya. Pero magpaligaw ka naman muna.”, isang malakas na batok ang natanggap k okay Mabel. Grabe! Parang natanggal ang ulo ko don a! “ARAY! Para saan naman yun?!”

“Makapagsabi ka dyan. Ganun na ba ako kadesperado para hindi na magpaligaw sa kanya?”, naka-pout na sabi nya. Hinihilot ko pa rin ang nasaktan kong batok. “Magpapaligaw naman talaga ako e. Pero isang lingo lang. hihihi!”

The Handsome Jet-setter (To Be Published SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon