Chapter 4

15.5K 306 6
                                    

AN:

Need to update this one... Baka kasi hindi ko na sya muna maharap sa mga susunod na araw.. Medyo magiging busy ang inyong lingkod.. hehe..

Bukas ko pa sana to gagawin pero dahil may konting time naman ako ngaun, gora! update ko na.. :)) I found this chap a little bit lame.. Bawi na lang ako next time... 

Happy reading! :)

Anya's POV

"ACHOOOOO!!!!", ano bang amoy yun? Ang sakit sa ilong!

Kakapasok ko pa lang sa studio ko nakarating na agad sa ilong ko ang amoy na yun... Hinanap ko kung ano... Wala naman.. Malinis ang buong studio... Wala namang bago...

"Mabel!!!", nasaan na ba ang babaeng yun? "Cheska!!!"

Pero walang sumasagot... Nasaan ba sila?

Naglakad na lang ako papunta sa opisina ko.. Nakatakip sa ilong ko ang panyo habang panay pa din ang bahing!

I was about to enter my office when my feet stopped... ARGH!!! What the?!

"CHESKAAAAAAAA!!!!!!!!!!", wala akong pakialam kung marinig ng buong barangay ang sigaw ko...

"Hoy! Bakit? Anong nangyari?", napalingon ako kay Mabel na nagmamadaling pumasok sa studio..

"Who the hell put those flowers inside my office?!", naiinis na sabi ko... Nagtaka naman sya at sumilip sa loob...

"Wow! Ang dami nyan a!", madami talaga! Dahil halos gusto yatang gawing flower shop ang loob ng opisina ko... My office is full of Jasmine flowers... A lot of Jasmine flowers... Kaya naman halos mapuno din ang opisina ko ng mabangong amoy nya... Sa sobrang bangon, ang sakit na sa ilong....

"Are you------------"

"Hi, Ms. Anya... Nandyan na po pala kayo... Nagustuhan nyo po ba yung bulaklak? Ang ganda no?", tuwang tuwa pang sabi nya... ARGH!! Cheska! I could kill you for this!

"So... Ikaw pala ang naglagay nyan? Dont--------- ACHOOOOOO!!!", i know I looked ridiculous now... Dahil alam kong sobrang pula na ng ilong ko...

"Naman, Cheska... Allergic si Anya sa bulaklak e...", sabi ni Mabel... Nagulat naman si Cheska at agad na humingi ng sorry... I cant blame her after all... Bago lang sya sa studio ko. At hindi ko naman sinabi ang mga bawal at hindi bawal sakin.

"Where are those flowers came from?", tanong ko...

"Hindi ko po alam, Ms. Anya e.. Dineliver lang po yan kanina.. Hindi naman sinabi kung sino ang nagpapabigay...", napakunot ang noo ko... Sino naman ang magbibigay ng bulaklak sakin?

Pinatanggal ko na lang ang sandamakmak na bulaklak sa opisina ko... At dahil na rin sa naiwan na amoy, hindi ako pwedeng mag-stay dun ng matagal. Depende na lang kung gusto ko na talaga mamatay...

I just stayed in one of the couches inside my studio. Nasa gilid na part naman yun at hindi naman maapektuhan ang mga clients na dumarating.

Medyo engrossed na ako sa pagtatrabaho ng magring ang telepono sa table malapit sakin... I grabbed the phone and answer the call.

"Hello?"

"Hey! So, how'd you found the flowers? They're lovely, arent they?", napakunot ang noo ko...

The Handsome Jet-setter (To Be Published SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon