Chapter 13

12.7K 264 17
                                    

AN: (Unedited Chapter. Please bear with me)

Hey guys! Sorry for the delay of updates. I was planning to finish Me and Mr. Arrogant first before posting this chap. Pero hindi ko matiis. Nagguilty ako sa mga naghihintay. So eto na po... Pasensya na talaga. Hindi ko na mahandle ng bongga ang UD's.

Lesson learned: Wag gagawa ng 2 stories ng sabay. Haha!

O sya.. Enjoy this chap na lang. No definite date sa next chap. Hintay na lang ulit. hihi. Tatapusin ko muna yung isang story ko saka ito...

Anyway, may revelations po dito. Pero sana, hindi mabawasan ang impression nyo sa kanya. *huuuuugs*

Anya's POV

"Update?", napaangat ako ng tingin kay Mabel na bigla na lang sumulpot sa opisina ko.

"Anong update ang sinasabi mo dyan?", taka kong tanong sa kanya

Umupo sya sa upuang nasa harapan ng table ko.

"Dun sa mga manliligaw mo. Grabe ka. Sa tagal na nating magkakilala, ngayon ko lang nalaman na may kaibigan ka palang ganun kagwapo..."

Mas lalo akong nagtaka. Sino ba ang tinutukoy nya?

"Kaibigang gwapo???"

"Hay naku! Ayan ka na naman sa pagiging parrot mo e... Wag kang mag-alala, di ko naman sya aagawin sayo... Pero sino nga ba sya?"

Nag-isip ako sandali at pilit na inintindi ang sinasabi nya....

"Ahhh.. Are you pertaining for Frank?", dahil dun ay napangiti sya.

"Exactly! Frank pala name nya. Grabe. Kahit pangalan lang, iba na talaga ang dating nya..."

Muntik na akong matawa sa sinabi ni Mabel. So may crush pala sya sa BFF ko... Hmmm... Paano kaya kung malaman nya ang totoo? Magugustuhan nya pa rin kaya si Frank? hehehe

Last week, matapos namin magkita ni Frank, naglibot kami sa buong Baguio. Imagine, ilang taon din kasi kaming di nagkita no? And I miss him to the nth power! Kaya di ko na napagtuunan ng pansin si Chris. Siguro naman maiintindihan nya. At hindi naman siguro sya magagalit sakin since wala naman talaga kaming relasyong dalawa.

Maya-maya ay nagulantang ako sa cellphone ko na biglang nag-ring.

"Hello, Miel!", agad na bati sakin ni Frank pagka-accept ko pa lang ng call nya.

"Hi, Miel... Miss me?", pang-aasar ko sa kanya. And I bet a million bucks dahil sa hitsura na naman ng mukha nya ngayon. hihihi

"Oh come on! Wag mo ng sayangin ang oras mo magpa-cute sakin. Alam mo naman na walang dating yan...", napahagalpak ako ng tawa sa sinabi nya.

"Oh.. And why did you call then?"

"I wanna ask you out. Let's have lunch together...", biglang namilog ang mata ko.

"Wow! Gusto ko yan. Sige... Pick me up here. Sabay na tayo mag-lunch...", saka napatingin sakin si Mabel na nakalimutan kong nasa harapan ko pa nga pala...

"Alright! See you!"

Hindi maipinta ang mukha nya pagkababa ko ng telepono...

"Yun ba ang mag-best friend lang? E kahit sino yata iisipin na may relasyon kayo e..", maktol nya.

"Ang arte mo. Ganun lang talaga kami maglambingan. Kaw naman... Selos ka agad...", she just glared at me and walked out my office.

The Handsome Jet-setter (To Be Published SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon