Chapter 14

12.3K 244 9
                                    

Anya's POV

"What are you thinking?", tanong ni Frank habang iniaabot sakin ang baso ng red wine. Napalingon ako sa kanya at pinagmasdang mabuti ang mukha nya.

"Alam mo, Miel, ang gwapo mo. Matangos ang ilong mo. Ang ganda ng mga mata mo." Nabitin sa ere ang pag-inom nya ng alak at kunot noong tumingin sakin.

"What the hell are you talking about?", pero hindi ko sya pinansin.

"Bagay sayo ang makapal mong kilay. Mabait ka rin, gentleman, kayang bumuhay ng pamilya---", he cut me off. Hindi na yata nakayanan ang mga sinasabi ko.

"And your point is?", nakataas ang kilay na tanong nya.

"Hmmn... Bakit hindi na lang tayo ang magpakasal?" Sabay ngiti ng matamis.

"What?! Ewwww! Gross!", napanguso ako sa reaction nya.

"Maka-gross ka naman! Para namang may sakit akong nakakahawa. Hmp!" Kunwari ay nagtatampo ako.

"Sorry, Miel. Ikaw naman kasi. Kung anu.anong iniisip mo."

"Pero paano nga kaya, Miel? Wala namang masama. Lalake ka pa rin naman. At siguradong walang tututol sayo. Our family will be thrilled for sure!" Natawa ako ng inikot nya ang mata nya. Kapag kaming dalawa lang ang magksama, saka nya lang nailalabas ang totoong sya.

"Ako ang unang tututol. Yuck! Babae ka kaya!", reklamo nya.

"Oh e ano kung babae ako? Kaya pa kitang gawing straight. Ewan ko lang kung di ka ma-inlove sakin", natawa sya sa sinabi kong yun.

"Kung kaya mo talaga, e di sana nagawa mo na noon pa lang. Ang tagal na nating magkaibigan no?", tama nga naman sya.

"E kasi po hindi mo ako binigyan ng chance. Hay ikaw talaga!", I took a sip. "Pero hindi pa naan huli ang lahat. Ano? Try natin?", nanghahamon na sabi ko.

"Yuck, Anya! Ewww!", parang kinikilabutang sabi nya. Hindi mapigil ang malakas na tawa na pumuno sa buong mini bar ni Frank.

Napatigil lang ako ng may tumawag sa telepono ko.

"I'll just take this call." Sabi ko kay Frank pero nagstay lang ako sa upuan ko. "Hello..."

"Where are you?", nagulat pa ako sa tanong nya. Tiningnan ko kung sino ang tumawag. Si Chris?? Dahil doon ay agad akong may naisip na idea.

"Err.. who's this?", kunwa'y tanong ko.

"Anya, hindi ako nakikipaglokohan sayo... This---"

"Sorry wrong number." Then I ended the call. Natatawa kong ipinatong sa table ang phone ko.

"Sino yun?"

"Si Chris..." at nagtwinkle twinkle ang eyes nya nang marinig ang pangalan ng lalaking yun. "Tigilan mo nga yan. Mukhang pundidong ilaw ang mata mo.

Per maya-maya lang ay nagring na naman ang cellphone ko. Si Chris ulit... Hindi ko sana sasagutin kung hindi lang nagreklamo si Frank.

"Sagutin mo na nga yan... Ang ingay ingay... Wag mong hintayin na ako ang makipag-usap sa kanya..", aba at nanakot pa.

"Para malaman nya ang sikreto mo?", he glared at me na ikinatawa ko ng malakas.

"What?" Bungad ko sa kanya.

"Hey, I'm sorry for my behaviour earlier. Nasaan ka ba?", nagsosorry na nga, pero hindi naman mukhang sincere.

"Why do you wanna know?", balik na tanong ko sa kanya.

"Just answer my question, dammit!" Hala nagalit na. Ano bang problema nito?

"E anong bang kinakagalit mo dyan? Nandito lang naman ako sa bahay ni Frank---"

"At this hour? Nasa bahay ka ng lalake?", alright. Hindi ko na sya maintindihan.

"Oh please! Kung mainit ang ulo mo, wag mo akong idamay. E ano kung nasa bahay ako ng iba? Hindi kita boyfriend!" And for the 2nd time, o hung up on him.

Ang kapal ng mukhang sigawan ako. Wala naman syang karapatan. Kapag nakikipag-landian ba sya sa mga babae, nakikialam ako sa kanya? Tss! Inis na inisang lagok ko ang wine na nangangalahati pa lang sa baso ko.

"Hey, easy... Baka malasing ka.. Walang magbubuhat sayo..."

"As if hahayaan mo akong matulog dito..."

Napaingos lang si Frank at ipinagpatuloy na ang pag-inom. Maya-maya ay napalinon sya sa akin at tinitigan ako.

"What?!", I frowned.

"Huwag kang assuming... Hindi kita pinagnanasaan..." I just pouted.

"E ano palang ginagawa mo?" Lasing na yata to e.

"I can see the signs...."

"Signs of what?", seriously. Para akong nakikipag-usap sa taong wala sa matinong pag-iisip.

"Signs of being inlove.. I just noticed, kakaiba ang mood swings mo e. Bigla ka na lang naiinis. Tapos yung isa naman kakaiba magselos... I think you're inlove...", I frowned again.

"Ako?? Inlove???", inlove na nga ba ako?

"I think you are... Have you felt your heart beats so fast whenever you see him? O kaya naman, nami-miss mo ba sya kapag hindi kayo nagkikita?", ang totoo, puro ka-cornihan lang ang mga sinasabi nya. Pero napaisip ako... Naalala kong nainis ako sa kany nong pumnta sya sa UK at hndi man lang ako tnawagan ng ilang linggo.. Pero love na bang matatawag yun? I gasped.

"Oh gosh!", napatutop ako sa bibig ko.

"See?? E di mahal mo na nga...", napailing ako ng mariin

"Pero imposible. He's arrogant. A conceited chauvinist pig. He's far from my ideal guy.", hindi talaga pwdeng mangyari na mahulog ako sa kanya.

"But the ideal guy that you are talking about is like a saint. At imposibleng may ganung lalaki pa ngayon."

"E kaya nga ideal guy diba? Dapat good person.", saktan ko to e. Talinong tao hindi pa yata alam ang salitang ideal.

"But should not too close to perfection."

"Ahh basta. Imposibleng mangyari ang sinasabi mo. At lalong hindi sya nagseselos. Sure akong hindi nya ako gusto.", pero ang totoo, napaisip ako sa sinabi ni Frank. Paao nga kaya kung totoo?

"Hmmmn... Want me to help you?", just looking at him, mukhang may tumatakbo na namang plano sa utak nya.

"Ano namang gagawin mo?"

"Anong gagawin 'natin'." Then he wink at me flirtatiously. "Let's make him realize how important you are to him."

Hmmmn.. Sounds exiting! May tiwala naman ako kay Miel. Ni minsan kasi hindi pa pumalpak ang plano nya... And I'M have to admit, naeexcite talaga ako sa iniisip ng bestfriend ko.

The Handsome Jet-setter (To Be Published SOON)Where stories live. Discover now