Chapter 8

14.4K 292 12
                                    

AN:

Yey!!! Tapos ko na ang LTD, so that means, REGULAR NA ANG UPDATE NITO!!! yey!!!! Pero syempre depende pa rin sa sched ko at sa time.. hehehe... Basta I'll try to update na lang for all of you!

Thanks for reading! haylabyusomats!!!!!! :D

Anya's POV

"Seriously??? ITO????", di pa rin ako makapaniwala kaya ilang ulit kong itinanong kay Chris ang tanong na yan.

"Oo nga... Ang kulit din ng lahi mo!", he crossed his arms and smilingly watch the surroundings na parang nakatingin lang sya sa magandang sunset. Pero hindi!

Wanna know where are we? We're in the middle of nowhere! Di ko alam ang lugar na to. Basta ang nakikita ko, walang katapusang malawak na lupain na kakatabas lang ng mga damo!!!! Yun lang! Walang puno at kung ano pa man! Open field! Ang ang masama pa, tirik na tirik ang araw, nandito kami sa gitna ng lupain na ito!

"Pina-cancel ko lahat ng appointment ko ngayong araw... Dahil sabi mo, importante! The hell!!!! Dito lang pala tayo pupunta! Ano bang sumaksak dyan sa utak mo at naisip mo to ha??", inis na inis talaga ako sa kanya! I dont know how many times I tried to compose myself pero walang nagawa ang pagbibilang ko ng hanggang sampu! Mainit pa rin ang ulo.

"Dito ko gustong gawin mo ang photoshoot para sa hotel ko. Earth lover ang tema.. Kaya naghanap ako ng magandang site.. Ok naman diba?", he looked at me and smiled. Yung tipong nang-aasar na ngiti. I glared at him.

"Ang OA mo. You should've send me some photos na lang o kaya video coverage of this place. Sinayang mo ang oras ko. Nakakainis ka!", kulang na lang ay batukan ko sya para matauhan. Istorbo talaga!

"Ang init ng ulo mo. Hindi lang naman ito ang pupuntahan natin e... Tara na..", at bago pa ako makapagreklamo, tinalikuran na nya ako at nauna ng sumakay sa kotse. No choice! Sumakay na rin ako kesa naman maglakad ako pabalik sa studio. Wala akong dalang sasakyan.

***

Iginala ko ang mata ko sa paligid ng hotel. Wow talaga! Parang Paris lang. Kunsabagay, ang kapartner kasi ni Chris sa business nya ay isang French National. Kaya naman hindi nawawala sa ambiance ng hotel nila ang French taste.

Pero ano nga ba ang ginagawa ko sa hotel na to ngayon?

Well, that handsome brute, binibigyan nya ako ng tour sa hotel nya. Para daw kahit papano, may backgroud ako sa ViewFort Hotel. Sheeems! As if naman na kailangan yun sa photoshoot na gagawin ko. Pakialam ko ba kung may sira sirang rooms ang hotel nya. Photographer ako at hindi investor! Pero nag-eenjoy naman ako sa tour na to kaya sige na nga lang... Kesa naman sa lupaing walang puno kami magtour (and take note, sa ilalim ng matinding sikat ng araw!). At least, dito malamig! hehehe

After ng 'tour', we made our way thru the restaurant para sa lunch.. Grand restaurant at bongga din ang buffet! Pang-royalty ang dating!

"Enjoy your meal...", sabi ni Chris... I took a bite of their specialty...

"Wow! This is good... I like this one..", hindi ko napigilan ang hindi magbigay ng compliment. E syempre naman no? Ang sarap kaya!

"Glad you like it.. Sige... Kain ka lang dyan...", napatingin ako sa kanya.

"You're not going to eat?"

"Ok na ako kapag nakikita kang kumakain...", i felt my face heated! Waaaahhh!! Ano yun? Did I just blushed? Shame!

The Handsome Jet-setter (To Be Published SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon