"Xian!"

"Kuya Jiggs." Bati ko sa kanya. Tiningnan ko ang sasakyan niya at nagtaka. "Nasaan si Ate?"

Napakamot siya sa ulo. "Ano, nasa bahay kasi siya."

Tinitigan ko siya. "May problema ba?"

"Mabuti pa ay sa bahay mo na lang alamin. Sa kanya mo na lang itanong." Gustung-gusto kong alamin kung anong meron. Medyo kinabahan ako. Syempre, ate ko yun. Pero sinunod ko na lang utos niya at nanahimik. Malalaman ko din naman yun pag-uwi namin.

Isang taon na din akong hindi naliligaw dito. Sa maikling panahon na yun, parang ang daming nabago. Yung dating under-construction pa na plaza dito, tapos na ngayon. Madami na ring mga batang naglalaro dun. Maya-maya pa, tumigil kami sa isang bahay.

"Teka, dito kayo nakatira?" Tanong ko ng may pagkabigla.

"Oo, okay lang ba? Yan pa lang kasi nakakayanan ng pera ko." Pagpapaliwanag agad ni Kuya.

"Nako, kuya okay lang yung bahay. Hindi ko lang inaasahan na sa likod kayo ng MU nakatira." Dito sa kinatatayuan ng bahay ni kuya, kahit medyo malayo, kitang-kita ang Marquez University.

"Ah, oo. Mas maganda kasi kung malapit lang sa work place namin ang bahay. Mas convenient sa ate mo." Napatingin ako sa kanya, lalo akong na-curious. Bakit naman magiging inconvenient kay ate kung malayo?

Kinuha ni Kuya yung bag ko mula sa likod ng sasakyan at pumasok sa bahay. "Tuloy ka." Tumango naman ako at sumunod sa loob. Ang bahay nila, 2 storey din. At napaka-cozy ng feeling.

"Xian! Buti naman nandito ka na!" Napalingon ako sa pinaggalingan ng boses at nakita ko si ate pababa ng hagdanan. Agad namang tumakbo si kuya papalapit sa kanya at inalalayan.

"Ano ka ba Jiggs, okay lang ako."

"Eh kahit na. Delikado sa'yo kung bigla kang mahulog dyan." Hinampas ni ate sa braso si kuya Jiggs kasabay ang mahina na pagtawa.

"Anong meron?" Sabay silang napatingin sa akin. Si Kuya Jiggs, napakamot na lang sa ulo tapos si Ate Xyla naman, ngumiti lang bago umupo sa may sofa. Pinapalit niya ako na ginawa ko naman.

Tinitigan ko siya ng maayos. Mukha namang walang nangyaring aksidente sa kanya. Hindi din naman siya mukhang may malalang sakit. Ano ba talagang nangyayari?

"Ganito kasi yan Xian." Nag-pause pa si Ate bago ngumit ulit. "Magiging tito ka na."

Medyo nag-loading sa utak ko yung sinabi niya. "Buntis ka?"

"Hindi. Ikaw ang buntis." Sagot ni Ate sabay tawa. "Oo, buntis ako." Katabi na niya si Kuya Jiggs na hinawakan ang kamay niya. Ang saya nila pareho.

"Alam na 'to ni Mama?" Tumango naman si Ate. Ang daya, bakit hindi sinasa- "Kaya ba ayaw akong paalisin ni Mama kasi alam na niyang buntis ka?" Tumango ulit siya.

"Ala naman ate! Sana sinabi mo! Sana naghanap na lang ako ng ibang matitigilan. Baka makaabala ako sa inyo."

"Kaya nga ayaw kong ipasabi sa iyo. Pareho kayo ng takbo ng isip ni Mama. Hindi ka abala okay?" Kaya mahal na mahal ko ang ate ko eh. Napakabait niya. Nagkwentuhan muna kami. Maya-maya, ipinakita ni kuya Jiggs ang kwarto ko dito sa bahay nila. Iniwan naman niya ako para makapagpahinga na daw ako.

Inayos ko ang gamit ko at nung matapos ako, alas-kwatro na pala ng hapon. Naalala ko, hindi ko pa pala naiitext si Rissa.

'Best, andito na ako kina ate.'

Napatingin ako sa bintana. Kitang-kita ko ang isang building ng MU. Hindi ko akalaing ganito ako kalapit sa pinapasukang university ng best friend ko. Mapapadali ako sa pakikipag-bonding sa kanya.

Tumunog ang phone ko at binasa ko kaagad ang meesage.

'Yes naman! Best, punta ka sa SM. Nandito kami.'

Nung mabasa ko yun, agad akong nagmadali sa harapan ng salamin. Okay pa naman ang suot ko. Inayos ko ang buhok ko at bumaba na. Nagpaalam ako kina ate at kuya na pa-SM muna ako. Yes, magkikita na kami ni best.

Ilang minuto lang ang layo ng bahay namin sa SM kaya mabilis akong nakarating. Nasa McDo daw sila. Agad kong hinanap ang McDo. At nandun nga siya. May kasama siyang dalawang tao. Isang babae at isang lalaki. Nilapitan ko agad sila. Papalapit pa lang ako sa kanila nung matanaw agad ako ni Rissa.

"Hi BEST!" Bati niya sa akin sabay yakap. Niyakap ko din naman siya. "I miss you!"

"Hi best. Miss you too." Kumalas naman agad siya at humarap sa dalawang kasama niya.

"Oh, siya ang best friend ko, si Xian. Xian, ito si Denny, best friend ko dito. At yun naman si Eugene, boyfriend ko." Pagpapakilala niya sa dalawa.

Tinanguan lang ako nung babae sabay tungo sa phone niya. Ito namang lalaki, nang-alok ng handshake. Wait, anong sabi ni Rissa?

"Hi, ikaw pala ang best friend ni Rissa na lagi niyang nababanggit sa akin. Ako nga pala si Eugene Cabrillas, boyfriend niya."

Ah, boyfriend. 

BOYFRIEND?! Bakit hindi ko alam yun?!

_________________________________________________

Hi! Muli po akong nagbabalik sa Wattpad. XD Susubukan ko lang po ulit magsulat. At promise, tatapusin ko na 'to ngayon! XD

Nagrequest po kasi si LittleMissBlue. Syempre, mangyan nga ay nakaka-request, kaw pa kayang puro? XD Joke! LoveYa! Saka na yung mga luma. Nag-iisip pa ako kung paano maaayos yun. Ito muna, okiey? XD

My Best Friend's Best FriendWhere stories live. Discover now