Ang Pang-Limampu't Isa

Start from the beginning
                                    

"For pete's sake, Chrissy! You're not a teenager anymore. I hope you and your cousins know that. Please act more mature and set rules for yourself! This is a scandal!"

"I know! I said it was an accident!" bulyaw ko pabalik.

"My god. What happened after? Sino ang umareglo at nagpahuli? Iyong nanguna sa demandahan at pag-uwi sa inyo ng ligtas?" Papa's heavy breathing told me he already knew who. Which took his anger to another level!

"Iyong magkapatid. It was Judah and Ram..." I whispered as my chest detoriated a bit.

"Are you...are you seeing him? Again! Chrissy? That Donofrio boy!"

Parang nawala lahat ng kulay sa aking mukha. Hindi ko rin alam kung anong isasagot kay Papa. Naliligaw din ako at nangangapa.

Because... Ram isn't a boy. He's a man who terrifies me so much. He's a rich and powerful one, but he answers to me. Kneels to me.

So, were his silent glares counted as seeing me? Our skin to skin contacts? His deep kisses? Was it?

Nakabilang ba ang aming mga palihim na pagtitinginan? His loving stares? His mad confessions?

Wala kaming libel. Ulit. At hindi ko iyon masasagot pero isa lang ang alam ko. Hindi ito tungkol sa akin, o sa aming dalawa dahil siya ang sentro ng lahat. Only and about him, the way I see it. The way my thoughts does. Everything was always about him.

Chrissy...Chrissy...

Dumagundong ang mararahas na mga mura at sigaw ni Papa.

Napapikit akong mariin, ang pang-ibabang labi ay dudugo na sa aking kakakagat.

"Hindi ka na nadala! Sasaktan ka lang ng lalaking iyan! Ng lalaking kasal na iyan! Cristina! Pakinggan mo ako! Huwag ka nang magbulag-bulagan pang muli!" Papa shouted at the top of his lungs.

Umalingawngaw ang mga paratang ni Papa sa aking tainga.

Sasaktan ka lang ng lalaking iyan. Dahil kasal na iyan.

Wala kang kadala-dala. Kasal na iyan.

Napakurap na lamang ako sa aking sarili sa harapan ng salamin. Nauubusan ako ng hininga ngunit pasasaan pa't nananahimik din ang kabila.

"Whatever the hell you're doing, Chrissy, stop it. Habang maaga pa, at habang hindi pa huli ang lahat ay kumalas ka na. I don't want to see hurt again. By the same man. By the same reason! Nahihibang ka na kung iyan ang ipagpupursigi mo! Don't stoop that low!"

Pinili kong paglaruan na lamang ang aking pang-ibabang labi, gamit ang aking dila. My tongue mimicked a familiar move.

"Since when are you two seeing each other?" kapos-hiningang tanong ni Papa.

"Almost a month ago..." I whispered.

"A month! That's harsh on me! Hindi mo pala talaga ipapalaam! Kung hindi pa ibabalita! Chrissy naman. Huwag kang maging tanga-tangahan! Abusado ka na sa sarili mo!"

"He's not married, Pa..." tanging bawi ko na tila ba iyon ang pakunswelo ko sa sarili. And it even sounded pathetic in my own ears.

"Goddammit! Maniwala ka sa aking kasal at nakatali na iyan. At kung hindi pa sapat ay sa kapatid mo, Cristina! Would you do that to Yllana? Would you betray her? She'll know of this!"

"I'm not betraying anyone because Ram... isn't married..." I rationalized.

"Paano kung niloloko ka nanaman ng lalaking iyan? Mawawala ka nanaman sa katinuan at hindi makakausap ng ilang buwan? Ganoon ba? Magpapakababa ka para sa lalaking iyan para sa ano?"

The PristineWhere stories live. Discover now