"Sorry for that. Hindi ko naman alam na parehas silang magkakagusto sakin." sabi ko. Napangiti ako nang maalala ang panahon na nag-uunahan ang dalawang makalapit sakin.

"Yeah right. Bakit pala si Sean yung sinagot sa kanilang dalawa?" bigla akong napatigil, mukhang napansin nya naman yon. "Sorry, okay lang kahit hindi mo sagutin." napangiti ako ng pilit.

"Let's just say that, Sean is a good man."

"Mabait din naman si Ralph ah?"

"Oo pero hindi sya yung nagpatibok ng puso ko non kaya hindi ko sya sinagot." tumango lang sya sa sagot ko.

Nanatili kaming tahimik habang pinapanood ang mga tao na naglalakad. Tumingin ako sa horror house na hanggang ngayon ay hindi pa din lumalabas yung lima. Mabuti na lang dumating si Lyrin kaya hindi ako mababagot at iwan na sila dito.

"Left." tumingin ako kay Lyrin. "Ano gagawin mo kapag yung taong gusto mo, imposibleng magustuhan ka?" napakunot ang noo ko sa tanong nya. Napaka-out of nowhere yung tanong nya.

"Bakit may nagugustuhan ka ba?" bigla syang namula sa turan ko kaya bigla ko sinundot yung tagiliran nya at napahiyaw sya. Hah! May kiliti sya don.

"Ano naman kung meron? Bakit bawal ba magkagusto?"

"Oh bakit ka galit? Galit ka agad eh." natatawang sabi ko. Lalo syang namula.

"Pero impossibleng magustuhan nya ako. May iba syang gusto at sa tingin ko gusto din sya ng gusto nya." malungkot na sabi nya.

"Masaklap nga yan. Kung ako sayo, simulan mo na mag-move on. Wag kang maniniwala sa mga sabi-sabi o nababasa mo sa mga libro na magkakagusto din sayo yung gusto mo. Posible pero napakaimposible. Lalo na may gusto din pala sya ng gusto nya. Don palang no chance ka na." sabi ko. Bumuntong hininga naman sya. "Sino ba yang nagugustuhan mo?"

"Wala." sabi nya at tila naghihinayang.

"Gusto mo sapak? Wala pero umamin na kani-kanina lang." umirap ako sa kanya. "Baka si Sean yan ah." sabi ko. Nanlaki naman ang mga mata nya.

"Grabe si Sean agad?" napataas kilay ko.

"So sino?"

"Basta. Magmo-move on na ako kaya hindi mo na kailangan pa malaman." kj naman nito.

"Kaliwa." napatingin kaming parehas ni Lyrin kanila Gia at maid. Nakalabas din sila, pero nasaan yung tatlo?

"Yung tatlo?" tanong ko, tinuro nya naman yung horror house. Napa-poker face ako, nandon pa sila, maghihintay pa ako nito. "Bakit hindi kayo sabay-sabay na lumabas? Nakakairita kaya maghintay." sabi ko at hinila si maid sa tabi ko.

"Natakot sila kaya nagsitakbuhan sila kung saan-saan." sagot ni Gia.

"Bakit hindi ka kasama?" ngising asar ko.

"Duh hindi ako takot 'no." sabi nya.

"Ulol wag ako."

"Totoo naman!"

"Liar." biglang singit ni Lyrin. Napataas kilay ni Gia. "Nakita kita sa Music Room na nanginginig sa takot nung hindi ko sinasadyang naigalaw ang gitara. Nanakbo ka palabas habang tinatawag mo ng Mama mo." sabi nya. Bigla akong natawa. Iniisip ko kung ano itsura ni Gia nung time na yon.

"Malamang ako lang tao non tapos biglang matutumba yung gitara." depensya nya sa sarili nya.

"Takot ka lang, aaminin mo na kasi." asar ko sa kanya. Sinamaan nya lang ako ng tingin at kahit madilim na, kita ko pa din ang pamumula ng mukha nya.

"Left, una na ako baka hanapin na ako ng dalawa at mag-away pa sila." sabi ni Lyrin at tumayo.

"Ah sige kung sino yang nagugustuhan mo, wala syang kwenta. Mag-move on ka na dahil hindi sya deserve para sayo." sabi ko bigla naman syang natawa.

Mi Amore Series#1 My Mute MaidWhere stories live. Discover now