Lumabas na ko ng kwarto at ilolock ko na sana ang pinto ng mapatingin ako sa pinto ng kwarto ni Dan.

Gusto ko siyang puntahan pero hindi pa ako ulit handang masaktan. Bigla ko tuloy naisip na nandyan naman si Wynd para sakin.

Bakit kaya hindi na lang siya?

Napailing ako ang unfair nun para kay Wynd.

Bakit naman kasi ganun. Kung sino yung Mahal Mo hindi ka mahal. Bakit hindi na lang pwede na mahal ka rin nang taong mahal mo?

Siguro kung mas nauna lang si Wynd, siya na ngayon yung mahal ko. Hindi na rin ako masasaktan pa.

Kaso talaga nga sigurong mapaglaro ang tadhana dahil hindi ako nito pinagbibigyan sa mga pangyayaring gusto kong mangyari.

Dumiretso na ako pababa nang hagdan para makalabas. Sakto naman at paglabas ko ay nakita ko na agad ang kotse nila Rachelle. Lumapit na ako dito at sumakay.


Pagpasok ko ay nagsalita agad si Rachelle.

"How' s your 2 months in the house?"

Bumuntong hininga muna ako bago sumagot.  "Ito sa bahay lang ako , kusina at kwarto lang" naalala ko na naman ang nakakabagot na buhay ko nitong nakaraang dalawang buwan.

"Ano ba kasing nangyari sa inyo ni Dan" she butted in.

I sighed. Ito na naman sya. Kung kailan ayoko na munang pag usapan ang bagay na yan ay tsaka naman niya ito binubuksan.

Nag isip muna ako nang bagay na pwedeng pag usapan para maiwasan ang tanong niya.  I grinned when a bulb light on my mind.

Nakaisip ako na ako nang pag uusapan para hindi na nya ako tanungin.


"Ako nga dapat ang nagtatanong sayo niyan di ba? Anong nangyari sa inyo ni Ceejay?" Halos manlaki ang mata nya at mapalunok sa sinabi ko.

Huli ka! Halos mapigilan ko ang tawa sa pang aasar sa kanya.

Pero ang akala kong maiinis sya sakin ay mali. Ako pa yata ang nagulat nang bigla siyang ngumisi ng malaki.

"Were already in a relationship" ngayon ako naman ang napasapo sa bibig ko.

Ganun ganun na lang? Ginawa nag nila yung dare nung gabing yun tapos sila na?Halos hindi ako makapaniwalang nagsalita.


"Ang bilis naman yata Chelle. Ano bang nangyari nitong dalawang buwan.

Nakinig lang ako sa kwento niya. She said that they're dating all through the vacation. Ceejay court her. Hindi naman nya daw kayang magpakipot pa dahil mahal nya din si ceejay. Kaya naman sinagot na nya si Ceejay.

Napapailing na lang ako sa reaksyon niya. Sana lang talaga at seryosohan ang relasyon  nilang dalawa.


"E ikaw iniwasan mo na yung tanong ko kanina, Ano bang nangyari sa inyo ni Dan?" Akala ko makakaiwas na ako sa tanong nya kanina pero hindi naman pala.

"Sige na ikwento mo na" pangungulit nya.

Tinaas ko ang dalawang kamay ko bilang pagsuko. Nagsimula akong magkwento sa nangyari nung umalis sila. Kinuwento ko sa kanya ang lahat nang detalye. Nakikinig naman siya sakin nang mabuti.

"Di ba ikaw na mismo ang nagsabi sa sarili mo na aakitin mo talaga siya. I have an great idea to make your Seducing Operation successful" She grinned as if she's thinking a great idea.

"Ano na naman yang iniisip mo Rachelle? Baka hindi naman yan makatulong. At baka mas lalo pa yang makasama." Nagdududa kasi ako sa paraan nang pagngiti nya. Kinikilabutan ako.

"Hindi. Basta... Trust Me." tumingin na lang ako sa katabi kong bintana. Sana nga lang talaga at gumana ang iniisip ni Rachelle.

"Ma'am Rachelle, Nandito na po tayo" narinig kong sabi nang driver.

"Sige po manong . Itetext ko na lang po kayo kung magpapasundo na po ako. Ingat po " paalam sa kanya nang katabi ko.

"Kayo din po maam" ngumiti si manong sakin kaua ngumiti din ako sa kanya bago binuksan ang pinto ng sasakyan at bumaba.

Sabay kaming bumaba ni Chelle at pumunta sa direksyon papasok nang mall. Una naming pinuntahan ang National Bookstore.

Sinamahan ko munang pumili nang mga gamit si Rachelle. Pagkatapos niya ay ako naman ang sinamahan niyang mamili.

Pagkatapos naming mamili nang mga gamit ay dumaan muna kami saglit sa McDonalds para kumain.

"Busog na ako" reklamo nang kaibigan ko pagtapos naming kumain.

" Saan ba tayo sunod na pupunta?" Tanong ko sa kanya.

Pero imbes na sagutin ako ay nagulat na lang ako nang bigla akong hilahin ni Rachelle kung saan.

"Chelle, saan ba tayo pupunta?" Nagtataka na kasi ako kung saan ba talaga kami pupunta. Napapatingin na rin ang iba samin dahil sa mabilis naming pagtakbo ni Rachelle.

"Basta." yun lang ang sinagot nya kaya hindi na lang ako nagpumiglas pa at nagpahila na lang kung saan.

Sa kakahila niya ay napunta kami sa tapat ng isang kilalang salon.

"Chelle magpapaayos ka?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

Pero parang wala lang syang narinig at hindi nya man lang ako pinansin. Malakas nya akong naitulak papasok ng salon.

I sighed. Hindi ko alam kung bestfriend ko ba tong babaeng to? Kung makatulak naman kasi sakin kulang na lang ay madapa na ako at masubsob sa loob.

"Easy ka lang Gel. Its a part of the plan. Im sure that it will help you." Napagtanto ko kung ano na ngayon ang dahilan kung bakit kami nandito.

Hindi sya ang magpapaayos kundi ako.

Nag aalinlangan akong umupo sa isa sa mga reclining chair. Kailangan ko pa ba talaga tong gawin?

Nakita kong may kinausap siyang parlorista. Gusto ko mang marinig ang pinag uusapan nila ay masyado silang malayo at hindi ko ito marinig.

Maya maya lang ay may mga gumagalaw na sa buhok ko pati na rin sa mukha ko.

Kung bibilangin ay tatlong tao ang nag aayos sakin. Hindi tuloy ako makagalaw at halos pigil ko na ang paghinga ko.

Mabilis ang mga pangyayari at wala na akong nagawa para pigilan pa sila. I have no choice but to let them fix me and wait for the result.

Siguro pagkatapos nang isang oras ay inikot na nung parlorista ang inuupuan ko. The excitement on their faces. And so do i when i see my face on the mirror.


Napatahimik ako pagharap sa salamin.


Damn. Is it really me?

"Gel, i know that you're already beautifu. But after your makeover. Damn it you look gorgeously stunning!"  sinabi yon ni Rachelle na para bang hindi makapaniwala.

Kahit ako ay hindi ko maipaliwanag ang itsura ko ngayon. I admit that Rachelle's right for what she stated.

"Ang ganda ganda nyo po Maam." The parlorist chanted.

I smiled to her and mouthed thank you. I know that its true because i can see it with my own eyes.

I know that I'm gorgeous even i dont have this makeover. But after this makeover, i realize that its very helpful for me to succeed on my plan.

Halos hindi ko mapigilan ang mapangisi at pagmasdan pa ng mabuti ang mukha ko sa salamin.

You'll regret what you've done to me Dan.  

Can't be Yours (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon