Nakailang katok na yata ako pero wala pa ring nagbubukas nang pinto kaya sinubukan ko ulit kumatok nang mas malakas. Baka hindi lang siguro nila naririnig ang katok ko.

Pagkatapos lang ng malakas kong katok ay nag antay na naman ako sa wala dahil wala pa ring nagbubukas nang pintuan. Mali ba ako ng kwartong pinuntahan?

Alam ko ito talaga yun. Pinihit ko na lang yung doorknob para bumukas kaso pagbukas ko ay tumama ako sa isang matigas na bagay.

The impact's hard that's why i groan in pain.

"A-aah" ang sakit ng noo ko. Hinaplos haplos  ko ito para mabawasan ang sakit. Nang medyo mabawasan ito ay tumingala ako para tingnan kung ano yung tumama sakin.

Pero dapat pala ay 'sino' at hindi 'ano' ang tanong koml dahil pagtingin ko ay nakita ko si Dan na nakatitig sakin.

"Tatanga-tanga kasi" nakaramdam ako nang inis  sa boses nyang may bahid ng pagkairita.

Hindi ko maiwasan ang mainis dahil ko pa talaga ang sinisi nya. Kasalanan ko bang ang tagal bago may magbukas nang pinto?

I didnt even know that he's behind the door.

Ang sinabi nya at paninitig ay nanuot sa akin,dahilan para umusbong ang inis na pinipigilan ko.

Sa sobrang inis ay hindi ko na napigilan ang sarili kong sigawan siya.

"Nakakainis ka na, Alam mo ba yun?! Kanina ka pa. Bakit kasalanan ko bang pumasok nang pintuan at kumatok nang pagkatagal tagal dahil sa wala man lang nagbubukas nang pintu-"

Hindi ko pa tapos ang sinasabi  ko nang bigla siyang yumuko paharap sa mukha ko at ginawa ang isang bagay na hindi ko inisip na gagawin niya sakin.

Nanlaki ang mata ko sa sunod na nangyari. He kissed me while pinning me on the back of the door.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil hindi ko inaasahang gagawin nya ang napakaimposibleng bagay na ito.

I can feel his lips moving and so do I whose slowly responding to his kisses. My knees are getting week and trembling.

Nang maramdaman ni Dan na nanghihina na ang tuhod ko ay sinuportahan nya ang bewang ko gamit ang mga bisig nya. Pinaikot nya ito sa akin habang patuloy pa rin akong hinahalikan.

Nang nauubusan na ako ng hininga ay naramdaman kong tumigil na siya. Pinatong niya ang noo nya sa noo ko at tinitigan ako gamit ang mga mata niyang nakakapanglunod ng sistema.

Damn it. He's still dashing hot infront of me now while panting for air. I can feel his hot breath against my cheeks.

Tumingin ako sa mga mata nya at halos mapaso ako sa binibigay na intensidad nito.

Halos hindi ko pa lubos na naiiisip yung nangyari. Hanggang ngayon ay nagugulat pa rin ako sa bilis ng  pangyayari.

Wala akong nagawa kundi ang makipaglabanan din ng tingin sa kanya habang nararamdaman ko na ang unti unting pag init ng pisngi ko.

Gusto kong umatras nang palalapit na naman sya sakin. Pero dahil naiipit nya ako sa pintuan ay hindi ko ito napagtagumapayan.

Lumapit sya sa tenga ko at bumulong nang nga katagang nagpapahiwatig nang kung ano ang bumabagabag sakin.

"Now it's a tie, Gel"

Pagkatapos niya yung sabihin ay bumalik muli nya akong pinasadahan nang tingin at umalis na sa harapan ko para pumunta sa likod ng isang pader.

Narinig ko ang mga tawanan sa likod non kaya napagtanto kong nandoon ang iba. Ibig sabihin lang nito ay hindi nila nakita ang nangyari.  Nakahinga naman ako nang maluwag.

Pero agad ko na namang naalala ang huling sinabi ni Dan. He said it's a tie and he kissed me before that so it just means one thing...

Hindi kaya gising siya noong hinalikan ko sya sa kotse at alam niya ang lahat ng gianwa ko? Oh damn that's really it. He really know the kiss i gave him on the car.

Nadagdagan pa yata ang paginit nang pisngi ko sa sobrang hiya. I want to hide somewhere because of being ashamed.

Sa kakaisip ko ay di ko namalayang nandito pala yung dalawang pinsan ko na sina Lucas at Aaron. Nakita ko sila dahil papunta ata sila sa kusina nang kwarto.

Nakita kong papalapit sakin si Lucas at tumabi sakin para akbayan ako.

Mabuti at hindi nila nakita ang nangyari dahil kahit alam na ng dalawang ito ang nararamdaman ko ay kaya pa rin nilang gawin ang kahit ano para sakin.

Im spoiled on my two cousins that's why i love them so much than my other cousins.

"Kailan pa kayo pumunta dito?" Tanong ko sa kanila.

"Kanina lang,  hinatid kami dito ni Mang Jun."  Si Aaron na lang ang sumagot dahil mukhang walang naririnig si Lucas na ngumisi lang sa akin.

Tumango ako kay Aaron at hinayaan na silang pumunta sa kusina. Lumakad na ako papunta sa sulok kung nasaan sila at iginala ko ang paningin para tingnan kung may iba pang tao.

Napansin ko namang si Wynd na lang ang wala.

Sa isang sulok ay nakita ko si Dan na nakayuko at hindi na ako tinatapunan nang kahit sulyap lang. Tumikhim ako at pinilit na ibaling sa iba ang atensyon.

"Saan ba pumunta si Wynd." nagtataka kong tanong.

"Ayun pinakuha namin ng bote kasi maglalaro tayo ng Spin the Bottle 0.2"  nangigiting sabi ni Lucas.

Natatawa namang binatukan ni Aaron si Lucas. Kaya naman pala napansin kong  pabilog na ang posisyon nila. Halos ang mga pinsan ko lang ang yata ang atat nang maglaro.

Maya maya pa ay narinig na namin ang pagbukas at sara ng pinto at pumasok na si Wynd na may dala dalang bote na walang laman.

Nakita kong bahagya syang sumulyap sakin kaya nginitian ko na lang sya bago umiwas nang tingin.

Narinig kong nagpaliwanag na ng mga patakaran si Chelle para sa gagawin naming laro. Hindi naman ako pwedeng umayaw dahil lahat ay kasali. Even Dan with no intention on this is included.

"Okay, Ganito. Kapag umikot ang bote, kung kanino tumapat ang patag na parte sya yung magbibigay nang gagawin sa kung kanino naman tumapat yung kabilang dulo ng bote." para kaming mga bata na nakikinig sa sinabi ni Rachelle.

"Game" sabay na sabi nang dalawa kong pinsan.

Unang nagpaikot ng bote si Rachelle at nakita naming huminto yon kay Ceejay. Huminto naman ang patag na parte kay Lucas.

"Truth or Dare" maangas na tanong ni Lucas.

"Dare" simpleng sagot ni Ceejay. Masungit talaga sya kaya ganun na lang sya sumagot.

Kahit ganyan si Ceejay ay aaminin kong mabait sya na tao. Hindi nya lang masyadong pinapakita sa kahit kanino. That's why Rachelle is damn inlove with him.

Nanlaki naman ang mata ko sa pinautos ni Lucas sa kanya.

"Then Kiss Rachelle on the lips." May bahid nang panghahamon ito.Agad naman akong napatingin sa kaibigan ko at palihim na ngumisi.

Nakita ko ang bahagya nyang pagkagulat.

She's doomed.

Can't be Yours (ON HOLD)Where stories live. Discover now