Chapter Twenty-Six

57.2K 1.3K 59
                                    

Chapter Twenty-Six


"ARE you ready?" sinulyapan niya si Hexel na inaayusan din ng stylist habang naghihintay sa kanya. "You look—troubled."

"I am okay." Kaila niya dahil hindi naman talaga siya okay, nagdadalawang-isip siya kung lalabas ba siya at makikihalabuli sa mga taong nandoon. Hindi rin siya nakatiis at sinabi niya sa kanyang mga kaibigan ang totoo, wala siyang ibang mapagsabihan at mahingian ng tulong kundi ang mga ito. Oz is fighting his own battle because of her, si Norman ay kailangang ligtas. Ang mga tauhan ng lolo niya ay nakabantay twenty-four seven sa mga kapatid niya kasama ang mga pamilya nito.

Hindi basta-basta kung lumaban si Hiro nakita na niya iyon, narinig na niya iyon, walang awa sa mga mata nito. Hexel assured her that she is okay and their other friends were okay.

Wala ang mga kaibigan niya dahil na rin sa maselan ang pagbubuntis ng iba sa mga ito, si Chloe ay nandito kasama ang asawa nito dahil may koneksyon si Rye sa lolo niya, si Monique ay nasa hospital pa at nagpapagaling. Hanggang ngayon ay nahihirapan pa rin itong makatayo at maglakad dahil sa napuruhan ng husto ang mga binti sa nangyaring aksidente dito, hanggang ngayon ay hindi pa rin nito sinasabi ang lahat ng nangyari. Nirerespeto nila ang desisyon nito lalo pa at hindi pa rin stable ang takbo ng utak nito. Palagi itong nakatulala at sobrang tahimik, paminsan-minsan ay kinakausap nila ito ay sinasagot naman sila ng kaibigan. Medyo hirap din ito sa pagsasalita, Monique is making it and they are eager to bring Monique to her usual self.

Kaya ang kasama niya ngayon ay si Hexel talaga, she asked Chloe to keep her distance upang hindi ito mapansin ni Hiro na nasa party din. Isang lingo nalang ay nasa mga kamay na niya ang lahat ng kayamanan na gustong-gsusto nito. This day is very crucial, it's between life and death and she needs to be okay no matter what happened. Kahit na sabihin na maaaring nasa labas din si Xancho at may masamang balak sa kanya.

Ayaw n asana niya itong Makita at makausap, gagawin niya ang lahat hindi lang siya uli nito makausap o kaya naman ay mahawakan. Mas lalong nadagdagan ang galit na nararamdaman niya para dito.

"Monica?" untag ni Hexel sa kanya.

"Huh?"

"You're spacing again," ngumiti ito sa kanya hindi tuloy niya namalayan na nakalapit nap ala ito sa kanya. "Look at you, you are so beautiful." Ihinarap siya nito sa salamin. "Magpinsan nga tayo pareho tayong maganda."

Napangiti siya sa sinabi nito, natapos na pala siyang ayusan ng stylist at kailangan nalang niyang isuot ang gown na pinili nito para sa kanya. "Granmy will be so happy wherever she is right now seeing us together like this."

Hinawakan niya ang palad ni Hexel habang nakayakap ito sa kanya. "We will always be together Hexel, hindi ba sinabi ko sa iyo kahit saan ka magpunta sasamahan kita." Ipinagdikit nito ang magkabilang pisngi nila.

"I want you to go to anywhere as long as you are happy, handa ka na bang iwanan ang mga kapatid mo dito at sumama sa akin? Huwag mong kalimutan Monica na ang laban na ito ay dahil sa mga kapatid mo."

"Pero pamilya din kita Hexel, ngayon naiintindihan ko na kung bakit kailangang mangyari ang dapat mangyari. Hindi ko hawak ang kapalaran ko sino bang mag-iisip na malalagay ako sa ganitong sitwasyon? Siguro, heto ang kapalaran naming kailangan naming maghiwalay dahil may kanya-kanyang purpose kami. Masakit noong una na nawala sila sa akin dahil masyado akong nasanay na kasama sila pero kalaunan habang nakikita ko sila sa malayo naisip ko hindi ko sila makikitang ganoon kasaya kapag kasama nila ako, kapag kinuha ko sila. Sa akin sila lumaki pero hindi pa rin ako ang tunay nilang pamilya pero ikaw, ikaw ang pamilya ko Hexel, pareho ang dugong dumadaloy sa ugat natin. Kung ano ang laban mo laban ko rin, si lolo at si Oz, pareho ang dugo na dumadaloy sa ugat namin at kung ano ang laban nila ay laban ko rin."

ZBS#9: Blue grasshopper's Lesson Learned (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon