Chapter Sixteen

57.5K 1.3K 35
                                    

Chapter Sixteen

HALOS hindi maipinta ang mukha niya ng mga oras na iyon, paano ba naman kung halos saan-saan nalang niya nakikita si Xancho and take note kung sinu-sino ang kasama nito. Fuck him, nabu-buwisit siya kung pinagseselos siya nito puwes nagseselos talaga siya at mas lalong lumalala ang inis na nararamdaman niya kaya mas lalong dumiin sa utak niyang huwag nalang itong kausapin.

Katulad na lang ng mga oras na ito, galing siya sa grocery store para mamili ng mga kailangan nila ng mga kapatid niya at sumaglit sa department store ng biglang mamataan niya si Xancho na may kasamang babae sa isang boutique. Alam niyang nakita siya nito pero nagpanggap itong wala kaya bumalik sa pakikipagdate nito.

"Bahala siya sa buhay niya." But she felt so down, hanggang ngayon ay nagmamatigas pa rin siya kasi hindi siya marunong mag-approach at saka natatakot din siyang mag-approach dito dahil baka mareject lang siya. Siya na itong akala mo ay walang takot kung pagbabasehan ang ekspresyon ng kanyang mukha pero sa totoo lang siya ang may pinakamaraming takot.

Ayaw niyang mareject, ayaw niyang maiwanan.

"Kaninong buhay?" she almost jumped a mile when she heard some familiar voice at ng tingnan niya ito ay si Forrest ang nakita niya.

"Forrest, anong ginagawa mo dito?" takang tanong niya sa pinsan niya, actually they have constant communication. Nagtetext ito sa kanya at inaalam kung okay lang ba siya o may kailangan siya, nandoon pa rin ang tanong nito kung ano ang desisyon niya sa lolo niya.

"I'm bored so I decided to show my handsomeness to the world." She just glared at him, bakit baa ng mga lalaking nakikilala niya ay mayayabang? Katulad nalang ni Xancho—erase! "Admit it dear cousin we are family of good looking people, damn, nakakatakot baka habulin akong bigla dito." At natagpuan niya ang sarili niyang tumatawa sa corny na joke nito. "I made you laugh."

"Baliw ka." Kinuha nito ang mga pinamili niya at ito na ang nagdala.

"Pero gusto mo ng patayin si Baste."

"His name is Xancho."

"We call him Baste, matagal na kaming magkakilala high school pa nga kami. We don't call each other with our real names just our nicknames."

"Kaya pala Oz ang tawag sa iyo, bakit Oz samantalang Forrester naman ang tunay mong pangalan?"

"Lolo used to call me that name when I was young because I used to watch Wizard of Oz." paliwanag ng pinsan niya.

"Kakilala mo rin si Bud?"

"And Jaguar and Bix, we are the amazing five."

"Amazing five?" she snorted. "Puro mayayabang ang mga kaibigan mo, isali mo na rin si Xancho buwisit siya."

"Mukhang may love quarrel kayo samantalang okay naman kayo weeks ago, may nangyari ba?"

"Wala." Agad niyang sagot, mataman lang siya nitong tinitigan.

"Really? Paano kung sasabihin kong hinahalikan ni Xancho iyong babaeng kasama niya—aww!" isang malakas na hampas ang ginawad niya sa braso nito, hindi na siya nagtangkang lumingon dahil baka hindi lang niya magustuhan ang makikita niya. "Ang sakit mong manghampas samantalang ang liit-liit mo naman."

"Malakas din akong mangagat at kahit na pinsan kita hindi kita sasantuhin." Banta niya dito mas lalong sumama ang mood niya na nahalata nito at sa halip na pagaanin ang loob niya ay tinawanan lang siya nito ng malakas.

ZBS#9: Blue grasshopper's Lesson Learned (COMPLETED)Where stories live. Discover now