"Maganda siguro kung iinom tayo! Matagal na rin ng huli nating punta sa bar."

"Saan naman ang naiisip mo, Brix? Basta maganda ba naman iyang sinasabi mo, pwede na." Kahit saan naman ay pwede sila.

"Baka kasi magalit kayo kung saan ang naiisip ko kaya huwag na lang."

"SAAN NGA?!" Napikon na yung dalawa sa kaniya. Hindi sanay yung dalawa na pinaghihintay. Baka bago kami makapunta sa sinasabi niya ay masaktan siya.

"SA PARADEUX! Sabi ko naman sa inyo huwag na lang dahil hindi naman kayo papayag. Ang kulit niyo kasing dalawa tapos ngayon tatahimik kayo."

Alam kong gusto nilang pumunta sa  Paradeux pero ako lang ang pumipigil sa kanila dahil sa nangyari noong huling punta namin. Napapatingin pa sila sa gawi ko kung ano ang magiging reaksyon ko.

Hindi nila ako pipilitin kung ayaw ko pero kung iyon naman ang gusto ng mga kaibigan ko ay okay na sa akin basta iiwas na lang ako kung makita ko man si Lancen sa bar.

"Doon na lang tayo. Mas maganda naman talaga yung facility nila at mag-eenjoy tayo."

"Sigurado ka? Marami namang bar ang pwede nating puntahan at mag-eenjoy rin tayo. Kung hindi ka komportable na bumalik sa lugar na iyon ay ayos lang sa amin. Ikaw naman ang dahilan kung bakit tayo may celebration." Nginitian ko na lang si Hanz. Ako na lang ang lagi nilang iniisip pero this time sila naman ang dapat magsaya ngayon.

"Sigurado ako, Hanz. Basta ba handa kang maging bodyguard ulit."

"Alam mo naman na poprotektahan ko kayo kahit hindi mo sabihin."

~💞~

Naiwan kaming tatlo sa office at ang dalawa naman ay pumunta na sa restroom para maretouch. Gusto pa sana akong isama kaso wala naman akong gagawin doon. Aayusin ko na muna ang gamit ko bago kami umalis. Nagkalat ang files sa mesa ko at ngayon lang ako nagkaroon ng oras para ayusin ito.

"Alam na ba ni sir Clyde na aalis tayo?"

Nakalimutan ko pa lang sabihan si Clyde. Baka pumunta pa iyon dito at makitang wala kami.

"Hindi pa. Nakalimutan ko siyang itext na aalis tayo."

"Bakit kayo aalis?"

Tumingin kaming tatlo sa pinto at nakitang nakasandala sa pinto si Clyde at nakatingin sa akin. Hindi naman siguro siya galit, hindi pa naman kami umaalis at naabutan niya pa kami dito.

Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. Naramdaman ko ang mga kamay niya sa beywang ko at nakatingin  sa akin.

"Saan kayo pupunta, baby?"

"Magcecelebrate lang kami dahil sa pagkapanalo ko sa party, remember? Si Kim ang nakaisip kaya sorry kung hindi kita naitext na aalis kami."

"Sa Paradeux." Naging seryoso ang mukha niya kaya kinabahan ako na baka hindi siya pumayag.

"Kasama ko naman sila. Si Brix at Hanz ang magiging bodyguard namin doon kaya pumayag ka na please..."

"Sasama ako kaya ako na lang ang magiging personal bodyguard mo. Baka magkaroon na naman ng gulo at ako na ang makikipag-away para sayo." Hindi ko mapigilang kiligin sa sinabi niya.

"Hindi ka ba busy ngayon?" Umiling ito at tumingin sa mga kasama ko.

"We will use my car. Hintayin na lang namin kayo sa baba at mauuna na kami ni Cassandra."

Kinuha ko ang bag ko at pumunta na kami sa parking area dahil doon nakaparada ang kotse niya.

Pagkapasok namin sa kotse ay siya na lang naglagay ng seatbelt at pinaandar na niya. Naghintay pa kami ng ilang minuto bago ko nakita sila na papalapit sa kotse. Ang tahimik nila kaya hindi ako sanay lalong lalo na sila Laurel, Kim at Brix. Sila ang pinakamaingay pero parang napipi naman ngayon.

Tinitingnan ko sila. Magbibilang lang ako ng lima at isa sa kanila ay hindi na makakatagal na hindi makapagsalita. 1..2..3..4..5

"Ayoko na! Hindi ko na kaya ang katahimikan dito. Sorry sir pero ganito kasi kami kaingay kapag magkakasama."

"I don't mind. Continue what you are usually do when you all going out. Pretend that I am one of you."

Natawa ako sa reaksyon ni Brix. Siya kasi ang hindi nakatagal. Natatawa na rin yung iba dahil nanlaki ang mata nito sa sinabi ni Clyde. Akala nito ay papagalitan siya.

Nakarating kami sa Paradeux. Madali lang kami nakahanap ng space sa parking area dahil meron daw talagang nakareserve para sa kanya dito. Pinsan nga pala niya ang may-ari nito kaya kilala talaga siya.

Tuloy- tuloy lang kami sa pagpasok at bumabati ang ilang bouncer na nakakasalubong namin kay Clyde. Dinala niya kami sa isang private room dito. Masaya ang mga kasama namin dahil ngayon lang sila nakapunta sa isa sa mga private room sa Paradeux. Mahal kasi kung magpareserve ka.

Umupo ako sa tabi ni Clyde at umorder na ang mga kasama ko at bumulong ang katabi ko sa akin.

"Pwede bang huwag kang uminom, baby? Para naman may mag-aalaga sa akin kapag nalasing ako. Ikaw naman ang personal na mag-aasikaso sa akin. Ikaw lang ang may karapatan na hawakan ang katawan ko, baby."

My So Strict Boss (Bachelor Series)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن