Chapter 13-Epilogue

Start from the beginning
                                    

Wala sa sarili kong pinatay ang backlight ng cellphone ko. 'Kung ano ano nalang nangyayari sa buhay ko.' 

I just prepared some stuff for our training tomorrow in Carmona flysite. Doon ang punta namin ni Dayzy para sa Paragliding Course. After few days of bargaining. Nagtugma ang schedule namin. 

When I was done. I called Madox.

After few rings..

''H-hello!'' Medyo hinihingal nitong sagot.

''Sue! Did I disturb you?'' Sabi ko.

''No, I was doing a few laps in the pool. Katatapos ko lang.''

''Ok!'' Medyo nahihiyang sagot ko.

''Do you need anything?'' I heard her say.

''Would you like to have a coffee or something somewhere?'' I asked her.

Hindi ito umimik agad.

''If you are busy, I understand''

''Not really, ok see you in 30 minutes?''

''Make it 45 minutes, daanan na kita.''

''Ok''

Hindi nga naglaon ay magkasama na kami. Sayang lang at di ko naabutan ang mommy niya. May pa novena daw ang kaibigan nito kaya wala sila ng Daddy niya. Matagal ko narin itong di nakikita.

Tahimik ang loob ng sasakyan. Pilit kong pinapakiramdaman si Sue. She looked gorgeous. Bagay sa kanya ang casual na damit nito.

''How are you?'' Mamya ay naitanong ko.

''Moving on'' Tipid nitong sagot.

''Did you and Yuri break up?'' Napatingin ako sa kanya.

''Hahahaha! We were friends''

Binagalan ko ng konti ang pagmamaneho. 'They were friends? So they acted only as an item to make Dayzy jealous?'

 Di ko alam pero nainis ako bigla. Dayzy doesn't deserve this. Pero pilit kong iniwawaglit ang naisip ko.

''Why did you need to do that?'' Medyo pormal kong tanong.

''To make you and Dayzy jealous'' Diretsong sagot nito. Hindi ko man lang naisip na kasama pala ako sa pwedeng magselos.

'Nagselos nga ba ako? Pilit kong kinakapa ang damdamin ko'

Nag U-turn ako. Nagulat naman si Sue.

''Saan tayo pupunta?'' Tanong nito sa akin.

''Tagaytay! Ok lang ba sa iyo?''

Tumingin siya sa relo niya. ''Ok lang'' Mamya ay sagot nito.

I turned on the radio and I smiled with the song pero hindi ko sinabayan ng kanta ito gaya ng nakasanayan ko. I let the lyrics play in the air it entered my ear but It didn't reach my heart.

''Bakit hindi ka kumanta?'' Narinig kong sabi ni Sue.

I smiled at her, ''I was just thinking of something'' Sagot ko. 

Batid kong nakatitig siya sa akin. ''We're here!'' Sabi ko nalang nang makarating kami sa Starbucks sa Tagaytay.

Madox' POV

Hindi ko mapigilang kumabog ang dibdib ko habang pumapailanlang sa ere ang tugtugin sa radyo. Pinapakiramdaman ko si Eric. Tahimik lang ito kaya di ko malaman kung ano ang iniisip nito. Ang alam ko ay lagi nitong sinasabayan ang mga kanta sa radyo noon bakit kaya tahimik nito ngayon?

Finding Duology  Book 1- Finding Mary SueWhere stories live. Discover now