Chapter 7

12.9K 517 79
                                    

Few more chapters until the awaited Revelation. 

*****************************************

Unbelievable DAYZY

Good morning Sir'' Bati sa kanya ng nasa Reception na agad na inabot sa kanya ang isang envelope.

''What's this?''

''Iniwan po ni miss Ivy kanina Sir!''

''Ivy?'' Tila naman nagising sa pagkakatulog si Eric.

Tumango ang nasa reception.

Binuksan ni Eric ang envelope at nagulat siya ng resignation letter ito ng kanyang secretary

''Damn!'' Usal niya saka nagdial sa HR.

''Hello'' Bati ng nasa kabilang linya.

''Nadia! Hire me another Secretary.''

''What happened to Ivy?''

''She left!'' Yun lang ang sinabi niya saka binaba ang telepono.

Naiiling naman si Nadia na ibinalik sa receiver ang telepono. Hindi na niya alam kung may magtatagal sa boss niya. She rolled her eyes and contacted another applicant.

Napasandal si Eric sa upuan niya. Wala na bang matinong secretary sa mundo? Or baka naman siya ang hindi matino kaya di makatagal ang mga secretarya niya.

At kaya din siya tinataguan ni Mary Sue? Napabuga siya sa hangin sa naisip.

Kasalanan ba niya kung perfectionist siya sa trabaho? Naiiling nalang siya saka inisip ulit ang nangyari kanina sa Starbucks. He decided to call Luke after 2 hours.

''Eric!'' Tipid na sagot ni Luke sa telepono.

''So?''

''Anong so?''

''What happened to B?''

''B turned down the offer of Madox'' Imbentong sagot ni Luke

''Mabuti naman! There is something with that woman!'' Eric said.

''What do you mean something?''

''I don't know. I hate her!''

Tumawa si Luke sa narinig kay Eric. ''Para kang babae! I hate her ka diyan e ang ganda nun baka naman type mo!''

Eric laughed at the thought. ''No! I don't think so!'' He replied.

''Nagiba na nga pala ang taste mo sa babae. Dayzy-like na pala ang trip mo'' Humalakhak si Luke.

''What's wrong with Dayzy?'' Naisip niyang itanong.

''She's one of the F5''

''So? Diba F5 naman ang asawa mo? So pareho na tayo ng taste!'' Balik asar niya dito.

''What I meant Eric is F5 are ladies to keep. Anyway I need not to remind you. You'll eventually know what I am telling you.'' Yun ay kung totoong may relasyon nga kayo.

''Ewan ko sayo! But I am happy B is staying! Ako kasi wala na naman akong secretary!'' Pangiiba niya sa usapan.

''What?'' Humalakhang pang tanong ni Luke.

''Funny huh?''

''Ano ba kasi ginagawa mo sa mga sekretarya mo at di sila makatagal sa iyo?''

Finding Duology  Book 1- Finding Mary SueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon