Chapter 5

11.9K 478 41
                                    

Meet the new Sue( ctto Amanda Kerr)

********************************

MADOX

Nagregister sa utak ni Sue kung papaano halikan ni Kirsten si Eric. Paulit ulit itong nagrereplay sa utak niya hanggang sa huminto na ang taksing sinasakyan niya.

''Miss Nandito na tayo''

''Salamat po Manong'' Sabay abot sa 200 pesos na bayad.

''Sukli mo miss''

Hindi na pinansin ni Sue ang sinabi ng driver at naglakad na siya palapit sa gate ng bahay nila.

''Anak. Ang bilis mo yata?''

''Mommy akyat muna ako sa kwarto ko'' Sagot niya sa mommy niya.

''May nangyari ba?''

''Wala po mommy'' Sue turned her back right away.

Pagkarating sa kwarto hindi niya alam kung ano ang mararamdaman.

''Hindi mo boyfriend si Eric, Huwag kang magdrama!'' Sabi ng isang bahagi ng isip niya.

''Pero nililigawan ka diba? Tapos may girlfriend naman pala?''

Naputol ang isipin niya sa text message na nareceive niya.

''Ladybug. She's not my girlfriend! Please answer my calls.''

Tinitignan lang ni Sue ang cellphone niya, She acted  stupidly for writing that card to Eric. Bakit ba nakalimutan niya itong bawiin kanina ng umalis siya?

Di niya namalayan ay alas singko na pala ng hapon, kinatok siya ng Mommy niya sa kwarto. 

''Anak, may dinner appointment ako, anong oras ka pupunta kina Eric?''

''Di na ako pupunta mommy.''

''At bakit?''

''I saw his Gf kissing him.''

''GF? akala ko ba ikaw ang girlfriend?''

''Mommy diba sinabi ko naman sa inyo hindi?'' Inis niyang turan.

''Eh bakit affected ka?''

''Eh kasi naman mommy nanligaw sa akin recently''

''Ah,, type mo?''

''Mommy bakit ganon?''

''Anong bakit ganon?''

''He made me feel differently pagkatapos may girlfriend naman pala.''

''Anak baka naman di girlfriend?''

Tinitigan ni Sue ang mommy niya. 

''Yan din po ang sabi niya sa text.'' Sue said.

''Naman pala bakit di mo kausapin''

''I am scared Mommy, kasi baka tulad din siya ni Daddy nang iiwan.''

''Iba ang sitwasyon namin ng Daddy mo Sue.''

''Pareho silang foreigner mommy''

''May dugong foreigner  lang si Eric Sue, parang ikaw ,huwag mong gawing issue yan.''

''Ewan ko mommy, pinagkanulo ko na sarili ko sa naisulat ko sa card. Pero di ako naging handa sa nangyari kanina.''

''Ano bang sinulat mo?''

''Ah eh, wala mommy'' Napakamot si Sue sa ulo.

''Huwag ka ng magdrama. If I were you talk to him to clear things out.''

Finding Duology  Book 1- Finding Mary SueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon