Chapter 11

13.7K 654 135
                                    

Dèjà vu

**************

Eric's POV

Madami dami na ang tao sa Charity Ball at halos lahat na ay nakaupo. Nakita ko narin ang pagdating ni Madox at Yuri. Hindi na ako nagtaka kung bakit sabay sila. I looked at her, She's really different now. Iba na ang mukha niya pero kung tititigan mo siya ay parang natural sa kanya ang mukha niyang yun. ''She's still beautiful'' Nasambit ko.

Nakasuot siya ng red ball gown na bumagay sa kaputian niya. Nakataas ang buhok niya at may make up na nagpalutang lalo sa magagandang mata niya. Yun parin ang mga matang gustong gusto kong titigan noon kaya walang dudang siya nga si Sue kahit na yung matang yun nalang ang natitirang alala sa nasira niyang mukha.

Napatitig siya sa gawi ko at hindi ko alam kung bakit ramdam ko ang lungkot sa kanyang mga mata.

''Hindi kita maintindihan Mary Sue'' lihim na sambit ko saka ako lumayo sa grupo at nagtungo sa bar para kumuha ng mainom.

Pagbalik ko ay halos nakaupo na ang lahat. Hinanap ng mga mata ko si Dayzy dahil wala ito sa table namin.

''Flower'' tawag ko sa kanya

''Kanina pa kita hinahanap, nandito kalang pala'' dugtong kong sabi pagkakita ko sa kanya sa table nila Matt

''Hindi ko na kasi nakita si Kaye kaya dito na ako napadpad.'' Sagot naman niya.

''Tara na sa table natin mag start na ang silent auctions mamya'' anyaya ko

Tumango siya at nagpaalam na kami sa grupo.

''Nakita mo ba si Madox?'' Mamya ay bulong niya sa akin.

''Yes'' Simpleng sagot ko

''Ang ganda niya!''

''I Know''

''huy ano ka ba? Wala ka bang balak kausapin?''

''Dayz, she left me without any explanations whatsoever''

''Nadisgrasya kaya siya Eric''

''Dayz, do you think in that 10 years di niya naisip magsabi ng mga nangyari sa kanya?''

''Maybe she has her reasons, hindi mo naman malalaman yan kung di mo siya tatanungin''

''I have had enough in that 10 years Dayz. Nakabalik na siya at lahat pero ano? May sinabi ba siya sa pagkatao niya? Di ba wala naman? She had all the time and chances to approach me but she didn't want to do it. Hindi ako ang lalapit sa kanya para bukingin ang pagkatao niya''

''Kung ayaw niyang magsalita then so be it.. Natanggap ko ng wala siya.''

''Wehh''

**************

Natawa naman si Eric sa sinabi ni Dayzy ang he stared at Madox over the table adjacent to them. Naguusap sila ni Yuri but she stared back to him.

Nagkatinginan sila...matagal.

**************

Madox' POV

I caught Eric staring at me. Nakipagtagisan ako ng tingin. Hindi ko mawari ang pinapahatid ng mga mata niya. His stares were cold. Napabuntong hininga nalang ako nang makita kong may galit din sa mga ito.

''Hey'' Untag sa akin ni Yuri kaya naman napunta sa kanya ang tingin ko.

''Hmmn?''

''You are again staring at him, baka matunaw na siya, masapak ka ni Dayzy'' Biro nito sa akin.

Finding Duology  Book 1- Finding Mary SueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon