Ang Pang-Limampu't Lima

Start from the beginning
                                    

Alam ko sa sarili kong lalabas din kami sa silid na ito at haharap sa mundo. Nagpapasalamat na lamang ako sa kung anong pwersa mang nakaharap dahil nabigyan pa ako ng panahon para rito. A good, surreal kind of memory I would never regret.

Still biting my lips, I smiled a little. I kissed his forehead back and smiled at him more.

Tanghali na noong bumangon kami. Medyo masakit pa rin ang katawan ko. Si Ram na ang nag-ayos ng kama at nagluto ng pagkain namin. Pagkatapos noon ay iniwan niya ako sa bathtub na siya rin ang nagtimpla, maya't mayang nagdadala ng dessert.

"Oh my fucking god, Chrissy? You're not joking? I can't believe you right now!" Ramona's screech bounced on the tiled walls of my bathroom.

"So believe me already! Kasama ko sila kagabi at mukhang walang nagtatanggi. Go on, search 'Carlos Lopez' on Google and Instagram at sabihin mo sa akin ang resulta." Sumubo ng slice ng strawberry at kaunting yogurt.

Napangiti ako habang kumakain. Tinitingnan ko ang mga nahiwang strawberries, blueberries at kiwi na si Ram ang nag-prepare. Nagpadala iyon ng damit kanina sa sekretarya, hindi ko naman alam na marami pang kasamang kung anu-ano.

"I swear if this is a prank, Chrissy, isusumbong kita kay Tito Niklaus. He's been hounding me! Care to make a phone call? Maawa ka naman kay Gov at mukhang puputi na lahat ang buhok, Chrissy!"

Humalakhak ako. Na-guilty rin ako pero kapag ginawa ko iyon ay baka hindi na ako nadiretso ritong Manila. Alam ni Papa na nakikinig ako sa kaniya. He'd advice against it and he's right. But sometimes, I gotta have my own decision.

"Relax, dear Ramona. Nagkausap na kami kanina. Nagalit nga siya but he'll understand." 

"Alright. If that's what you want, pero baka naman iba ang pakay mo riyan sa Manila? Not the reunion but to meet with your ex," matunog niyang pahayag.

I almost got choked. I still haven't told her what happened. Iyong nangyari sa resort hotel, at dito sa aking condo. Kapag nagkausap na siguro si Beth at Ramona ay tiyak na magdadaldal na iyong si Sister Beth para makaganti!

"Huh?" I feigned innocence.

"I'm not a fool and I know you. I smell a different MO," halakhak niya.

Ang totoo ay pumayag ako sa invite ni Yllana dahil una ay gusto ko siyang makita at kamustahin. Pangalawa, gusto kong patunayan sa sarili ko na kaya ko nang humarap sa mga Alejandre. At pangatlo at pinaka significant, inaabangan ko ang pagdalo ni Ram.

I was somehow expecting him. Deep in my heart, I felt that he's not telling me something. A woman instinct. Naniniwala akong mali ako ng iniisip pero pinatunayan niyang tama nga ako. Naloko nanaman ako at mukhang impossible pero, heto nanaman ako, nakasugal.

Malayang nakasugal, at sa huling pagkakataon ay tatayang muli. Tingnan natin kung sa panahong ito ay mamaliin naman ako ni Ram. I was giving him this one last chance.

"We will be there soon, Mona. Baka bukas o sa isang araw. And when we do, we're gonna have a long conversation. Take care of Papa for me," paalam ko pagkatapos naming mag-usap ni Ramona sa loob ng kalahating oras.

I closed my eyes and slid down a bit. Kumakanta ang isang sikat na artist sa aking telepono habang nilalaro ko ng aking mga daliri ang rose petals. How cute. Makes me want to stay here a bit longer.

Ilang minutos makalipas ay narinig ko ang tatlong pagkatok sa nakabukas na pinto.

"You done? Its been almost an hour..." Ram leaned on the door frame, wearing a casual long sleeves rolled to his elbow, jeans and leather shoes. 

Napanguso ako as I shamelessly checked him out. His bulging biceps and muscled thighs wrecked my perverse mind. Walang hustisya ang mga iyon sa akin kagabi.

The PristineWhere stories live. Discover now