Twenty-ninth Chapter - Congratulations!

3.6K 166 56
                                    

Happy 40K reads!! Wala nang mas o-awesome pa sa inyo!! Woohoo. <3

**

----------------LOCKER246-----------------

Howcan you be so stupid to make yourself believe that someone like "you" could have a "happy ending"?

And how can you be so naive not to feel that everything's too good to be real?

Now you're hurt, and there's no one else to blame for it but your stupid self.

Chapter 29

One week later...

Mico's POV

Lunch break. Maraming estudyante ang kasabay kong naglalakad papuntang cafeteria. Ang iba sa kanila'y nagtatawanan, nagkekwentuhan, meron namang tahimik lang, at meron ding pailan-ilang tumitingin sakin pagkatapos ay bubulong sa hangin.

Masyado akong preoccupied para intindihin pa sila.

Kasing ingay at gulo ngayon ng cafeteria ang utak at puso ko.

Pumwesto ako sa isang bakanteng table sa kasuluk-sulukan na napapatungan pa ng mga pinagkainang hindi nakuhang iligpit nung sinumang mga nagsikain.

Inikot ko yung paningin ko sa buong paligid, umaasang makikita siya.

Ngunit tulad nitong mga nakaraang araw, nabigo akong muli.

Dinukot ko mula sa bulsa ng slacks ko yung cp ko at muling sinubukang i-dial ang number niya. Gaya ng dati ay ang pamilyar na boses ng babae ang narinig ko sa kabilang linya na nagsasabing out of coverage area ang taong kinokontak ko.

"I told you, everything was nothing but a rumor." bulong ng isang babae sa kasama niya nang dumaan sila sa harap ko. Nakatingin sila sakin na nakataas pa ang isang kilay, kaya alam kong ako yung pinag-uusapan nila.

"Why would he date such person nga naman, right?" answered the other girl as she rolled her eyes at me.

Napayuko na lang ako at nagpanggap na hindi sila narinig, which is something I have already been doing for a week now.
Sa loob ng isang linggong lumipas, hindi ko pa ulit nakikita o nakakausap man lang si Tyrone.

Yung huling beses ko siyang nakita at nakasama ay nung kumain kami ng sundae sa isang convenience store. After that night, wala na, para siyang bulang bigla na lang pumutok at naglaho.

Hindi ko pa rin siya nakikita dito sa university. Palagi akong pumupunta sa gym, nagbabakasakaling makikita siya dun, pero sabi ng teammates niya ay hindi daw umaattend ng training nila si Tyrone. I asked Jet for the reason pero hindi niya sinasagot ang tanong ko. Tingin ko nga ay iniiwasan niya ako.

Ewan ko pero yun yung pakiramdam ko.

I know that there really is something wrong.

I send him texts everyday, but never did he reply to any of them.

Ito na ba yung part na nagising na ako sa isang napakagandang panaginip? If so, I shouldn't have woken at all.

Pero hindi. Pumunta ako sa inbox ng cp ko at muling binalikan yung huli niyang texts sakin na nagpapatunay na totoong nangyari ang lahat, that everything's more than just a beautiful dream.

Tyrone Pogi - Hindi ko na naman naiwasang mapangiti nang mabasa yung pangalan niyang siya mismo ang nagsave sa cp ko.

I continued reading through our conversation..(Ito yung conversation nila habang nagdadrive si Tyrone pauwi sa kanila the night they ate sundae in the convenience store.)

Locker 246Where stories live. Discover now