Second Chapter - Rude Boys

5.6K 219 8
                                    


Chapter 2

"Sinusundan mo ba ako?!" Tanong niya. Para na nga siyang accusation dahil sa tono ng pagkakatanong niya, eh. Naginose-inosentehan ako at tiningnan siya na parang hindi magets yung sinasabi niya.

"Hindi. Tatanungin lang sana kita kung pwedeng makishare ng table kasi as you can see, this seat beside you is the only vacant seat right now. But ngayon ko lang naisip na hindi ko na pala kailangan pang tanungin ka because hindi naman sayo yang upuan." Umupo na ako sa tabi niya bago siya tingnan ulit. "Pwede ka nang matulog ulit." Hindi ko alam kung paanong hindi man lang ako nautal habang kausap ko siya pero habang magkatabi kami ngayon at magkatitigan, napapalunok na lang ako ng laway. At yung panginginig ng mga tuhod ko, grabe.

"Daming sinabi. Psh. Teka, bakla ka ba?" Halos mabilaukan ako kahit wala naman akong kinakain dahil sa tinuran niya.

"H-Ha? B-Bakit mo tinatanong?"

"Obvious naman, eh." He answered and smiled sheepishly. When he did that, I thought I was gonna have a heart attack. I could feel my cheeks burning.

"Langya. Nag-blush pa. Di ako pumapatol sa bakla." Alam ko naman yun kaya di mo na kailangan pang sabihin.

"Alam mo, hindi mo na kailangan pang itanong ang mga bagay na obvious naman pala ang sagot." ani ko. Hindi ako naiinis, yung pagkakasabi ko nito sa kanya eh kalmado at parang nangangaral na pari lang. "A-At hindi ako nag-blush. M-Mainit lang sa labas." pahabol ko pa.

"La kong pakialam. Matutulog na ko wag ka nang magsalita. Wag ka ring didikit sakin baka hawaan mo ako ng kabaklaan mo." Hindi ko na lang pinansin yung mga sinabi niya, sa halip ay sinimulan ko na yung designs ko.

After a few minutes, hindi pa rin ako makapagconcentrate. Nakaside kasi yung ulo niya sa direksyon ko at talagang nakakapagpabagabag yun. Ang pupula ng mga labi niya na parang ang lambut-lambot. Nakakatempt hawakan. Buti na lang at nangawit na siya kaya sa kabila naman siya humarap. Grabe ang lakas at bilis ng tibok ng puso ko. Dati okay na sakin ang makita lang siya pero ngayon, nakausap ko na siya(though hindi ganun katino ang naging conversation namin).

Gayunpaman, sobrang saya ko dahil dun. At least, nanotice niya rin yung presensiya ko, na hindi pala ako invisible para sa kanya, at nage-exist rin pala ako sa mundong mayron siya.

At ngayon, magkatabi kami, abot-kamay ko na siya.

'How I wish na sana mas humaba ang lunch break namin.'

Ginawa ko nalang abala ang sarili ko sa pagfofocus nang napansin kong may papalapit na librarian sa direksyon namin. Nagdalawang isip ako kung gigisingin ko ba si Tyrone. Baka kasi magalit siya sakin kapag ginawa ko yun. Pero dahil mas mapapasama siya pag nahuli siyang natutulog nung librarian, kinalabit ko na siya nang kinalabit hanggang sa mairita siya at magising pero nang mapansin niya kung bakit ko siya ginising ay nawala nang kaunti yung bakas ng pagkairita sa ever good-looking niyang mukha.

Nakalagpas na sa table namin yung librarian. Napansin kong nakatingin siya sa ginagawa kong design kaya tiningnan ko siya at tinanong.

"Bakit?" Napansin kong namumula yung mga mata niya at medyo magulo yung buhok niya na halata mong bagong gising.

Kumunot lang ang noo niya kasabay ng pagsalubong ng mga kilay niya na parang sinasabi niya na 'Anong bakit', na ang punctuation ay hindi question mark kundi exclamation point, lima.

"Bakit ka nakatingin?" Pagtatanong ko ulit.

"Bakit? Kailangan ba kapag tinitingnan ka may dahilan? Ano ka, chix?" Sabi ko nga....

Locker 246Where stories live. Discover now