Eighth Chapter - Y so stubborn, Mr. Gangster

4.6K 172 4
                                    

Chapter 8

Y so stubborn, Mr. Gangster?

Mico's P.O.V.

"B-Bakit mo b-ba tinatanong yan? A-Anong pakialam mo?" I started to lose my composure.

"Psh. Pachicks talaga. Sumagot ka na nga lang! Yes or no lang di pa makasagot."

Aba tingnan mo itong lalaking ito! Napaka talaga.

"That's none of your business!"

"Bahala ka nga! Ang arte mo!!" Humiga ukit siya sa kama niya. Talaga naman!!

"Hello, Mr. Rivera?" Pagkasabing-pagkasabi ko nun eh nagulat ako nang agawin niya mula sa kamay ko yung cp ko. Paano siya nakakilos nang ganun kabilis?

'Ninja ba siya?'

"Hello da--" Kakausapin niya sana ang daddy niya pero pagtingin niya sa cp ko, wala namang on-going call. Yung noo niya ay nagsimula na namang kumunot pagkuwa'y isang matalim na tingin ang ibinaling niya sa akin.

I just crossed my arms and looked at him sternly. And I don't know how I was able to do that.

"So...kukunin mo na ba ang mga gamit mo?" Nanatili siyang walang imik. Aba matigas ka talaga, huh?

Dinukot ko sa bulsa ng bag ko yung isa ko pang cp na mumurahin lang naman na ikinataranta niya. Ha! Hindi niya siguro inexpect na meron akong dalawang cellphones.

"Eto na nga! Kukunin ko na!" Boom! Haha.

Sinundan ko ng tingin ang paglalakad niya papunta sa isang couch at nakita ko nga dun ang bag niya.

"Kukunin din pala ang dami pang kaartehan." Sinadya kong iparinig sa kanya yan para inisin siya. Ang cute-cute niya kasi kapag naiinis.

Pansin ko lang sa sarili ko, parang nahahawa na ako sa ugali nitong taong ito.

Kinuha niya yung bag at naglakad pabalik sa akin. Nagulat ako at hindi ko inasahang ihahagis niya ito sa akin kaya hindi ko na ito nagawang saluhin pa at sa mukha ko ito tumama.

"Aw!" ang daing ko habang nakapikit na hinihimas ang ilong ko. Kasunod nun ay ang malakas niyang paghalakhak na ikinadilat ko.

"BWAHAHAHHAHHHAHAAHAHA!!" Aba loko-loko to, ah! Dapat niya bang ikatawa yung ginawa niya? Mabuti sana kung unan lang yung inihagis niya, eh. Feeling ko nga hollow block ang tumama sa mukha ko, eh.

"Sinadya mo yun nuh?!!" sabi ko habang tunuturo siya. Tumigil siya sa paghalakhak at ipinakita ang kanyang innocent look.

"Pano kung sabihin kong 'oo'?" Ngumuso pa siya na parang nang-aasar.

"Bakit mo naman biglang hinagis?!!"

"Sabi mo kunin ko. Edi kinuha ko."

"Ang sakit-sakit kaya! Ikaw kaya hagisan ko nun sa mukha?!"

"Kasalanan ko bang lalambut-lambut ka at para yun lang di mo pa nagawang saluhin?!" I just rolled my eyes at him at padabog na dinampot sa sahig ang bag niya. Wala ring sense kung makikipagtalo pa ako sa kanya.

Tinalikuran ko na siya at umupo sa harap ng study table niya kung saan ipinatong ko ang kanyang bag. Nang lingunin ko siya, yung mukha niya eh parang nagpipigil ng tawa. Psh. Pang-asar talaga.

Again, I just rolled my eyes at binuksan na ang kanyang bag at inilabas ang mga laman nito.

'Humanda siya kapag ako nakaganti sa kanya!'

Para akong timang na lipat nang lipat ng page sa notebook niya at naghahanap ng mga notes, pagtingin ko sa likod ng notebook niya, doon ako nakakita ng mga sulat at isa-isa ko itong binasa sa isipan ko.

Locker 246Where stories live. Discover now