she and her dream guy

19 1 1
                                    

The classes returned. Same shits to deal with; like school works, sched, pa-major profs, some annoying classmates, yung tipong kahit senior na parang elem or junior pa din kumilos. Then, traffic, climate change and etc. I didn't miss school! Anyway, next week na pala 'yung birthday ng sister ni Dean. Hmmm.. Anong regalong bibilhin ko? And speaking of, di ko na pala siya nakikita.

Naah, ano nga bang pakialam ko.

Dahil school days na, ibabalik ko na din yung social media accounts ko for communication. Hanep, para namang ang famous ng datingan ng pagkakasabi ko! Pero seriously, I'm really moving on with my life. Besides, napakahirap makipag-communicate ngayon kahit sabihin na we have all the technologies. Ewan.

"Kaaate.. sige na naman oh!" Pagpilit sa akin ni Cami. "Gawan mo na ako ng essay sa 21st lit namin, pleaaase? Ililibre kita ng ice cream cake? Or gusto mo padalhan kita ng latest album ng EXO? Or baka BTS hanap mo? Madaming album sa Japan. Or sandamakmak na sushi? Alam kong favorite mo 'yung gawa ni mama! Ano? Ano? Ano?" Dagdag niya pa.

Nasa gym kami dahil same sched ang P.E namin. Eh, 'di naman ako mahilig sa Kpop, si Jenina yung addict doon. Sa K-drama pwede pa. Well, Song Joong Ki is my bae! 'Yung ice cream cake and sushi parang gusto ko din..

"Alam mong ayaw kitang tinotolerate sa ganyan e. Pero sige, call ako dun sa ice cream cake. Next time na lang 'yung sushi. Anyway, tungkol saan ba and kailan?" I replied.

Sinabi niya sakin yung details and when to be submitted. Next week pa pala.. ang tagal pa naman pala e. Why hurry? Ako kasi medyo procrastinating type.

"Bes, ang aga mo naman mamilit. Next week pa pala.. at talagang kay Kate mo agad dineretso, di ka man lang magtry? Kaloka bessy," Jen butted in.

"Beshie alam ko namang magaling ka dito e. Forte mo kaya yung writing. Hello! And also, mas magandang sabihan kita ng maaga para prepared ka. Three pages kasi dapat. 12 font size," baling niya sa akin. And by that, she smiled wryly. Abaaaaaa't naisahan ako!

"Hoy ikaw hapon ha! Dahil dyan dagdagan mo ng sushi yang kapalit," napailing nalang ako. But okay lang naman sa akin because I'm willing to help her kahit pa free. Pero siya rin naman itong nagpresentang may kapalit. *winks.

------

One week later.

Nahirapan akong magsulat for her effin' essay. Pahirap naman yung prof nila dun. Reaction paper about the works of Leo Tolstoy pa. Kung hindi ko lang mahal itong si Cami at syempre kung hindi lang para sa food eh..

"Kate spade! Got a news for ya!" Jenina rushed.

"What is it? I bet about boys, huh?" With a lopsoded smile, I asked.

"You know me so well," she declared with an all-knowing smile.

"Kidding. Kasi I'm excited for the happenings later. After this lunch, may practice game ang school natin vs. DLU! And I know, you know too that maraming cuties there. So excited~ kyaaaa~" niyugyog niya pa ako at muntikan ng magsilaglagan ang mga libro ko. Itong si Jenina 'di mo aakalaing may fangirl side.

"Talaga? Yes! Wala tayong class nun. So makakapag hunting tayo. Yey! Si Cami nga pala?" Syempre, gusto ko din ng vitamin to the eyes.

"Ayun, kinakausap yung ibang profs niya. Umabsent kasi ng tatlong araw e. Pag tinatanong kung bakit, ayaw pa sabihin ang dahilan. Hays..."

Pumila kami sa stall na nagbebenta ng fries and drinks in a cup.

"Kapag ready na naman siguro siya ay sasabihin niya na satin. Let's just wait nalang and respect her decision," I said habang papalapit na akong umorder.

"Yeah, right. I just hope that everything is fine," Jen agreed.

Pagkatapos namin makaorder ay dumaan muna ako sa locker para iwan ang ilang gamit. Doon palang ay dinig na dinig ko na ang tungkol sa laban mamaya.

Ang makakalaban kasi ng school namin mamaya ay Divine Light University. Sila ang champion last year at 3rd place lang kami. Wala naman gaanong tensyon sa pagitan nila. Actually, mas intense kapag DLU vs. St. Mary's ang tapatan. Sila naman kasi ang 2nd place. But since 3rd kami, and champion ang makakalaban it made a big deal.

Dumiretso na kami sa bleachers after. Dun kami sa middle part para ayos ang view. Malabo na rin kaming mataamaan ng bola. Safe.

Ginawa na namin ang mission, naging "hunters" na kami at nanghunting ng mga gwapings. Si Jenina ay palinga-linga. Buti nalang at hindi kami halata. Innocent looks e.

Mag-iistart na ang game. Isa-isang pumasok ang players ng BU. Naalala ko dati ay walang mintis ang panunuod ko sa laban nila. Varsity kasi dati si Dean. Ngunit sa hindi ko malamang dahilan, nawala na lang siya. Kaya di na rin ako masyadong nanunuod.

Ang daming nagchicheer, ang ingay. Iba talaga kapag homecourt. Lalo pang nagwala nang tinawag ang starplayer ng team bilang pinaka last.

"94, Tanner Seigfreid!"

And the crowd went wild!!! Grabe talaga epekto nitong si Tanner. Inaamin ko pati ako kinikilig sa kanya... noong una. Nalaman ko kasi last family reunion, when I'm just a freshie, na pinsan ko pala siya.. silang dalawa lang ng kambal niya ang di ko nakilala sa aming magpipinsan. Doon kasi sila tumira sa US dahil nagkahidwaan ang lola ko at si Tita Leng- their mother, dahil tutol siya noon sa pagmamahalan ni tita at uncle.

Lately lang silang lahat nagreconcile. Grabe. May magandang lahi pala kami. Kebs! Ang pogi naman kasi.. mabait pa at napaka-gentleman. Best sister that they never had nga daw ako. Bongga diba? Pero minsan lang kami magkita sa school ni Tanner. Graduating na kasi siya and busy sa varsity and sidelines. Yung twin niya naman, somewhere in the Philippines lang daw. May sapak yun e. Ayaw magpahanap. Pero di naman napuputol ang communication namin sa kanya.

Eto na naman si Jenina, sobrang kinikilig. Crush na crush niya si Tanner una palang. Nung nalaman ni Jen na pinsan ko siya, sa akin na niya tinatanong ang mga favorites ni Tan. Minsan pa nga ay nagluto siya sa bahay ng adobo at tinyempuhan namin na bibisita si Tanner para matikman ang favorite ulam niya. I can clearly remember, sobrang saya niya nun.

"Kate, wala pa bang girlfriend si Tanner?" She asked habang di parin inaalis ang tingin sa pinsan ko.

"Sa pagkakaalam ko, wala. Crush lang, si Miranda Kerr and Kendall Jenner," natawa ako. 

"Seriously, I have already asked that before and he said that he'll wait for the right time. He can't handle all the pressure pa. Gusto niya daw na kapag stable na siya," I simply told her at nilingon na niya ako. Her face flushed in pink.

"Pinapaasa moko! Pa-fall ka! Bakit ang bait niya! Ayan, kinikilig lalo akoooo!" Pinaghahampas niya ako.

"Papasa na siguro ako sa level niya.. I'm tall, my skin is fair, I'm skinny, pero mapapayat din naman sina Miranda and Kendall-- so, pwede na.  I got long wavy locks, and I'm pretty naman diba? OMG! Kateee!! Bantayan mo si Tannyboyyyy! My dream guy! Ilayo mo siya sa mga karibal ko ha.."

Ibinalik na niya ulit ang titig niya kay Tanner. Tawa nalang ang naisagot ko. Hay nako, si Tan lang talaga ang pakana niya dito eh.

Tinawag na rin ang mga players ng kabila. Binasa ko ang mga apelyido sa jersey nila. Santos, Wenceslao, Tiquia, Kagami at Saavedra. Wow. Ang dami din ng fans nila. Naghakot siguro  'to. Pero kahit mga taga-BU na babae ay napahiyaw din sa kanila. Kinakausap na ang dalawang team ng coach nila. At hayan! Magsisimula na!

"Go BU Falcons!" sigaw ko.

**

A/N: HI LOVES! HOW ARE YOU DOING? I HOPE YOU GUYS ARE HAVING THE BEST DAYS! SORRY FOR MAKING YOU WAIT FOR SUCH A LOOOOOOONG TIME. I KNOW, KAINIS AKO. PERO I'M BACK AT THIS AGAIN AND DONCHU WORRY BECAUSE HINDI NA ULIT GANITO KABAGAL ANG UD NI ATEGURL NIYO. SANA SUPPORT NIYO PA RIN AKO. :) YOU GUYS ARE MY INSPIRATION TO KEEP ON WRITING. PLEASE VOTE! ❤ PLEASE PLEASE PLEASE? AND FEEL FREE TO COMMENT! 'WAG NAMAN TAYONG MASYADONG SILENT. HIHI

THAT'S ALL FOR NOW. MEDYO FILLER-ISH YUNG UPDATE PERO GET READY FOR THE TWIST. THANK YOU FOR READING!

I LOOOOOOVE YOU SO BAD PEEPS!

PS. WHO'S A FAN OF LANY?

Story To Tell #Wattys2016Where stories live. Discover now