Break Free

50 12 8
                                    

Saan nga ba nagsimula ang lahat?

Bakit kaya ang OA ng feeling ko pagdating sa kanya?

Let me tell you a story of unrequited broken heart. Wala kasi akong magawa eh, nakatunganga lang sa kwarto..

Nagsimula ang lahat noong grade 9. I was a transferee back then at iilan lang ang kakilala ko dahil sa naging dating classmates ko noong elem. I was just a nobody. Dumagdag pa ang mga bakas ng bulutong  sa aking mukha noon na inakala ng lahat na pimples ko daw..

My self-esteem was dropped lowly. I've got few friends from my section and from the other one. At doon ko siya nakita.

It was flag ceremony nang nagmamadali akong humabol sa pila at sa di inaasahan, nakasabay ko siya. Unang kita ko palang sa kanya ay nagustuhan ko na siya. Matangkad at gwapo, ang agad kong napansin sa kanya. Kahit na napagsabihan ako ng prefect noon, masaya ako.

Sa pangalawang pagkakataon, hindi na namang sinasadya na mahuli ako ng pasok at nagkasabay na naman kami. Problema ko naman na talaga noon pa ang ma-late.. Hanggang sa umabot ng pangatlong beses. Naparusahan na talaga kami na maglinis, kabilang ang iba pang nahuli kagaya namin.. at kung sinuswerte nga naman ako, kami pa ang ginawang pair sa paglilinis ng dalawang grade 9 rooms.

We already know each other. Alam namin ang pangngalan ng isa't isa dahil sa common friends. Isa pa ay sikat siya sa school dahil sa galing niya sa pagiging soccer player. Hindi kami masyadong nakapag-usap. Just non-sensical yadda yadda.

Ano nga naman ang inaasahan ko? Pero napag-alaman ko na crush niya pala si Emma Stone dahil sa picture na nakadikit sa desk nito. That tiny moment gave me the feeling of being overjoyed because I discovered something new to him.

Ngunit hindi na naulit ang pag-uusap namin. Nakabibigo mang isipin, alam ko naman na malayo ang mundo namin mula sa isa't isa. Dumating ang Buwan ng Wika, maglalaban ang bawat section ng sayaw. Sa junior high, sila ang mahigpit naming kalaban ngunit matalik naming kaibigan.

Nang matapos silang magperform, bigo ako na hindi ko man lang siya nakitang sumayaw dahil sa propsman pala siya. Then, its our turn. Kinailangan namin ng tulong ng iilang lalaki galing sa kanila para sa props.. sumalang na kami sa stage at nang malapit na ang parte ko, agad akong kumilos upang sindihan ang kandila sa baso.

This one holds a special place in my heart. Though sobrang embarassing!

I was having a hard time na panatiliin ang apoy sa kandila. Hindi ko napansin ay nasa tapat ko pala siya nakaupo at nag-aantabay kung kailan tutulong sa props. Mas lalo akong nataranta! Malapit na talaga ako sumasayaw at malapit lang din siya sa akin! My mind wasn't properly working. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko ngunit bigla ko nalang isinaklob ang baso sa isa pang baso. Dahil dun, talagang namatay ang apoy! Ang tanga ko! Natawa lang siya.

Natawa siya! Nung oras na iyon, ay kahit hiyang hiya ako sa katangahang nagawa ko ay proud ako because I freakin' made him laugh! Because it seemed like I'm in a magical trance, narinig ko ngunit hindi ko na naintindihan ang kanyang sinabi. Nakadalawang ulit pa siya para maintindihan ko ang gagawin upang mapaapoy ang kandila.

Naging matagumpay ang aming pagtatanghal dahil nanalo kami. Gayon din sila bilang 1st runner up. Noong hapon naman ay lakan at lakambini kung saan isa siya sa mga candidates kaya't nanuod talaga ako at pasimple siyang sinuportahan.

Iyon na ang huli naming pag-uusap. Sa tuwing makikita ko siya ay tumatango o ngiti na lamang. Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon upang malapitan siya ulit dahil naging abala na ang lahat sa school works.

Kahit noong Christmas party ay hindi man lang niya ako nakasayaw, mabuti pa ang ibang babae. At nang mabalitaan ko na may nakaka-chat daw ito na babae mula sa isa pang section ay sumakit ang puso ko. Napansin kong talagang malapit na sila sa isa't isa at bagay din naman sila. Parang napanghinaan ako ng loob at sino nga ba naman ako? Kahit kuminis ang aking balat, I know wala pa rin ako sa kanya.

Story To Tell #Wattys2016Where stories live. Discover now