The entry

172 46 38
                                    

"Entry no. 44 /Feb. 13, 20**

It was a long, tiring day. "

Pasimula ko sa video diary na ginagawa ko.

Why Am I making this? Well, instead of using a journal or some notebooks, video nalang. Nakakatamad kasi magsulat e. I'm not a dying person. Gusto ko lang talaga gumawa. I started this last New year. Bale, last month lang.

"Bukas na pala yung Valentines day. Sighs, marami na namang pa-sweet na nakakalat. Kaming singlemakikinood nalang. Hindi ako bitter person pero di ko maiwasang hindi maging bitter kapag nakakakita ako ng mga couples na too cheesy. Ugh. Idagdag pa yung mga kung anong anik-anik na tinitinda for their partners. Kanina nga, nasa mall kasi ako. Bumili ng gagamitin ko para sa trip ko. Yung trip ko kasi ngayon, Paper cranes. I'll fold a hundred paper cranes. O diba? Ang cool. Naglalakad na ako papuntang exit pero hinatak ako nung ale sa stall niya. "

Naalala ko tuloy yung pangyayari kanina.

"Miss, bili ka na sakin dali. Bigay mo 'to sa boypren mo. Naka-sale na yan! Sige na! Marami ka pang mapamimilian oh? Daliii!"

"Ah, ale kasi wala po akong boyfriend. Sige alis na ho ako."

"Weh? Di nga? Sa ganda mong iyan? Imposible."

"Pinipilit akong bentahan nung ale. Sinabi ko nga na wala akong boyfriend pero di siya makapaniwala. Aalis na sana ako pero ayaw niya parin umawat. "

"Siguro binabasted mo lahat ng manliligaw sayo? Tsk."

Totoo yun. Di nalang ako umimik. At nginitian ko na siya. Hinayaan ko na lamang siya magsalita.

"I'm tryin' to be nice. Kaya kahit kinukulit niya ako ay dinadaan ko nalang sa pagngiti. Ewan ko nalang kung mahahalata niya yung fake smile ko. Diba, I'm always good at hiding my true feelings? Hahaha!"

"Hay nako iha. Di ko alam kung sadyang mapili ka o masyado ka lang mahigpit sa sarili mo. Pero alam ko na alam mo ang limitasyon mo para sa edad mo...  Kaya kung ako sayo, payo lang iha. Habang bata ka pa, lubusin mo na ang pagkakataon, ang oras, ang tsansa. Kaya ika nga nila, jas go wid da plow."

Habang sinasabi iyon ng ale, nakahawak sa kamay ko ang kamay niya. Tinapik niya pa nga ang balikat ko pagkatapos. Na para bang kinokomfort o ina-assure ako.

"Pero di mawala sa isip ko yung huling sinabi niya saken. This is the exact . 'Hay nako iha. Di ko alam kung sadyang mapili ka o masyado ka lang mahigpit sa sarili mo. Pero alam kong alam mo naman ang limitasyon mo para sa edad mo.  Payo lang iha. Habang bata ka pa, lubusin mo na ang pagkakataon, ang oras, ang tsansa. Kaya ika nga nila, just go with the flow'."

"Ewan sa kinahaba-haba ng sinabi niya, nakabisado ko. Tumatak kaagad sa isipan ko. Kung sana ganyan din 'yung nangyayari kapag naglelesson iyong prof ko, edi mas maganda. Hahaha"

"Am I being hard to myself? Pinoprotektahan ko lang naman yung sarili ko. Sa dami ng manloloko diyan. Isa pa, I know my priorities. Pero may point din siya. Ah basta. Bahala na si deadpool. Joke! Bahala na lang talaga."

"I'll end this video na. I need to sleep kasi sure ako ubos energy and dagdag stress bukas. Haaay... I'm getting bitter right? Hah. Bye!"

I turned off the power button of my video cam. At sinara ito. Inayos ko muna yung bedsheet tapos nagdasal na ako and I went to sleep.

---------

Euphoria's  note :

All italicized words and phrases are what Kate said during her video. Iyon ay yung kwento niya. The rest, is nasa isip niya lang. Just to be clear. Incase na some of  you ay maguluhan. Thank you!

Ps.
Votes and comments are very much appreciated. Thank you for the support! Ajaaa~! Ily

Story To Tell #Wattys2016Where stories live. Discover now