[31] First Date. First Fight.

387K 3.6K 1K
                                    

Chapter 31 100STTHH

Hope's POV

"Hope ano ba! Ang tagal mo sa banyo! Ihing ihi na ako!" Sigaw ni Ate.

"Teka lang! Patapos na!" Konting ayos lang at lumabas na nga ako.

"HAHAHAHAHAHAHA!" Tawang tawa naman si Ate. Badtrip!

"Ano na naman?!"

"Saan ang monkey business natin? Kailan ka pa naging clown?"

Napahawak naman ako sa mukha lko! At tumawa na naman si Ate. Badtrip talaga 'to.

"Halika nga dito! Make up ba ang ginagawa mo? Tsk. Ang kapal ng lipstick mo pati ng blush on mo! Kailan pa naging red ang favorite color mo?"

"Ate, hindi ako nagmamakeup."

"Bakit ba?"

"A-Ano.. Ka-Kasi.."

"MAY DATE KA?!" Parang wala naman akong nasabi! Bakit ba kilalang kilala ako ng ate ko?! "KANINO?"

"Hindi naman kasi date? Pero parang na din... Kay Enzo."

"KAY ENZO?!"

Aray! Ang lakas sumigaw!

Bigla naman akong kinaladkad ni Ate sa kwarto niyang puro purple!

"Akin na yang mukha mo. Minsan ko lang gawin 'to pero alam kong minsan lang din yang dream 'date' mo kay Enzo kaya halika. Mamakeupan kita."

Ang OA naman ni Ate! Magkikita lang naman kami--LOL WHAT AM I SAYING?! Go Ate pagandahin mo ako! Minsan lang 'to!

Ayun nga, may nilabas siyang kung ano ano at after 15 minutes, wow! Nagmukha akong tao! Nagpaalam ako kay Ate at Lola at dumeretso na sa school. Pagdating sa school may mga tumitingin sa akin. Kaloka! Nagmake up lang ng konti!

Naghintay lang ako sa may bench sa tabi ng guard at maya maya..

May dumating na kotse at mula doon ay lumabas ang isang napakagwapong lalaki na nakasuot ng red na shirt at brown na shorts. Sobrang casual niya pero bakit ang gwapo pa din niya?!

"Wow, Hope." Bati niya sa akin. Nagblush tuloy ako. "You look pretty." At patuloy niya akong tinitigan.

100 Steps To His Heart [Published Book]Where stories live. Discover now