Chapter 37: Change of Hearts Part 2

216K 4.4K 241
                                    

RATED SPG! NOT FOR MINORS! PLEASE SKIP THIS CHAPTER IF YOU'RE SENSITIVE WITH THIS "THING"

ALEXIA's POV

Pinapasok ko si Vince sa bahay. May problema ba siya? Gabing-gabi na naisipan pa niyang puntahan ako.

"Coffee?" alok ko sa kanya.

Umiling siya sa'kin. Pakiramdam ko may mali sa kanya. May gusto ba siyang sabihin sa'kin?

"Upo ka muna," sabi ko. Mabuti na lang nauna akong dumating sa kanya dito. Hinayaan ko na munang mag-isa si Lee sa unit niya. Bukas ko na lang siya kakausapin para ipaliwanag sa'kin lahat.

Nanatiling nakatayo si Vince at nakatingin lang sa'kin na ipinagtaka ko. Tila malalim ang iniisip niya. Lumapit ako sa kanya.

"May problema ba?" takang tanong ko sa kanya. Hinila niya ako para yakapin. Nabigla ako pero gumanti ako ng yakap sa kanya. Nanatiling tahimik si Vince. Naghihintay naman ako na magsalita siya. Mahigpit ang yakap niya na nakapagtataka. Tila ayaw akong pakawalan. Namiss niya ba ako?

"Vince..." tawag ko sa kanya.

"Bakit hindi mo sinabi sa'kin?" mahinang tanong ni Vince na ipinagtaka ko. Ano'ng hindi ko sinabi sa kanya?

"I didn't get it. Ano'ng hindi ko sinabi sa'yo?" takang tanong ko. Kumalas siya sa pagkakayakap sa'kin. Tumingin siya ng diretso sa mga mata ko.

"Bakit hindi mo sinabi sa'kin na ikaw si Blue Phantom?" diretsong tanong niya sa'kin. Napaawang ang labi ko sa gulat. Hindi ko inaasahan ang tanong niya. Napalunok ako at napabuntong-hininga ng malalim. Hindi ko alam ang sasabihin sa kanya.

"I'm sorry. Does it matter, now? I mean, matagal na akong member ng Dark Phantom Gang. Hindi pa man tayo. Hindi ko nasabi sa'yo dahil hindi ko alam kung kailangan ko pang sabihin. Galit si Kira kay Lee. Hindi magandang ideya kung sasabihin ko sa'yo na ako si Blue Phantom na partner ni Lee. Magkakagulo lang," paliwanag ko sa kanya. Seryosong nakatingin siya sa'kin. Hindi ko mabasa kung ano ang iniisip niya sa sandaling ito.

"It matters. I'm your boyfriend. Can't you trust me?" malungkot na tanong ni Vince. Napasinghap ako. Of course, I trust him! May mga bagay lang talaga na kailangang ilihim para sa kapakanan ng lahat.

"Pinsan mo si Kira at leader pa ng gang na kinabibilangan mo. Alam kong hindi mo magagawang magsinungaling sa kanya. I trust you, of course. Kung sinabi ko ba sa'yo na ako si Blue Phantom, ililihim mo ba kay Kira? If you do, then it's like you're betraying him. Kayong lahat ang inaalala ko," sagot ko sa kanya.

"Kung ganoon, hindi mo ako sinagot para saktan lang ako?" naniniguradong tanong ni Vince. Natawa ako ng malakas sa sinabi niya. How could he think like this? Napansin ko ang pagkunot ng noo ni Vince na tila naiinis sa inaasal ko.

"Of course not! Paranoid ka ba? Haha! Damn!" sabi ko habang hawak ang tiyan ko na sumasakit na sa katatawa.

"Fuck! You're making fun of me!" he hissed. Natigilan ako. Namumula ang mukha niya sa inis.

"I love you! How can I break your heart?" nakangiting wika ko sa kanya. Nahalata ko na pinipigilan niya ang sarili na mapangiti. Ang cute niyang tingnan. Pero makalipas ang ilang segundo, sumeryoso ang mukha niya.

"But why did Lee plan to break Kira's heart? Bakit siya nagpanggap? Kira's wasted now! Alam mo ba ang tungkol dito? Kasabwat ka ba?" seryosong tanong niya sa'kin. Napailing ako. Ganito ba ang tingin niya sa'kin? 

"Hindi plano ni Lee ang mga nangyari! Sinubukan niyang layuan si Kira dahil alam niyang galit sa kanya si Kira. Si Kira ang may kasalanan dahil lumalapit pa rin siya kay Lee kahit itinataboy na siya. Wala kang alam sa nangyayari! You shouldn't judge Lee or me," inis na wika ko sa kanya.

The Mischievous Nerdy GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon