Chapter 3.1: The Game Starts Now

380K 8.5K 1.3K
                                    

hello readers XD 

This is the Chapter 3 Update

enjoy reading!

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++


KIRA


Nagulat ako sa ginawa ni nerd. She caught me off guard. Damn! Hindi ko akalaing ganoon ang gagawin niya. Napansin ko ang mga kasama ko. Pinipigilan nila ang pagtawa. Namumula na sila. Gusto na ba nilang mamatay?


"Huwag ninyong pigilan. Baka kung saan pa lumabas 'yan," inis na sabi ko sa kanila. Tinitigan ko sila nang masama nang magsimula silang tumawa ng malakas. They're overdoing it. Napansin kong maraming nanonood at nakakita. Nagsimula na akong maglakad. Narinig ko pa ang bulung-bulungan nila.


"Damn that nerd! Inagaw niya ang kiss na para dapat sa 'kin," maarteng sabi ng isang babae.


"Nawasak ang puso ko. Ang lakas ng loob ng nerd na 'yon!" sabi pa ng isa. Ang sakit sa tainga ng pinag-uusapan nila. Napansin kong sumunod na sa 'kin ang mga kasama ko.


"Pare, hinalikan ka ng isang Nerd! Epic!" natatawang sabi ni Justin na umakbay pa sa 'kin. Tuluyan ko na kaya ang buhay niya? Tawa pa rin sila nang tawa. Hindi ko na napigilang sigawan sila dahil sa sobrang pagkaasar ko.


"Damn! Just zip your mouths in hell!" sigaw ko. Natahimik sila pero napapangiti. Tumingin silang lahat sa iba't ibang direksyon. Bigla namang kumanta si Enanz, ang music lover ng grupo.


If you don't wanna take this slow

If you just wanna take me home

Let me say yeah a yeah a yeah yeah a yeah

And let me kiss you


Muli silang nagtawanan. Narinig ko na maraming nagtilian na babae. Kinawayan pa ni Enanz ang mga ito. Loko-loko talaga.


"Tama na 'yan. Pumunta na tayo sa HQ. Kent, check her personal information. Ibigay mo sa akin mamaya," seryosong utos ko. Tumango si Kent


"Teka, Kira. Magkakilala ba kayo ni Ms. Nerd?" nag-uusisang tanong ni Justin. Hindi ako nagsalita. Si Vince ang sumagot.


"Siya ang ikinuwento ko sa inyo. Iyong astig na nerd sa Japan," sabi ni Vince. Naikuwento na pala ni Vince. Akala ko kaming dalawa lang ang may alam. Sinabi ba niyang astig na nerd? Ano'ng astig? Aning siguro pwede pa.


"Ahh. Siya pala 'yon. Mukhang palaban nga," natatawang sabi ni Enanz.


"Pero mukhang hindi niya kilala ang kinakalaban niya," napapailing na sabi ni Kevin


Hindi niya talaga kilala ang binangga niya. She must prepare to live in hell. That stupid Nerd!


***


Nasa headquarters na kami. Badtrip pa rin ako. Halos isang oras na kami rito.

The Mischievous Nerdy GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon