Fries Up Your Life

142 55 1
                                    


Dumaan ang tatlong linggo, natutong makisalamuha si Jessica sa mga kasamahan nito sa bahay. Maging sa negosyong pinapatakbo niya ay unti-unti niyang natutunan. Pero kahit naging ok na ang takbo ng lahat, may nararamdaman parin siyang puwang sa kaloob-looban. Pero kahit may pag-aalinlangan ay sumabay parin siya sa daloy dahil habang wala pa siyang makuhang sagot alam niyang tanong lang din ang ibabato sa kanya.

Isang gabi, inimbita siya ng mga taga bukid para makifiesta. Noong unay, gusto niyang tumanggi para matuonan ng pansin ang ina. Pero para sa patuloy na paglago ng negosyo ay pumunta siya't nakigdiwang.

Dumating siyang respetado. Ginagalang ng karamihan na naroroon. Kahit na siya ay di niya na makilala ang sarili dahil sa napakagandang make up at napakagarang dress na suot niya. Napuna nya si Brandon.

Lumapit siya nito para makipag-usap.

"Ang saya-saya pala dito?" tanong ni Jessica sa binata

"Oh ganito talaga basta probinsya." sagot ni Brandon

"Oh, alam ko kung ano ang buhay probinsya...sa pagkakaalala ko, lumaki akong probinsiyana."

"Wow, napakatalino niyo siguro dahil narating niyo na ang toktok ng tagumpay."

"Hmmm...ewan, ramdam ko pa rin kasi na lahat ng nakapaligid sa akin ngayon ay parang panaginip lang. At tanging si Nanay lang yung totoo."

"Nakakatuwa naman kayo Mam."

"Yan, yan lang ang palagi niyong sagot sa akin..."

"Di naman sa pinagkakatuwaan ka namin...Nakakatawa, kasi iba yung reaksyon mo sa karangyaan. Kung iba pa siguro yun, nagpalulung nayun sa ranyang natamo. Gasto dito, gasto doon. Pero kayo po, saludo ako sa inyo, dahil kahit may mga pagdududa pa kayo. Di niyo pinabayaan ang mga negosyo."

"( Napangiti ) Iniisip ko kasi, kung totoo man to dapat mapalago ko ng mabuti. Pero kong panaginip lang, atleast, di ko siya napabayaan. Para yung tao na kasunod managinip ng ganito ay matutuwa."

Di nakapagsalita si Brandon at nginitian lang nito si Jessica.

"Brandon, maitanong ko lang, naramasan mo na ba yung pakiramdam mo para kang linalaruan?"

"...ewan ko kung naiintindihan ko ng maigi ang nais niyo ipahiwatig. Pero kung patungkol to sa karanasan, well, ganoon naman talaga ang buhay di po ba, mapaglaro. Minsan masaya. Minsan malungkot. Ang maganda doon, di siya permanente so kahit kailan, pwedi kang magbago."

"Tama ka nga. Kaya habang buhay laban. Ba't nga pala di kapa nagkakagirl friend?"

"Naghahanap pa kasi ako...pero sa tingin ko, nahanap ko na siya."

"O ba't di mo linigawan."

"Linigawan ko na. Patapos na nga...ilang tiyaga nalang."

"Napakaswerti siguro ng babaing yan... anong pangalan niya?"

"ahmmm...Jes..."

"J-E-S din pala... buti di naging Jessica, kapangalan ko sana." patawang saysay ni Jessica.

"Jes lang po...Mam maiba tayo, ba't puto fries lang kinakain niyo? Andaming handa oh...tapos yan lang napili niyo...hala ka tataba ka niyan."

"Naaalala ko kasi, kung di ko to guni-guni o ano ba, nung nagtatrabaho ako dati. Palaging nagpapadala si Nanay ng Jolly Fries. Paboritong paborito niya to. Minsan tinitipid niya pa ito, dahil pagdi daw ako nakauwi. Atleast di siya magugutom." maluhang wika ni Jessica "Ano ba to? Di ba dapat magsaya tayo. Nag-iiyakan na tayo tuloy." pahabol niya pa.

"Gusto niyo po bang sumayaw?" sabay abot ni Brandon sa kanyang mga kamay

Di tumanggi sa paanyaya si Jessica. Nakisayaw ito kay Brandon. Habang napaka-sweet nilang nagsasayawan ay ramdam ni Jessica ang tilang una nilang pagtatagpo. Randam niya na kahit papaano ay malaki ang impact ni Brandon sa buhay niya. Para silang prince and princess na nasa malaking palasyo at nagdidiwang ng taunang pagmamahalan.

Di nagtagal ay nagsiuwian na silang lahat. Nagpasya na din na umuwi si Jessica kung saan ay inihatid siya ni Brandon.

Pagdating nila sa bahay ay tinignan kaagad ni Brandon ang kalagayan ni Nay Deria. Nakita niya na mahimbing itong natutulog. I-chineck niya ang vital signs nito at ok naman ang lahat. Kinumutan nya ng maigi si Nanay. Inadjust ang aircon at humalik bago umalis.

Sa malayo ay patagong nagmasid si Jessica. Masaya siya sa nakita. Masaya siya na kahit di niya maintindihan ang nangyayari. Atleast mahal siya ng nakakarami. Mga bagay na di niya inakalang darating. Mga biyayang dapat niyang ipagpasalamat.

Mayamaya'y nagpaalam na si Brandon.

"Thanks for the company Mam Jessica. I had fun. Til next time." wika ni Brandon

Nagulat si Jessica sa narinig. Natulala siya at tila may naalala siya sa linyang iyon.

"Mam, ok lang po kayo?"

"Ah...ok lang..."

"Sige po, alis na po ako."

Minamasdan ni Jessica na umalis si Brandon. At nang di niya na ito matinag ay dali dali siyang pumasok.

Kumuha siya ng ballpen at papel.

"Bakit napakasariwa ng linyang ito sa isip ko? Ano bang meron to?" wika ni Jessica sa sarili.

Pilit niyang inalala ang lahat. Inisip ng mabuti ang mga bagay na nangyari bago sila napunta sa lugar. Hanggang sa biglang pumasok sa kanyang isipan ang isang palaisipan na ang lahat ng nangyayari ay isang LARO.




ITUTULOY...

CONNECTED (COMPLETED) #Wattys2016 Winner : "Once Upon A Jollibee"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon